Kabanata 26
Perfect
Uriel even prepared photographers. Namamangha pa ako nang bumulong siya sa akin.
"Don't worry. We won't share it to the public. It's just for us. Our memories..."
Ngumiti ako. Ni hindi ko pa naiisip iyon pero ayos nga lang. At kung totoo na kaming ikakasal, puwede rin namang ipakita na iyon. That we made a vow here in a serene and romantic place. I find it more romantic when it's done intimately so...
Pareho kaming hindi pa nakakasal kaya nang nagsalita si Lawrence, naalala ko lang iyong mga sinasabi tuwing pumupunta ako sa kasal. Natawa ako dahil parang totoo. At kahit iyong pipirmahan na wala namang ibang detalye ay parang totoo.
"It should be an engagement certificate or something, right?" I asked Lawrence in the middle of it.
"There's no such thing as an engagement certificate," pagtatama niya.
Kunot-noo kong tiningnan iyon. Uriel was done putting his long and complicated signature, looking forward to the kissing part, so I ignored whatever I was thinking and got it over with. Besides, laro laro lang naman iyon at hindi totoong dokumento.
We had so much fun. While doing that, we watched the sun setting in the west. It looked majestic. A huge ball of fire sinking down on the vast ocean to give way to night. As the ceremony finished, the stars slowly appeared on the night sky. It was a moonless night. Nevertheless the stars are shining bright.
Uriel held my hand as we walked back to the mansion. Pagbalik ay naroon na ang pagkain para sa mga bisita. Marami iyon at kaunti lang ang magiging bisita pero ayos lang.
Nagpaalam si Lawrence na tawagin ang kanyang pamilya sa kanila. He went home but a few moments after he left, Suzy came.
"N-Nagpakasal daw kayo sabi ni Kuya?" she looked shocked.
Hinihingal pa siya, siguro ay tinakbo ang distansiya galing sa kanila patungo rito.
"Ah..." I looked at Uriel.
Kinakausap niya ngayon ang dalawang photographer. We invited them to eat with us as well. At natuwa akong tingnan na maging ang mag-asawang care taker ay pormal na pormal sa kanilang mga damit.
"Kasal kasalan lang. Hindi naman totoo."
"A-Akala ko ba magkaibigan lang kayo?" she glanced at Uriel but he was busy talking to the photographers.
Kinagat ko ang labi ko. "Oo. Pero... uh... kami na. Kahapon."
Her lips parted. Matagal bago siya natawa at tumango. "Well, congrats! At uh... sayang. Hindi n'yo nabanggit kahapon. Sana pala hindi ako umalis... at nang... uh... mapanood ko?"
I chuckled cooly. "Ayos lang. Halika. You're invited in our small banquet..."
"Small..." she said suggestively and looked at all the food in our long table.
Kalaunan, nakabalik si Lawrence na kasama na ang mga magulang niya. Nagkaroon kami ng bisita kahit na hindi naman kami gaanong close sa mga ito.
"Kayo pala dalawa, hijo!" ang Inay ni Lawrence at Suzy sabay ngisi sa akin.
"Inakala pa ni Inay na nililigawan ni Kuya Lawrence si Lucianna," singit ni Suzy.
Maagap na tinampal ng nakatatanda ang braso ni Suzy. Ngumisi si Suzy sa akin at nginitian ko na lang din.
"Magugulat ang Senyora Domitilla sa mga ito. Naibalita na ba sa kanila?"
"Hindi pa naman po kami kasal. It's just a promise or vow. We will send out the invitation of our wedding six months from now, Ma'am," si Uriel.