Kabanata 14

430K 21.1K 25.1K
                                    

Kabanata 14

Evidence


"Don't joke about that, Simon," may banta sa tinig ko pagkatapos marinig iyon.

I had a hard time dealing with all these. For over a year now, I can't stop thinking about it. Minsan, dinadalaw pa ako sa bangungot. Naiisip ko na ako iyong nalunod, o 'di kaya'y ako iyong nasaksak, o ako ang nakidnap.

My family opted to seek medical help for me and the progress has been good. Lalo na dahil nagpatuloy ako sa eskuwela at naging normal ang pamumuhay ko. But whenever I think about what happened, it always comes back.

"Why will I joke about it?"

Natigilan ako at tiningnan si Simon ng seryoso.

"Look, sabi ni Preston, nabanggit ng pinsan niya na kasama raw si Orianne bago nawala."

I stared at him for a few moments before I sighed. Bumagsak ang balikat ko.

"You mean before she went to Costa Leona?"

"No, after."

Natigilan ulit ako at lalo pa siyang tinitigan. He nodded at me.

"Yes, Lucianna. I was shocked, too. Kasi sino naman ang mag-aakala? Honestly, I didn't tell you this but all this time, I believe she's dead."

Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. It was horrifying to think that Orianne is dead. Pero sa sinabi ni Simon ngayon, nag-uunahan ang mga impormasyon sa aking utak. I'd like to entertain the thought that she's dead and start being afraid, but I also hoped that what he said was true. Even if it doesn't make sense.

Bakit magtatago si Orianne? Bakit siya makikipagtanan? At anong nagkita sila ni Elliot bago ito nawala? Pagkatapos ng pagkawala niya sa Costa Leona? I didn't understand.

"Isang taon na mula noon. Hindi pa rin siya nahahanap. At sino ba ang nagpapahanap sa kanya, hindi ba ang mga Mercadejas? Do you really believe that a family as influential and powerful as them will not find even her dead body-"

"Simon!" I said harshly because I didn't want to imagine that.

"I'm saying, Lucianna... na imposibleng hindi nila ito makita sa loob ng isang taon kung hindi nagtatago o gumagalaw man lang. They hire the best intelligence undercover for this, you really think they can't do it?"

Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako pero parang mas gusto ko iyon. Hindi ko maiintindihan kung bakit siya magtatago pero mas okay kaysa sa nawala na lang na parang bula.

"Look, Elliot is her boyfriend. Rebound actually, according to Preston. Kasi gusto niyang gumanti kay Anton Mercadejas. She wanted to win him, right?"

Napaisip ako dahil iyon nga naman ang naalala kong gusto ni Orianne.

"Bakit p-pa? Eh, hindi ba..." hindi ko maituloy.

"We all know that their engagement is cancelled because Anton refused. Originally Orianne refused too, out of her pride. Pero ang totoo, nasaktan siya at gustong magpapansin kaya niya ginawang boyfriend si Elliot Ledesma."

Hindi ko alam ito. Orianne is my friend but we only meet on certain Sundays. Sa taong iyon, hindi na ako gaanong pumunta sa polo matches kaya hindi na rin naman ako nakakuha ng balita sa kanya. She's also older than me so she's in a different circle so I have no information about these.

Natural na may impormasyon si Simon dahil hindi sila nagkakalayo. At marami din siyang pinsan na kaibigan nina Orianne.

"Sinabi ni Preston na nakituloy si Orianne sa kanila sa Iloilo ng ilang buwan matapos ang nangyari sa inyo sa Costa Leona."

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now