Kabanata 30
Priority
"Umamin ka na," seryoso kong sinabi kay Uriel.
His brow shot up.
"Anong aaminin ko?"
"Para saan itong kasal natin?"
"I told you, Lucianna. Hindi ko rin alam."
"Nasa ating dalawa lang ang puwedeng gumawa nito."
"Paano ako nakasisiguro na hindi ikaw?" nagtaas siya ng kilay.
I sighed and rested on my back. Umingay ang music sa background habang tinititigan ko siyang tinatapos ang pagkain.
"Bakit ko naman gagawin 'yan?"
"Like I said maybe you were-"
"In your dreams, Uriel. Kahit pa para gantihan ka, hindi ko gagawin 'yan."
"And you're accusing me?"
"You're crazy over me," agap ko.
His eyes narrowed.
"Kasasabi mo lang na iyong kriminal ang gusto ko. Ngayon, sinasabi mo ikaw ang mahal ko? Sino ba talaga ang mahal ko diyan sa isip mo, Lucianna?" He smirked.
"Or... you..." I paused to think about any reason pero wala akong maisip. "You both planned it to ruin my life."
He chuckled.
"Do you hear your reasons?"
"Then fine!" iritado kong sinabi. "Kung wala sa ating dalawa, paano nangyari 'to? Hindi naman natuloy ang kasal nating dalawa!"
He sighed but his eyes never left me.
"I can contact some people."
"I'll contact my family lawyer."
Nagtaas siya ng kilay. "You will?"
Nagkatinginan kami. Naisip ko rin na kung magtatanong ako roon, malalaman ni Mama at Papa ang tungkol dito. Mukhang walang nakakaalam kung pagbabasehan ko ang usapan namin kanina ni Kuya Lucho.
At kung totoong hindi rin alam ni Uriel, hindi rin siguro alam ni Mama at Papa.
"I'll find a lawyer of my own."
"I can contact some."
"I want us annulled. For sure, may grounds. I wasn't informed so that is certainly a strong ground?"
"We'll talk to a lawyer."
"Bukas."
"Ikakasal ang kapatid ko sa Costa Leona. Wala ang mga contact namin para dumalo."
"Then let's other lawyers?"
"It's just few days, Lucianna. Hindi ba talaga makakapaghintay?"
Natahimik ako. Kung sa bagay, ikakasal nga si Anton tapos hindi ata umuwi si Uriel dahil sa meeting namin ngayong gabi.
"This isn't a joke so you know why I'm acting this way, right? Natataranta ako kasi ito ang bubungad sa akin pagkauwi ko?"
"Well, I didn't know, too. It's the weekend so give it a rest. On Monday, iyon ang uunahin natin, okay?"
Shit. And I have a full month schedule! Dadagdag pa ba 'to?!
"May gagawin ako sa Monday..." kalmado kong sinabi.
"Ano?"
"I'll check my listed condos..."
"Hindi ka uuwi sa inyo?"