Masayang pinapanood ni Zoe na nagsasayaw sa gitna ang bagong kasal na sina Anndrei at Tyrone. Sa wakas ay nagkatuluyan na ang dalawa. Sa tinagal tagal ng relasyon ng dalawa ay tuluyan ng natuldukan ang problema ng mga ito sa isat isa. Sa kabilang banda ay nakita niyang kanina pa nagsusulyapan sina Sophia at ang kuya ng bride na si Eros. Matagal na niyang napapansin na parang may something sa dalawa na ito. Ngunit kung anuman yun ay sana maging maayos din ang dalawang ito. Tanging sila lamang ni Margaux ang mga nasa sa upuan. Kapwa lamang silang nakamasid sa mga tao na nandodoon. Nakita rin niya sa isang banda si Red kasama ang pamilya nito.
"Margaux buti pa sila oh. Nakabuo na ng sariling pamilya." Aniya dito habang nakatingin kina Red at Kyla.
"Kaya nga eh. Ikaw ba? May balak ka na bang lumagay sa tahimik?" Tanong nito sa kanya na ikinatawa niya.
"Ano ba namang tanong yan?" Aniya dito na natatawa.
"Wala lang naisip ko lang. Kasi hanggang ngayon wala ka pang nagiging nobyo." Aniya sa kanya.
"Eh sa wala eh. Hayaan mo at darating din yun." Aniya dito na siyang ikinataas ng kilay nito.
"Yung bang taong yun ay nasa likod mo na?" Tanong nito na ikinalingon niya dahil nakita niyang papalapit na sa kanya si Phytos.
"Dumating ito." Aniya sa isip.
"Siya ba?" Aniya pa ni Margaux na parang nanunukso. Hanggang sa nakalapit na sa kanya si Phytos.
"Puntahan ko muna yung iba." Paalam ni Margaux at naiwan na sila ng binata.
"D-dumating ka. Akala ko hindi ka pupunta." Aniya dito.
"Eh sa totoo lang talaga hindi ako pupunta dahil nahihiya talaga ako. Eh sabi sakin ni Red mas nakakahiya daw kung di ako sisipot lalo pa at inanyayahan mo daw ako." Litanya nito sa kanya na ikinangiti niya.
"Buti na lang dumating ka." Aniya dito na ikinagulat niya dahil hindi niya maintindihan ang kanyang sarili bat parang nasasabi niya iyon dito. Hanggang sa namalayan na lang nila na nagkatitigan sila. Kita niya sa mukha ni Phytos ang paghanga sa kanya. Napansin niyang papalapit na ang mukha nito sa kanya nang biglang may nagflash na camera. Sa gulat ay napakislot siya at di sinasadyang tumama sa mga labi niya ang mga labi nito. Bakas sa mukha nila pareho ang labis na pagkagulat. At kinunan ulit sila ng litrato. Sa hiya ay napalayo siya dito at inayos ang kanyang sarili. Habang ito naman ay parang pako na tulala sa isang tabi. Matagal namayani ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa ito na ang bumasag ng katahimikan.
"Ahm. Zoe." Anito sa kanya na ikinalingon dito.
"Pwede ba kitang maisayaw?" Anito sa kanya na siyang pagpayag niya. Nagtungo sila sa dance floor at nagsimulang sumayaw ng sweet dance. Sa una ay nagkakahiyaan pa sila na magsalita dahil sa nangyari kanina pero kalaunan ay naging kumportable na sila. Nakailang tugtog sila habang magkasayaw. Nang sinabi niyang uupo na siya ay sinabihan siya nito na umupo at manood at makinig daw siya sa gagawin nito. Nagtaka man ay sinunod na lamang niya ito.
Nakita niya na lumapit ito sa mag asawa na si Anndrei at Tyrone. Kita niya na tuwang tuwa ang dalawa sa binulong ni Phytos. Napansin niyang napalingon sa kanya si Anndrei. Ngunit ipinagpawalang bahala niya iyon. Hanggang sa kinuha ni Phytos ang mikropono at nagsalita.
"Ahm. Good evening po. Ako po si Phytos Ramirez. Former schoolmate ng bagong kasal na sina Anndrei at Tyrone. Hihingi lang po ako ng paumanhin dahil sa gusto kong ipabatid ang aking nararamdaman sa babaeng matagal ko nang itinatangi. Kaya sana po maunawaan niyo po ako." Anito na tila nahihiya.
"Galingan mo pare!" Sigaw pa ni Red dito na lalong ikinamula ng mukha ni Phytos. Nagtataka man ay naaaliw siyang panoorin ang binata. Maya maya lamang ay nabigla siya dahil umawit ito. Di niya alam na marunong pala itong kumanta at pinakinggan niya ang inawit nito habang nakatingin ito sa direksyon niya na labis na ipinagtaka niya.
"If ever you wondered, if you touched my soul, yes you do. Since I met you I'm not the same, you bring life to everything I do. Just the way you say hello, with one touch I can't let go. Never thought I'd fall in love with you."
Bago nito kantahin ang chorus ay may binaggit ito sa kanya.
"This is for you Zoe." Anito saka umawit.
"Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring. Because of you, I feel no shame I'll tell the world it's because of you."
At nagpalakpakan ang mga tao doon at sumipol pa si Red biglang pangangantiyaw.
"Sometimes I get lonely and all I gotta do is think of you. You captured something inside of me. You make all of my dreams come true. It's not enough that you love me for me, you reached inside and touch me eternally. I love you best explains how I feel for you."
Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at dinala siya sa gitna.
"Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring. Because of you, I feel no shame I'll tell the world it's because of you."
"The magic in your eyes, true love I can't deny. When you hold me, I just lose control. I want you to know, that I'm never letting go. You mean so much to me, I want the world to see. It's because of you."
"Because of you, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring. Because of you, I feel no shame I'll tell the world it's because of you. My life has changed, thank you for the love and the joy you bring. Because of you I feel no shame, I'll tell the world, it's because of you... Because of you."
Nagpalakpakan ang mga tao doon at panay hiyaw sa kanila. Tila ay parang sila ang kinasal. Nakita niyang tuwang tuwa ang mag asawa nakikitang pangyayari sa reception hanggang sa magsalita si Phytos.
"Zoe. Ginawa ko ito para ipabatid sa iyo na hanggang ngayon simula nang umalis ka. Araw araw kitang hinihintay. Walang araw walang gabi na hindi kita naiisip. Aaminin ko na nagkamali ako noon at iyon ay talagang pinagsisisihan ko na. Kahit na napatawad mo na ako. Araw araw ko paring papatunayan sa iyo ang aking sarili. Mahal kita Zoe. Mahal na mahal kita. Hindi kita mamadaliin. Pero gusto kong malaman mo na malinis ang hangarin ko sa iyo. Na hindi ako ang dating Phytos na sasaktan ka lamang. Zoe, binago mo buhay ko. Dahil sa iyo naging makahulugan ang pamumuhay ko dito sa mundo. Kaya ngayong nandito ka na. Hindi ako papayag na mawawala ka ulit sa akin. Hindi na." Madamdamin nitong pahayag na ikinaluha niya. Muli ay biglang may kumurot sa puso niya. Tila ay nabuhay ang natatago niyang damdamin para sa binata kung kayat wala sa loob na napayakap siya dito na ikinagulat nito. Hanggang sa bumulong ito sa kanya.
"Wag kang magmadali. Alam kong hindi ka pa handa. Gusto ko lang ipakita at patunayan sa iyo na karapat dapat ako sa puso mo. Mahal kita Zoe." Anito sa kanya. Ngunit hindi siya tuminag sa pagkakayakap dito. Wala siyang pakialam kung maraming tao sa reception. Dahil ang mahalaga ay ang saya na nadarama niya dahil dito.

BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
Storie d'amoreWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...