Chapter 5: A Heartless Heartthrob

31 3 0
                                    

Pagbaba ni Phytos sa kanyang sasakyan ay agad na naglingunan sa kanya ang mga babae. Alam niyang karamihan sa mga babaeng schoolmate niya ay may mga gusto sa kanya. Siyempre natutuwa siya dahil patunay na lamang iyon na ang isang katulad niya ay saksakan ng gwapo.

Animo isa siyang artista na sa bawat lakad niya at may makakasalubong ay binabati siya. Bukod sa mayaman siya, sikat siya, at gwapo siya ay mahilig din siya sa sports. Actually siya lang naman ang team captain ng kuponan nila sa basketball. Bukod doon ay kahit na nasa second section siya ay masasabi niyang matalino din siya pagdating sa klase. Sa katunayan nga Math ang paborito niyang subject. Kailangan niya kasing maging magaling sa numero dahil balang araw ay ipapamana na sa kanya ang mga ibat ibang negosyo ng pamilya nila.

Ang pamilya nila ang nagmamay ari ng isang malaking mall sa bayan nila. Sila din ang may ari ng isang public market sa bayan nila. Ang pamilya din naman niya ay may nagmamay ari ng isang modeling agency at isang kumpanya ng mga tela kung saan kasosyo din ng ibang negosyante ang pamilya niya. Kung inyong aalamin, kalahati ng lupa ng kinatitirikan ng paaralan nila ay kanila din. Kaya naman siya ang tinaguriang hari sa paaralan nila. Ngunit may isa pang bagay na kinatatakutan sa kanya ang buong paaralan, iyon ay pinuno siya ng isang maimpluwensyang fraternity sa school nila. Hindi puchu puchu na frat gayanng iba na walang ginawa kundi mang gulo. Ang frat na pinamumunuan niya ay gumagawa ng isang activity kung saan tumutulong sila sa nangangailangan. Yun ang di alam ng iba lalo ng ng mga bashers niya.

Isa pa sa ikinakilala sa kanya ay yung habulin siya ng mga babae. Di naman sa pagmamayabang ay naka pitong girlfriend na siya at ni isa wala siyang sineryoso. Mayroon din siyang ilang ka-flirt. Bukod pa yung mga nakakausap niya sa chat. Well hindi naman niya kasalanan kung magkagusto ang mga ito sa kanya, masyado kasing umaasa ang mga ito. Assuming kumbaga kaya nasasaktan. Kaya para sa mga babae diyan, walang paasa kung walang umaasa. Sa naisip ay napangiti siya kung kayat nag iritan ang mga babae lalo na ng kindatan niya.

Sa gitna ng kanyang pag lalakad ay may nakapukaw ng tingin niya kaya naman lumihis siya ng daan at sinundan ito. Hindi siya papayag na di ito makilala. Nang maabutan niya ang babae ay humarang siya sa dinadaanan nito.

"May kailangan ka?" Tanong nito sa kanya.

"Hi. I'm Phytos and you are?" Pakilala niya sabay lahad ng kamay na tiningnan lamang nito.

"Anndrei." Matabang nitong sagot.

"Anndrei. Nice name. Bagay sayo." Aniya sabay halukipkip.

"Excuse me. Nakaharang ka sa daaanan ko. May klase kasi ako." Anito na nakapagpangisi niya. Wala pang ibang babae na gumagawa sa kanya niyon.

"Ahm Anndrei. Hindi mo ba ako kilala?" Aniya dito.

"Hindi. Bakit sino ka ba?" Anito sa poker face na mukha nito.

"You know what. I like you." Aniya dito na ikinailing nito.

"Kumain ka ba ng almusal?" Tanong nito sa kanya na ikinangiti niya.

"Bakit? Aayain mo ba ako? Sabi ko na nga ba at bibigay ka din eh." Ngiting ngiti niyang sabi dito.

"Hindi. Kasi kako kung di ka pa nakain, aba kumain ka muna baka nahanginan ang ulo mo." Anito sa kanya na ikinatanggal ng ngiti niya.

"Excuse me." Anito sabay lagapas sa kanya.

"Wait! Can I get your number?" Tanong niya dito.

"One two three four five six seven eight nine ten!" Anito habang papalayo.

"Niloloko ba ako nito?" Aniya sa isip nang may biglang lumapit sa kanyang babae.

"Hi babe. Labas tayo mamaya?" Anyaya sa kanya ng babae.

"Di ba break na tayo? Oo nga. Tapos na tayo." Aniya dito sabay layo.

"Hanap ka na lang ng iba. Ako nga nakahanap na eh." Aniya pa dito sabay kindat palayo.

"How dare you!" Anito sa kanya.

Wala siyang pakialam kung lumuha man ito. Kasalanan nito, nagpakatanga sa kanya. Ibigay ba naman ang hinihingi niya. Easy to get ika nga. Para kasi sa kanya kapag madaling makuha ang babae, madali ding itapon ito. Pero kapag mahirap, mahirap din itapon. Kagaya ng babaeng nakita niya kanina na ang pangalan ay Anndrei. Kailangan niyang mapasakanya ito. Wala pang babae ang tumatanggi sa kanya.

Nang makapasok siya sa loob ng classroom nila ay sinalubong siya ng mga tropa niya na sina Gerald at Leo.

"Pare. Kamusta naman. Hindi mo ba nakasalubong si Boy Pikon?" Natatawang bati sa kanya ni Leo.

"Ah yun. Hindi." Aniya na natatawa. Ang tinutukoy kasi nito ay ang transferee student nila na si Red. Simula nang kalabanin siya nito ay hindi na mawala inis niya dito. Makita lang niya ito ay kumukulo na dugo niya lalo na nang ayain ito ng coach nila na mag try out next month. Pero hindi na niya ito laging iniintindi dahil sa kagaya niyang gwapo dapat nag rerelax lang siya.

"Eh si walking disaster nakasalubong mo?" Aniya naman ng kaibigang si Gerald. Ang tinutukoy nito ay ang schoolmate nilang si Zoe. Actually kilala na niya ang babae noon pa kasi talaga namang maganda ito at marami ding nagkakagusto dito ngunit di ito ang tipo niya. Hindi niya kasi type ang mga mapuputi. Mas gusto niya ang morena katulad ni Anndrei.

"Uy. Nangingiti siya. Type mo na ba pare?" Tukso ni Gerald.

"Gago. Di ko papatulan yun. May kakambal na malas yun eh. Baka malasin pa ako." Aniya na natatawa. Maya maya ay dumating na ang ilang nilang classmate.

"Hi Phytos." Bati sa kanya ni Juliana. Sa totoo lang ay pinagbibigyan niya lang ito. Isa ito sa mga babaeng baliw na baliw sa kanya. Yun nga lang hindi niya ito basta maitaboy dahil maimpluwensya din kasi ang pamilya nito at magkasosyo ang mga magulang nila sa fashion industry.

"Are you free tonight?" Tanong nito sa kanya.

"Ahm. Hindi eh. Pwede next time na lang?" Aniya dito.

"Ok. As you wish baby boy." Anito sa kanya sabay kindat.

"Baby boy!" Sabay na kantiyaw sa kanya nina Gerald at Leo.

"Mga luko loko." Aniya dito habang natatawa.

"Mamaya mga pare samahan niyo ako. May nakita akong babae. Hanapin natin. Hindi ko alam ang section niya." Aniya sa mga ito.

"Bakit sino ba yang chicks na yan?" Tanong naman ni Leo.

"Anndrei ang pangalan eh." Aniya dito.

"Pare kung di ako nagkakamali, yang tinutukoy mong Anndrei ay taga section one at kaibigan ni Ms. Walking Disaster." Ani naman ni Gerald.

"Talaga pare?" Aniya naman ni Leo.

"Oo. Kadalasan ay nasa Journalism yan. Photography kasi talent nun." Anito pa ng kanyang kaibigan.

"Ah so. Section one." Nagingiti niyang sabi.

"Oo. Section one. Pare puro matatalino ang nandoon." Anito sa kanya ni Gerald.

"Wala akong pakialam. Dadayo tayo mamaya sa section one." Aniya sa pursigidong salita. Gusto niya kasi talaga makilala at makuha ang babaeng iyon.

Because Of You (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon