Kabanata 22

439K 24K 54.2K
                                    

Kabanata 22

Watch


Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Uriel. Kanina sa tawag nang sinabi niyang hindi niya gamit ang Aston Martin, nagulat ako. Then he arrived with his Dodge Ram and I got in. Inayos ko ang seatbelt ko.

"Ba't ito ang dala mo?" tanong ko at bumaling sa kanya.

"Pupunta ako ng Batangas..."

Namilog ang mga mata ko. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho.

"Kailan? Ngayon?"

"Yeah. I'll just drop you off and go."

"A-Anong gagawin mo do'n?"

He glanced at me. Napatingin ako sa suot niya. He's sporting a vintage gray t-shirt and maong pants. Mukha nga'ng aalis siya patungong probinsiya.

"Galing ka'ng trabaho?"

"Yes. There's a development on the investigation."

"Huh?! What is it?"

"Titingnan ko pa. I'll just call you when I-"

"Sasama ako!" sabi ko.

His narrowed eyes looked at me.

"Wala akong ibang gagawin. Sem break na namin. Last na ng exams ko kanina."

"I don't know when I'll come back yet-"

"Wala akong travel. Kaya mababagot ako sa bahay. Sasama ako!"

Napatingin ulit siya sa akin.

"Niyaya ako ng friends ko na mag club kanina-"

"You're going to the club tonight?" putol niya sa akin.

"Umayaw ng ako. Kaya wala akong gagawin. At start na ng break namin. I will try to study since it's my last semester so other than that, I have nothing to do for this break. Sasama na ako."

He sighed and continued driving.

"'Tsaka I'm interested with the case."

"Marami akong gagawin doon. Uuwi rin naman ako kaagad. We'll go out when I come back."

"Ugh! Wala akong gagawin dito. At gusto ko ring malaman first hand ang detalye ng investigation. Pumunta na tayo ngayon! Diretso na. Bibili na lang ako ng damit kapag nakadaan sa mall!"

He sighed. Sinamantala niya ang traffic para magtagal ang tingin sa akin. At nang nag green light, ay muling bumuntonghininga at pinaandar ang sasakyan.

"Fine. Pero hindi tayo didiretso. Magpapaalam tayo ng maayos sa parents mo."

I groaned because I have a feeling that my parents won't allow it. "Gagabihin na tayo lalo sa daan kung dadaan pa tayo sa bahay."

"Magpapaalam tayo, Cian."

I rolled my eyes but just silently agreed. It had been months since the last development of Orianne's case and it's nice to know that we have something now.

Nakauwi na kami at sinalubong ni Mama sa sala kaya nakapagpaalam naman agad.

"Sige. Ilang linggo ba kayo roon?" si Mama na agad agad ang pagpayag kay Uriel.

Ilang linggo talaga? I don't think we will last that long. May trabaho pa si Uriel. At medyo nagulat din ako na hindi man lang siya umayaw o nagduda. Lalo na dahil alam niyang kaso ni Orianne ang titingnan namin. She would at least have second thoughts about it but she didn't.

"Hindi ko pa po alam pero hindi naman ganoon ka tagal dahil may aasikasuhin pa po sa trabaho."

"Then, no problem. Kahit kailan n'yo gustong umuwi, Uriel..." sabay ngiti ni Mama at tingin sa akin. "Pack up now, Cianna."

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now