Kabanata 18

465K 22.3K 29.9K
                                    

Kabanata 18

Curious


He looked furious. Hinablot niya ang itim na paper bag sa akin at mabilis na pinulot ang isang kulay pink na box na may bilugang maliit na bola at wire sa loob.

Umikot agad siya sa sasakyan niya para makapasok. Napansin ko ang iilang nagbubulungan sa malapit. I'm confused. I went inside his car and put on the seatbelts. He was fuming.

"What the hell was that?" iritado niyang baling sa akin.

"What?"

Hindi pa kami umaalis doon dahil abala siya sa reaksiyon niya. He then manuevered his car. May traffic sa kalsada kaya tumigil.

Inabot ko ang itim na paper bag sa backseat. Nagmamadali ako kaninang mamulot dahil kailangan na naming sumakay pero ano nga ba ang mga nasa loob noon?

"Why the hell do you have those?" he roared.

Nilingon niya ako, sinasamantala ang traffic. Abala naman ako sa pagtitig sa loob ng paper bag at natauhan sa nakita.

I am not very innocent, alright. Hindi pa nga lang nagkaboyfriend dahil sa nagdaang taon, medyo bumagal ang social life ko dahil sa nangyari. Pero ngayong natitigan ko na ng mabuti ang nasa loob ng paper bag, namilog ang mga mata ko.

These are sex toys! Iyong mga pinulot kong nauna kanina, hindi ko kasi makilala. There was a pompom looking black thing that I first picked up. Sunod na ang isang kulay pink na hugis torotot na may bilog bilog sa katawan, at marami pang iba.

It was the last box that made me realize what it was because there was a label on it! Uminit ang pisngi ko at naisip si Sonja!

Bakit pa nga ba ako nag-eexpect ng magandang bagay sa babaeng iyon? Marami akong natutunan sa kanya sa ilang buwan naming pag-uusap pero hindi ko inasahan ito?

"What? Are you thirsty?" patuloy ni Uriel sa iritadong tono.

Mas lalong uminit ang pisngi ko at nilingon siya. Nairita ako ng kaunti. Hindi naman akin iyon pero parang ang sama ng tingin niya dahil lang doon.

"Are you that curious to get things like that?!"

"Huwag ka nga'ng manghusga nang ganyan? You make it sound like it's bad to be curious!"

Namilog ang mga mata niya sa sagot ko. The light is green so he had to manuever his car. He snorted while he was driving.

"So you use those? For what? To fucking pleasure yourself? Bagong bili kaya hindi mo pa nagagamit? Unang bili mo ba 'yan o matagal ka nang bumibili ng ganyan?!"

"Anong problema mo? Are you judging people who use this?"

Napakapit ako sa seatbelt nang tumigil ang sasakyan niya sa nadaanang parking lot. He looked at me with disbelief.

Pinaglalaban ko lang naman 'to dahil hindi ko rin paano i-explain sa kanya ang tungkol kay Sonja. At ayaw ko rin sa tono niyang nangmamaliit sa mga taong gumagamit nito!

I don't use it alright. And I have no plans to use it but what right does he have to judge me if I was using it?!

"What do you use that for?"

"Hindi ako gumagamit niyan!"

"Hindi mo pa ginagamit? Kabibili mo lang? May tag pa nga 'yong napulot ko kanina, e."

"Anong problema mo kung may gagamit niyan?"

Bumaling siya sa harap at pumikit ng mariin.

"What? Are you thirsty? Or what? Should I be relieved? Fuck! What the hell, Lucianna?!" plastik siyang ngumisi. "At least you're not doing it with someone else, right?"

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now