Chapter 21: Phytos Ramirez

39 3 0
                                    

Mula sa parking lot matapos iparada ni Phytos ang kanyang sasakyan ay dumeretso na siya sa kanyang opisina. Lahat ng makasalubong niya ay binabati siya at ginagantihan naman din niya iyon ng ngiti at pagbati. Wala siyang arte sa katawan kung kayat ayos lamang sa kanya na may makasabay sa elevator, sa hallway at kung saan pa. Kung kayat natutuwa sa kanya ang mga empleyado niya dahil hindi daw siya matapobre gaya ng iba na nasa alta soyedad.

Matapos makalabas ng elevator ay agad na dumeretso siya sa hallway patungong presentation hall dahil magsisimula na ang meeting. Nang sapitin niya ang naturang silid ay nagsisimula ng mag present ang mga nasa sa loob kaya sinenyasan na lang niya na magpatuloy at hahabol siya. Hindi naman naging mahirap para sa kanya ang humabol dahil nareview na niya ipepresent ng Design Team. Naghahanda kasi sila sa nalalapit na Mega Fashion Show ngayong papalapit na ang summer. Kailangan kasi nilang mag labas ng mga bagong produkto at usong damit dahil marami silang kalaban sa market.

Nang matapos ang presentation ay nagustuhan ng kanilang CEO ang naging presentation ngunit nais nitong mas lalong mapaganda iyon upang malagpasan nila ang highest rate ng kanilang benta. Kung kayat nanghingi ito ng suggestion kung paano magagawa iyon. Nasa ganoon silang pag iisip ng biglang may nag pop out sa isip niya.

"What if we hired an international model to showcase our product. Nang sa gayon ay mas makilala pa ang brand na Belinda Couture?" Aniya sa mga ito na ikinatawa ng isa sa mga board member doon.

"Are you sure Mr. Ramirez? Di mo ba alam kung mag kano ang talent fee ng mga modelong yan?" Pangungutya ni Max isa sa mga board doon.

"Alam ko Mr. Buenaflor. Kung kaya nga walang masama kung susubok tayong kumuha lalo pa at sikat. Yung talent fee, it can negotiate. Kaya nga businessman tayo di ba?" Sopla niya dito na ikinatango ng ibang board.

"Well, Mr. Ramirez is right. Pagdating sa business talaga ay walang kasiguraduhan kung tayo ay kikita o hindi. Basta ang mahalaga we can execute it in a very smooth way." Aniya ng kanilang CEO.

"So I suggest Mr. Phytos Ramirez cam handle this project with the Design Team." Aniya naman ng kanilang President ng kumpanya.

"I will accept this project and I will make sure papatok ito sa market." Aniya sa lahat.

"Wag puro salita. Gawin." Aniya naman ni Max.

"Yeah. I will. Because in the first place. I am the Vice President of this company." Aniya dito na may diin para ipamukha dito na mas mataas ang katungkulan kesa dito. Matapos ang naging meeting ay naiwan siya sa loob ngunit hindi agad umalis si Max bagkus ay lumapit pa ito sa kanya.

"Ayos. Bida ka na naman kanina." Pangungutya nito sa kanya.

"Wala ako sa mood Max. Iwan mo muna ako." Aniya dito na hindi man lang niya pinagkaabalahang tingnan.

"Sungit naman ng bunso kong kapatid." Anito sa kanya. Marahas na napalingon siya dito. Ten years ago ay nalaman niyang may kapatid siya sa labas. Kapatid sa ina. Nalaman niyang bago pala makilala ng kanyang ina ang kanyang ama ay nagkaroon na ng anak sa pagkadalaga ito. Itinago lamang nito iyon dahil sadyang matapobre ang pamilya ng ama niya noon. Ngunit di naglaon ay may nakaalam ng sikreto ng mga magulang niya kaya bago pa iyon gamitin laban sa kanilang pamilya ay isinapubliko na nila kaagad ang tungkol sa bastardo ng kanyang ina. At ito iyon, ang kuya niya na si Max Buenaflor.

Sa sobrang bait ng kanyang ama ay pinagpag aral ito at binigyan ng posisyon sa kumpanya. Wala namang kaso sa kanya iyon ngunit sa di malamang dahilan ay ito pa mismo ang masama ang trato sa kanya bagay na di niya maintindihan dito kung kayat lumaki silang walang amor sa isat isa.

"Well good luck little bro. Sana ay makahanap ka ng international model na sinasabi mo." Pang aasar pa nito sa kanya na ikinabuntong hininga niya nang makalabas ito.

Ngayon ay siya na si Mr. Phytos Ramirez, bunsong anak ni Madam Belinda Ramirez at ama niya na si Don Faustino Ramirez. Vice President ng isa sa kumpanyang pag mamay ari nila na Belinda Couture kung saan isa ang produkto nila sa sikat na brand ng mga damit, sapatos, bag at accessories. Sa pamamalagi niya sa kumpanya ay masasabi niyang nagampanan naman niya ang kanyang tungkulin at ni kailanman ay wala siyang naging aberya sa pamamalakad nito. Nagyong may bagong hamon sa kanya ay ipapakita niyang mas pag iigihan niya ang kanyang trabaho. Nasa ganoon siyang pag iisip nag pumasok sa loob ang kanyang pinsan na si Kier De Vega, isa itong vice president din sa isang kumpanya na hawak din nila. Kasalukuyang pinapatakbo nito ang mga restaurant at bakeshop na hawak nila.

"O pinsan, naparito ka?" Tanong niya dito.

"Di ka maniniwala sa ibabalita ko. Good news." Nakangiti namang saad nito na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit? Ano bang meron?" Aniya dito.

"Finally, ikakasal na ako." Masayang turan nito na ikintitig niya dito. Naging girlfriend nito ang babaeng patay na patay sa kanya noon na si Juliana. Hindi niya alam kung paano nito nagustuhan ang babaeng iyon. Sa totoo lang ay hindi niya tanggap ang babae para sa pinsan sapagkat napakalaki ng kasalanan ni Juliana sa kanya. Ito kasi ang dahilan kung bakit siya iniwan ng kaisa isang babaeng minahal niya noon.

"Alam ko ayaw mo parin sa kanya. Pero naniniwala ako na matatanggap mo din siya." Anito sa kanya na ikinakibit balikat niya.

"Pero may isa pa akong good news na talagang ikatutuwa mo." Anito sa kanya sabay kindat.

"Ano na naman yun?" Masungit na turan niya.

"Ayan. Basahin mo." Anito sa kanya sabay hagis ng magazine sa kanya. Binasa niya ang nasa artikulo at nanlaki ang mga mata niya.

"Yeah. Tama ang nababasa mo. Nandito na sa Pilipinas ang sinisintang irog mo." Natatawang saad nito.

"K-kailan pa?" Aniya dito na di makapaniwala.

"Ayon sa source ko ay dumating siya kahapon lamang. May sumundo sa kanya na lalaki, yung nagtatrabaho sa Department of Agriculture. Pinsan, baka boyfriend niya yun." Anito sa kanya.

"Hindi. Hindi niya boyfriend iyon. Best friend niya iyon. Alam kong may asawa na si Red." Aniya dito.

"So may chance ka pa pinsan. Ano pa hinihintay mo?" Anito sa kanya na ikinangiti niya. Sa wakas makikita na niya ulit ang matagal na niyang hinihintay. Ang babaeng nanatili sa kanyang puso sa loob ng sampung taon. Ang babaeng tanging nagpatibok sa puso niya kahit ito ay wala sa piling niya. Sa wakas ay may pagkakataon siyang makita at makasama ito ulit. Sana lamang ay hindi na ito galit sa kanya. Sana lamang ay pansinin din siya ng babaeng mahal niya. Si Zoe.

Because Of You (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon