Kasalukuyang nag aayos ng kanyang sarili si Zoe sa loob ng kwarto nang pumasok doon ang kanyang ina.
"You're so beautiful." Aniya ng kanyang ina.
"Thanks Mom." Aniya dito.
"And who's that lucky guy gives you an invitation?" Tanong nito sa kanya.
"Phytos Mommy. Phytos Ramirez." Aniya dito na siyang ikinakunot ng noo nito.
"You mean the young heir of a multimillion company in this country?" Pagkumpirma nito.
"Yes Mom. He's my schoolmate." Aniya dito.
"Oh. I don't even know that both of you are dating. I thought he is just an ordinary boy who had crush on you." Mahabang litanya nito sa kanya na ikinatawa niya ng mahina.
"Well Zoe. Just enjoy the party. Bababa na muna ako." Anito sa kanya at hinalikan siya bago umalis. Nang hustong makapag ayos na ay pinuntahan siya ng kanilang kasambahay at sinabing may sumusundo na sa kanya. Kaya naman dali dali siyang tumalima at bumaba na. Pagbaba niya ay hindi si Phytos ang nabungaran niya isang matandang lalaki na nakaamerikana.
"N-nasaan po si Phytos?" Tanong niya.
"Señorita Zoe siya po ay nasa mansyon at hinihintay niya po kayo." Anito sa kanya.
"Kayo po ay---" hindi na natuloy ang sasabihin ng kanyang ina nang sumagot ang matandang lalaki.
"Butler nila ako." Anito sa kanila na ikinalaki ng mata ng ina niya.
"Anak mag iingat ka. At i-enjoy mo ang party." Sabi naman ng ama niya na noon ay nakalapit sa kanila. Bago umalis ay humalik siya muna sa mga ito at saka umalis. Bago maisara ang pinto ng sasakyan ay sinabi ng kanyang ama na before twelve midnight ay nasa bahay na siya.
Nang makaalis at sapitin niya ang pinagdadausan ng party ay namangha siya dahil sa laki ng bahay na nakita niya. Naisip niyang ang mundong ginagalawan ni Phytos ay sadya talagang malulula ka dahil sa mga bilyonaryong makakasalamuha mo. Nang makapasok siya ay agad na nakita siya ni Phytos. Ngiting ngiti ito nang makita siya.
"Bakit ang tagal mo?" Anito sa kanya.
"Late na kasi ako nakapag ayos. Pasensya ka na ha." Aniya dito.
"It's ok. You look beautiful." Papuri nito sa kanya.
"Sus. Bola." Pagbibiro niya dito.
"Well ipakilala kita sa parents ko." Anito sabay hila sa kanya papunta sa mga magulang nito. Nang makarating sila sa kinalulugaran ng mga magulang nito ay magalang itong nagpasintabi at ipinakilala siya.
"Excuse me gentlemens and ladies. I would like to introduce you my friend. A very special friend Erica Zoe Ixchel Bantog." Anito sa mga nandoon.
"Hello. Good evening." Aniya sa mga ito.
"Well Zoe this is my Dad, my Mom, and also the birthday celebrant my Uncle." Dagdag pa nito.
"Hi hija. You're so pretty." Nakangiting bati ng ina ni Phytos.
"I'm glad you're here for my son." Ani naman ng ama nito. Nang bumaling siya sa uncle nito ay magalang niya itong binati sabay abot ng dala niyang regalo para dito.
"Happy birthday sir." Aniya sa tiyuhin nito.
"Thank you hija." Nakangiti nitong sabi.
"Uncle where's Kier? Tanong nito sa tiyuhin.
"Well Phytos I think he's still in the kitchen." Aniya naman ng tiyuhin nito na natatawa. Magalang silang umalis muna doon at dinala siya sa kusina na sinasabi ng tiyuhin nito.
"Phytos kaninong bahay ito?" Tanong niya dito.
"Sa Uncle ko." Anito sa kanya. Habang siya ay manghang mangha sa loob ng bahay dahil bawat dekorasyon doon at muebles ay sadyang mamahalin. Nang marating nila ang kusina ay nakita niya ang isang lalaki na matangkad at gwapo. Naka apron ito at tila ganado ito sa ginagawa.
"Pinsan!" Masiglang tawag dito ni Phytos na ikinalingon nito.
"Phytos!" Nakangiti ito na lumapit sa kanila at ipinakilala siya sa pinsan nito. Matapos magkamustahan ay bumalil na sila sa mismong venue. Bawat makasalubong niya ay ginagantihan niya iyon ng ngiti. Nang magsimula na ang dinner ay katabi niya si Phytos at nakangiti siyang pinagsisilbihan nito. Hanggang sa mag salita ang pinsan nito.
"Pinsan. Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa mga mapuputi?" Tanong nito sa katabi niya na ikinagulat niya. Dahil ibig sabihin pala kaya hindi siya nito tipo ay dahil maputi siya?
"Tumahimik ka na lang pinsan. Kaibigan ko lang si Zoe. Ok?" Anito na natatawa.
"Well hindi lang ako sanay pinsan na ngayon ka lang hindi nag dala ng babae mo." Natatawa nitong komento.
"Kier naman. Wag mo naman akong ipahiya kay Zoe." Nakasimangot nitong sabi na ikinatawa niya.
"Tingnan mo pinsan pinagtatawanan ako." Ani ni Phytos sa pinsan nito.
"Well hija ano ang negosyo ng mga magulang mo?" Tanong naman ng magulang ni Phytos sa kanya. Kinakabahan man ay sinagot naman niya ito ng maayos at may pag galang.
"Well our family business is about tailoring that's why I'm planning to take a fashion design course in college." Aniya sa mga ito.
"Good. Bata ka palang ay business minded ka na." Papuri sa kanya ng ina nito.
"Is my son courting you?" Tanong ng ama nito sa kanya na medyo nabigla siya.
"Oh I'm sorry. Are you ok?" May pag aalalang tanong ng ama nito.
"Dad naman magkaibigan nga lang kami." Aniya sa mga ito.
"Well hijo di mo kami masisisi dahil nasanay kami na ilang girlfriend na ang dinala mo dito." Ani ng ama nito.
"At lahat sila di ko gusto. But you, Zoe. If you're a girlfriend of my son. Magkakasundo tayo. Because I like you." Ani naman ng ina niya na ikinamula niya.
"Tama na sa papuri. Namumula na si Zoe." Biro naman ni Phytos sa kanya.
"Naku. Kung magiging boyfriend mo pinsan ko sana mapatino mo na." Ani naman ng pinsan nitong Kier na ikinatawa ng lahat.
Nang matapos makapag hapunan ay niyaya na siyang sumayaw ni Phytos sa dance floor. Habang magkasayaw ay naririnig niya ang awitin na kasalukuyang tumutugtog. Hindi niya makakalimutan iyon dahil iyon ang kauna unahang isinayaw siya ng binata.
"Because of you, my life has changed thank you for the love and the joy you bring. Because of you I feel no shame, I'll tell the world it's because of you. My life has changed thank you for the love and the joy you bring, Because Of You I fell no shame I'll tell the world it's because of you."
Habang natugtog ang naturang awitin ay nakatitig sila sa isat isa. Tila kinakabisa ang mukha ng bawat isa. Masayang masaya siya ng gabing iyon tila ay ayaw na niyang matapos ang mala fairy tale niyang nararanasan ngayon kung saan siya ang prinsesa at ito naman ang kanyang prinsipe na nasa mala palasyong bahay na kinalulugaran nila. Matapos ang kasiyahan ay nagpasya na siyang umuwi at ihatid ni Phytos. Nang sapitin na nila ang tahanan ay nilingon niya ito.
"Thank you." Aniya dito na ikinangiti nito. Akmang bababa na siya ng bigla siya nitong pigilan at halikan sa mga labi. Banayad lamang halik nito tila isang halik iyon ng may paggalang. Nang matapos maghinang ang kanilang mga labi ay nagsalita ito.
"Sige na. Pumasok ka na. Hanggat nagtitimpi pa ako because I like kissing you. I want to kiss you." Anito sa kanya ngunit hindi agad siya nakahuma kaya nagsalita ito.
"Tila gusto mo yatang mahalikan ulit." Anito an siyang ikinatalima niya dahil kapag nahalikan na siya nito ay hindi na niya mapipigilan pa ang kanyang sarili na tumugon dito. Pagkababa ay nagpaalam na ito at siya naman ay pumasok na sa loob ng bahay. Napakamemorable ng gabing iyon para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221090478-288-k243244.jpg)
BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
RomanceWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...