Hustong katatapos lang ng klase nila sa umaga at kakain na sila ng lunch nang biglang may pumasok sa room nila. Nakilala niya ang lalaking kapapasok lamang sa loob ng classroom nila.
"Hi guys." Ani ni Phytos na nakapamulsa.
"Anong ginagawa mo dito?" Ani ni Red na halata ang pagkadisgusto nito sa lalaking pumukaw ng atensyon niya.
"Oh. Nandito ka pala. Section one ka pala." Ani ni Phytos sabay lapit sa kaibigan niya.
"Wag kang mag alala di ikaw ang pakay ko." Nakangising saad ni Phytos kay Red. Pagkatapos ay naglakad ito papunta sa unahan kung saan ay lumapit ito sa kaibigan niyang si Anndrei.
"Si Anndrei ba ang ipinunta nito dito?" Aniya sa sarili.
"Hi Anndrei. Can you go out with me?" Tanong nito sa kaibigan niya.
"Hindi mo ba ako titigilan?" Mataray na sagot dito ng kaibigan niya.
"Ahm nope. Until you'll became my girlfriend." Anito na nakangiti.
"Yabang mo talaga eh nu." Ani ng kaibigan niya at lumayo dito saka lumapit sa kanya.
"Tara na Zoe hindi maganda ang atmosphere dito." Aniya ng kaibigan niya.
"Oh. So is she your friend also?" Tanong ni Phytos sa kanya.
"Yes. Why?" Tanong niya dito.
"Well we're friends right? So may I join in your group?" Nakangiti nitong sabi.
"Hindi ka pwede." Ani ni Red dito.
"Oh common dude. Keep your mouth shut. I'm not talking to you." Anito kay Red na ikinainit na naman ng ulo nito.
"Mayabang ka talaga eh nu." Ani ni Red at hinarangan silang dalawa ni Anndrei.
"Ano ba talaga gusto mo ha?" Anito sa lalaki.
"Pare lalaki ka din. Siguro naman alam mo yung salitang porma. So may pinopormahan ako. Interesado ako kay Anndrei kay tumabi ka diyan." Ani ni Phytos kay Red.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon. Parang nasaktan siya sa kaalamang walang interes sa kanya si Phytos. At ang mas masakit pa ay kaibigan niya ang nagugustuhan nito.
"Tara na Zoe." Aniya sa kanya ni Anndrei na di niya rin namalayan na nasa likod na din nila si Sophia at Margaux.
"Sunod ka na lang Red." Ani ni Anndrei at dire diretso silang lumabas.
Habang nag lalakad ay hindi niya maiwasang malungkot dahil sa ang totoo ay may interes siya kay Phytos. Unang kita niya dito ay talaga namang nagkagusto na siya dito. Oo aminin niya na isa siya sa mga babae ngayon na nahuhumaling dito. Kahit na marami siyang nasasagap na balita na marami itong pinaluhang babae ay wala lang sa kanya yun. Naniniwala kasi siya na kung bibigyan siya ng pagkakataon na magkasama sila ay tuturuan niya itong maging seryoso sa babae. Ngunit parang kay hirap matupad yun dahil ngayon pa lang na nalaman niya na iba pala ang gusto nito.
"Alam niyo talagang nayayabangan ako sa lalaking yun." Ani ni Sophia sa kanila.
"Sinabi mo pa. Palibhasa kasi mayaman kanila ang kalahati ng lupa na kinatitirikan ng ating school." Ani naman ni Margaux na ikinagulat niya.
"Talaga? Kanila ang kalahati ng lupang ito?" Aniya dito.
"Oo di mo ba alam? Lahat ng nag aaral dito ay alam yun. Buti na nga lang kahit luko loko ay matalino kaya walang rason para ibagsak yung mayabang na yun." Ani pa ni Margaux.
"Ah kaya pala malakas ang loob kasi mayaman sila. May kapangyarihan sila." Aniya naman ni Anndrei na siyang ikinatungo niya dahil gulat na gulat siya sa mga nalaman. Maya maya ay biglang may lumapit na isang babae at may ibinigay sa kanilang pamphlet. Binasa niya iyon at nakita niyang naghahanap ng bagong miyembro ang cheerleading squad. Bigla siyang napaisip na kung sakaling sumali siya dito ay mapapalapit siya kay Phytos. Baka doon ay mapansin siya at di na ito pag interesan pa ang kaibigan niyang si Anndrei.
Maya maya pa ay dumating na si Red at umupo ito sa tabi niya pero nung mga oras na iyon ay pumunta sa library si Margaux at nagbanyo na naman sina Sophia at Anndrei kaya silang dalawa lang ang nasa bench na iyon.
"Ano iyan?" Tanong ni Red nang makita nito na tinititigan niya ang pamphlet na bigay sa kanya ng babae kanina.
"Ah invitation para sa audition ng cheerleading squad." Aniya dito.
"Sasali ka diyan." Takang tanong ni Red?
"Ahm oo. Kaya ko kaya?" Tanong niya dito.
"Ikaw. Gusto mo ba?" Tanong naman nito na ikinatango niya.
"O siya eh di mag audition ka para kapag natanggap na ako sa basketball at may laban ay nandun ka din para mag cheer." Nakangiting tugon ni Red sa kanya.
"Salamat." Aniya sabaya yakap dito na ikinagulat nito. Hanggang sa humiwalay siya dito ay nakatitig lang ito sa kanya.
"Uy. Nanuno ka?" Biro niya dito.
"Sira ka. Kung anu ano sinasabi mo." Anito na tila napahiya.
"Kapag ako natanggap dito lagi lagi tayo magkasama." Aniya dito.
"Bakit? Gusto mo ba lagi na magkasama tayo?" Nakangiting tanong ni Red.
"Ahm oo. Saka gusto ko din kasi na makilala pa si Phytos." Aniya dito na ikinakunot na naman ng noo nito.
"Ayun. Lumabas din ang totoo. Yun ang pakay mo. Ang makasama si Phytos." Anito sa kanya.
"Hindi naman. Siguro ay ganoon lang talaga siya. Strong yung personality niya." Pagtatanggol sa lalaki.
"Anong strong? Mayabang kamo." Anito sa kanya.
"Sige na Red wag ka na mainis. Pagbigyan mo na ako. Suportahan mo na ako." Aniya dito.
"Sabihin mo nga sakin. May gusto ka ba dun?" Tanong nito na ikinatahimik niya.
"Silence means yes. Di mo ba narinig? Si Anndrei ang gusto nun." Sabi nito sa kanya.
"Alam ko, kaya nga di ko sinasabi kay Anndrei na may gusto ako eh. Sige na please." Aniya dito.
"Babaero yun Zoe. Di ka ba nag iisip? M-marami pa namang iba diyan eh. Nasa tabi tabi lang. Di mo lang nakikita." Anito sa kanya ngunit pinilit parin niya ito na suportahan siya sa gagawin niya na pakikipaglapit kay Phytos.
"Ok sige. Pero lagi akong nakatingin sa iyo. Subukan lang ng Phytos na iyan na saktan ka ako makakalaban niya." Anito sa ikinangiti niya.
"Wow. Thank you. You're like a kuya to me." Aniya dito na ikinaseryoso ng mukha nito.
"Thank you for supporting me. Ikaw lang kasi mapag sasabihan ko. Saka tiwala naman ako na di mo ipagsasabi sa iba nating kaibigan." Aniya dito.
"Basta ingatan mo sarili mo. Ayokong gagawan ka ng kalokohan ng lalaking iyon. Kapag sinaktan ka nun. Layuan mo na. Ok?" Pagpapaalala nito sa kanya.
"Yes kuya." Biro niya dito.
"Anong kuya?" Nakakunot noong tanong nito.
"Kuya. From now on you're my big bro na." Aniya dito na ikinatahimik nito.
"Again. Thank you." Aniya dito sabay yakap dito na ikinalaki na naman ng mata nito.
"Ano ka ba? Di ka ba sanay yakapin?" Natatawang sabi niya dito na ikinamula ng mukha nito.
BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
RomansWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...