Kabanata 21

568K 24.2K 43.3K
                                    

Kabanata 21

Easy


I was just drunk, I convinced myself that. Wala nang ibang rason para halikan siya.

Nakatulog na ako sa biyahe pauwi. Madaling araw na yata kami umalis sa club kaya naman nagising na lang ako sa kuwarto ko. Ang sabi ni Mama, hinatid ako ni Uriel sa kuwarto. He carried me because I was fast asleep.

Ako:

Thanks sa paghatid kahapon.

Uriel:

You're welcome. Did you sleep well? Hangover?

I smirked and started typing.

Ako:

Wala naman. Ikaw? Finally got rid of your boner?

Uriel:

Let's stop talking about it or I'm gonna have one.

I chuckled and put my phone down.

The next days went by smoothly. Kaya lang, napansin ko sa school ang madalas na pang-uusisa ng mga kaklase tungkol kay Uriel.

Naiintindihan ko iyon. We were seen that night kaya mas lalo lang umigting ang usap-usapan. Hindi na ulit nagparamdam si Preston. Simon is continuously bugging me but he had no choice but to get busy for their family's business.

Sa totoo lang, dumadagdag ang tsismis sa insecurity ko. I was already having a hard time understanding why girls my age seem to have relationships while I remain... feeling unattractive.

Iyon din ang dahilan kung bakit ready na nakapark ang regalo ni Uriel sa garahe namin, hindi ko naman ginagalaw. Hinding-hindi ko iyon dadalhin dito sa school! Ilan lang ba ang may ganitong sasakyan sa bansa? At tini-tsismis na nga kami, mas lalala lang ang tsismis dahil sa sasakyang ito.

"It looks like Uriel Mercadejas' car! Is it his?"

Tapos kapag lalabas ako.

"Ah! Si Lucianna pala. Sila ni Uriel, e. Fiancee 'yan ni Uriel!"

And then the rumors will have more basis. Kaya huwag na at magpapahatid na nga lang ako sa driver. Alam ko na kasi ano ang mangyayari kung gagamitin ko pa iyon.

"Po?" I asked when I was about to go out of the library.


Katatapos lang namin ng group work at nagpaiwan ako para makapagstudy. It's almost our finals and this semester is ending. Magpapahinga lang ako sa break. Ni hindi ako magtatravel. Masyado akong madaming ginawa sa semester na ito na parang gusto ko na lang muna tumunganga sa bahay sa ngayon.

I stopped on my tracks. Nasa hagdanan na ako galing second floor pababa. Sinulyapan ko ang bintana at nakitang umaambon. Wala akong payong at pababa ako ngayon dahil sa text ng driver kanina na papunta na siya.

"Miss Lucianna, ang text ko po kanina papunta na ang kukuha..."

"Ah... opo. H-Hindi po ba kayo?" nalilito na ako.

I went out of the library. Dahil may katawagan, nahihirapan na akong ayusin ang mga dala kong libro. Nakalabas na ako nang isa-isa iyong nahulog sa kamay ko.

"Shit..." i cursed under my breath and squatted to get my books.

Inipit ko ang cellphone sa tainga at balikat ko para hindi mahulog. Bakit pa kasi itong maliit na bag ng dala ko ngayon.

"Sorry po... So... sino po ba ang susundo para matawagan ko?"

Natigilan ako nang nakitang may tumulong na kumuha sa mga libro ko. Hindi ako sigurado kung faculty ba siya pero naka polo na may burda. He has eyeglasses and his hair is longer than usual, like a shaggy haircut. He was older but he looked too young to be a faculty kaya hindi ko sigurado kung paano siya tatawagin.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now