Lumipas ang Sabado at Linggo ay pilit pumasok si Phytos papasok ng school. Kahit alam niya na litaw parin ang kanyang mga pasa sa mukha ay wala siyang pakialam. Ang gusto lamang niya ay makita si Zoe at makapagpaliwanag. Galit na galit ang kanyang ama at ina dahil sa sinapit niya ngunit hindi niya sinabi sa mga ito na sa school nangyari ang insidente at sinabi na lamang niyang adik ang gumawa sa kanya niyon. Walang nagawa ang magulang niya kundi papasukin siya ngayong araw na ito kahit pa sinabi na ng doktor na kailangan niyang magpagaling ng isang linggo dahil kung hindi ay hindi siya lalabas ng kwarto at kakain ng buong araw.
Kasalukuyang tinatahak ni Phytos ang classroom ng mga section one. Kahit may teacher ay pumasok na lamang siya at nagpasintabi upang hanapin si Zoe. Ngunit sinabi ng mga ito na absent ang dalaga. Noon ay nakita niya si Red na masama ang tingin sa kanya. Kaya nagpasintabi na lamang siya at umalis na. Kahit alam niyang may klase ay hindi siya pumasok at dumeretso siya sa isa sa mga bench sa school. Matagl tagal siyang naghintay doon at nakita niya ang kanyang inaabangan. Si Anndrei ngunit kasama na nito si Tyrone. Naalala pa niya na kinausap niya ito gamit ang cellphone at ipinaliwanag na wala na siyang nararamdaman kay Anndrei kaya malaya na itong makakaporma sa totoong mahal nito at ngayon ay tila nagbunga ang love story ng mga ito.
"Anong nangyari sa iyo Phytos? Di mo ba alam na ikaw ang Prom King. Basta ka nawala nung gabing iyon. Kawawa naman si Juliana at mag isa siya dahil siya ang nanalong Prom Queen." Anito sa kanya ngunit hindi niya sinagot ang tanong nito bagkus ay iba ang sinabi niya.
"Alam mo ba kung bakit umabsent si Zoe? Sabihin mo naman sakin oh." Aniya dito.
"Phytos pasensya ka na maski kami nina Sophia at Margaux wala kaming alam kung bakit siya absent." Anito sa kanya.
"Ahm. Puntahan mo kaya sa kanila?" Aniya ni Anndrei.
"S-sige salamat." Aniya dito.
"Kaya mo ba Phytos?" Tanong naman ni Tyrone dahil napansin nitong kumikirot pa ang kanyang mga pasa sa mukha at katawan.
"Oo. Kaya ko pa. Sige salamat." Aniya sa mga ito. Nang makalagpas na ang dalawa ay natanawan niya si Red na naglalakad papunta sa Gymnasium kaya hinabol niya ito. Nang maabutan ito ay tinawag niya ito.
"Red." Aniya dito na ikinalingon nito kung kayat tinapunan siya nito ng matalim na tingin habang papalapit siya.
"Ayaw mo talaga akong tantanan at si Zoe eh nu?" Anito sa kanya.
"Red. A-ayaw ko ng gulo. Gusto ko lang malaman kung bakit absent si Zoe? Ayos lang ba siya? Ikaw kasama niya di ba? Pwede ko ba siya makausap?" Aniya dito na ikinatawa ng sarkastiko nito.
"Ayos ka rin eh nu. Matapos mong saktan ang damdamin ni Zoe tatanungin mo pa kung ok siya? Ok sasagutin ko. Hindi. Hindi siya ok gawa mo. Alam mo kasalanan mo eh kung bakit nagkaganoon si Zoe. Kung bakit siya absent ngayon. Alam mo kung bakit siya absent? Kasi lumipad na sila ng mga magulang niya papuntang Canada. Nag drop out na siya dito sa school natin dahil sayo!" Anito sa kanya sabay duro.
"S-sorry." Aniya dito.
"Wala nang halaga sorry mo. Dahil ang taong hihingian mo ng tawad ay wala na dito at kinasusuklaman ka niya." Aniya nito sa kanya.
"Diyan ka na nga. Istorbo!" Anito sabay alis. Habang siya ay wala sa isip na bumiyahe papunta sa bahay ng mga ito. Nang sapitin niya ang bahay nina Zoe ay nalaman niya mula sa guard na umalis na ito kaninang madaling araw. Kaya lumong lumo siyang bumalik sa kotse at ibiniyahe iyon. Namalayan na lamang niya na nasa mall siya at palakad lakad habang pinagtitinginan siya ng mga tao doon dahil sa pasa niya sa mukha.
Malungkot niyang pinuntahan ang kinakainan nila ni Zoe na Japanese Restaurant. Umorder siya at mag isang kumain doon. Nakapwesto siya sa lugar kung saan pumupwesto sila lagi. Habang kumakain ng paborito nito ay di niya maiwasan na tumulo luha niya habang tinititigan ang kabilang upuan kung saan umuupo lagi ito. Matapos kumain ay dumeretso siya sa arcade kung saan lagi silang nag lalaro nun si Zoe. Pagkatapos ay dumeretso siya sa sinehan. Wala na doon ang pinanonood nilang horror film kaya nakuntento na lamang siya na titigan ang naturang establisyemento. Inaalala ang mga bawat sandali na kasama niya si Zoe.
Laking pag sisisi niya kung bakit ito umalis. Umalis ito dahil sa kanya, siya ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa kanila. Kaya nang hindi na niya makayanan ang nararamdaman ay bumalil siya sa kotse niya sa parking lot at doon ibinuhos ang sama ng loob. Galit na galit siya sarili niya dahil siya ang nagparanas ng sakit na nararamdaman ni Zoe ngayon.
"Kasalanan mo to. Kasalanan mo to. Kasalanan mo ito Phytos!" Gigil niyang anas habang sinusuntok ang manibela ng sasakyan. Kaya ang ginawa niya ay minaneho niya ang kanyang sasakyan ng pagkabilis bilis habang rumaragasa ang kanyang mga luha. Sa sobrang bilis ng patakbo ay di niya namalayan na may natawid sa tawiran kaya nagpreno agad siya at kamuntik na niyang masagasaan ang mag inang natawid.
"Hoy! Magdahan dahan ka! Kung magpapakamatay ka wag kang mandamay!" Aniya sa kanya ng mga tao na nandodoon at nakarinig siya ng mga malalakas an busina mula sa likod niya. Kaya muli ay pinatakbo niya ang kanyang sasakyan. Nagdesisyon siyang umuwi at nang sapitin ang mansyon nila ay nakita niyang sinalubong siya ng kanyang ama at ina.
"Anak. Nag aalala ako sa iyo." Ani ng kanyang ina sabay niyakap siya nito.
"Saan ka ba nanggaling Phytos? Di mo sinasagot ang mga tawag ko." Galit na sabi ng kanyang ama. Ngunit wala sa loob na napatulala sa ina.
"Anak? May masakit ba sa iyo?" Anito sa kanya na siyang ikinaluha niya.
"Yung puso ko Mom. Ang sakit sakit!" Aniya sabay hagulgol sa ina na siyang yumakap ulit sa kanya.
Sa ganoong tagpo ay nagkatinginan ang mag asawa na takang taka sa inaakto ng kanilang unico hijo.
"Masakit Mom. Ang sakit. Tanga tanga ko. Kasalanan ko. Kasalanan ko." Aniya habang umiiyak sa ina.
"Anak." Aniya ng kanyang ina na garalgal na ang boses dahil napapaiyak na ito. Habang ang kanyang ama ay hinimas ang kanyang likod.
"Kasalanan ko Mom. Kasalanan ko. Kasalanan ko." Paulit ulit niyang sabi habang humahagulgol.
"Iiyak mo lang anak. Ilabas mo ang sakit." Aniya ng kanyang ina.
"Anak." Nasambit na lamang ng kanyang ama.
"Anak. Kung may gusto kang sabihin o ikwento makakabuting ibahagi mo sa amin iyon para munawaan ka namin. Para malaman namin kung ano ang naging kasalanan mo." Aniya ng kanyang ina habang inaalo siya.
Walang nang titindi pa sa sakit na nadaraman niya ng mga oras na iyon dahil bukod sa iniwan na siya ng babaeng mahal niya ay higit niyang sinisisi ang kanyang sarili dahil sa nangyari. At habang buhay niyang hindi mapapatawad ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
RomansaWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...