Kabanata 7

465K 22.2K 26.1K
                                    

Kabanata 7

Horse


The dinner was very rowdy again with the boys. Hindi ko lang mapigilan ang pagkakapuna kay Uriel na masaya pa rin naman kahit medyo malabo ang pagkatalo niya kanina.

Napagod din yata ako sa panonood na ang aga kong nakatulog.

The next day, I wasn't woken up by Senyora Domitilla anymore. Nahihiya nga ako, e. Madalas talaga akong matagal magising at nadadala ko pa rito.

I was combing my hair after shower when I heard the laugh of the boys. Dumungaw ako sa bintana at natanaw galing doon na naliligo sila ng dagat. I sighed. Kaliligo ko lang, maganda din sanang sumabay sa kanila pero hindi na.

Bumaba ako at kumain ng breakfast mag-isa. Binilin ng kasambahay sa akin na naghahanda si Senyora na magbake ng cookies. Na kung gusto kong manood at matuto, puwede akong pumunta sa kitchen.

Wala naman akong gagawin kaya pagkatapos kong kumain, iyon nga ang ginawa ko.

"Nakakahiya na sunog 'yong dalawang nauna kong i-bake kahapon, Senyora."

Tumawa siya. "Not bad for a beginner, Cian."

Ngumiti ako. Ang bait talaga ni Senyora.

"Halika at tulungan mo ako."

I was her assistant while she baked the cookies. Nalibang din naman ako sa panonood at pakikipagkuwentuhan sa kanya.

"The boys want to roam around later using the horses. Sumama ka, ah?"

Umiling na agad ako. "Naku, Senyora. I'm bad at riding horses. Puwede naman pong dito na lang ako, maghihintay sa kanila."

"Naku, matatagalan pa sila. Mababagot ka rito. Maliligo rin yata sila sa ilog kaya excited. Sumama ka na. You'll enjoy it, hija. Kay Uriel ka na sumakay."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kay Uriel!

I still don't like him. I suddenly remember what happened yesterday. Hindi ko alam ano ang punto niya sa ginawa niya at hindi ko na inisip iyon.

"Baka makadaan sila sa gubat. There are also hills that you might want to see, hija. Malilibang ka!"

Nakatingin na lang ako sa dough na ginagawa niya at sa huli tumango ako. Kung sa bagay, gusto ko nga'ng mag explore dito. Kung ito na ang pagkakataon, wala na akong choice kundi ang sumakay sa kabayo ni Uriel.

"Puwede na rin po ako kay Reynaldo o kay Franco. We don't get along so he might not find it a good idea."

Senyora's eyes twinkled and then a smirk crept on her lips.

"We'll offer him that. If he refuses, saka sa kay Franco o Reynaldo."

I was about to speak but she continued.

"But it may be harder for the two Lopezes. Magaling naman mangabayo pero hindi sila pamilyar sa kabayo."

I didn't know that it works that way. Ganoon ba iyon? Mas mahirap kapag hindi ka pamilyar sa kabayo?

"Mahirap na. Kung kay Reynaldo ka sasakay, baka hindi niya gamay ang kabayo. Mahulog ka pa habang namamasyal kayo at bumagsak sa putikan."

Tumango ako. May punto rin naman si Senyora.

"O 'di kaya'y bumagsak ka sa troso at mabagok ang ulo mo. Mawalan ka ng malay. O 'di kaya'y dumugo ang noo mo!"

Umismid ako, medyo kinabahan sa mga sinabi ni Senyora.

"Sa amin noon, may isang babaeng nahulog sa kabayo. Nabagok siya sa bato at iyon ang ikinamatay niya."

My lips parted. What a horrific accident that was!

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now