Kabanata 10

450K 22.5K 30.2K
                                    

Kabanata 10

Act


"Naayos ko nga po pala kagabi ang tubo sa banyo ni Uriel, Senyora," I said while we're eating our breakfast.

Muntik nang naibuga ni Senyora ang kape na iniinom pagkatapos kong sabihin iyon.

Natigilan ako saglit. Kumunot ang noo bago sumulyap kay Uriel na nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hija? Anong sinabi mo?" she asked, still shocked.

Pinunasan niya ang kaunting kape sa baba. Pino ang galaw at hindi makangiti ng maayos sa akin.

"Kagabi po, pumunta ako sa kuwarto ni Uriel para tingnan ang tubo ng lababo niya. Noon kasi sa bahay, na stuck ang drain sa lababo at ako lang din ang nag-ayos. Kaya sinubukan kong ayusin iyong sa banyo ni Uriel. May tubig na po sa banyo niya."

"W-Well, that's great! Great news!" napakurap-kurap siya.

I smiled. Sumulyap siya kay Uriel na wala namang pakialam sa nangyari. Doon na siya sa banyo niya naligo kanina bago bumaba rito.

"Kaso lang, hija," Senyora slightly leaned on the table.

Nagaya ko tuloy para mas makinig pa ng mabuti kay Senyora. Naningkit ang mga mata ko.

"Mukhang nahirapan pa naman ang tubero noon. Nasa tubo daw sa ilalim. Kaya ano bang ginawa mo at baka lumala iyong problema kung hindi pala iyon ang totoong dapat na ginawa?"

"P-Po?" kinabahan ako bigla.

Oo nga naman. Ang ginawa ko'y pinagchi-check ko lang ang mga switch doon. Hindi ko naman sigurado kung tama ang ginagawa ko pero iniisip kong tama lang dahil umagos nga naman ang tubig sa mga gripo.

"Uh, iyong sa ilalim po na switch. Pinag-o-on ko lang po ng paulit-ulit 'yong iba't-ibang switch doon. Hindi po kasi ako sigurado pero umagos iyong tubig sa gripo kaya iniisip kong ayos na."

Ngumiwi si Senyora. "Naku! Sana lang hindi lalong nasira iyon!"

My lips parted. I looked at Uriel who seems unbothered by the topic. Banyo niya ang nasira ko kung tama si Senyora pero parang wala lang sa kanya!

"P-Po?"

Bumawi ng ngisi si Senyora. "Huwag kang mag-alala. Ipapacheck ko sa tubero. Siya na ang bahala roon."

I nodded, a bit relieved but still scared. Baka nagkasala pa ako rito!

"Magagaling naman ang maintenance namin dito. Kahit mahihirap na sira, nagagawan ng paraan. Iyon nga lang, natatagalan dahil maingat sa mga tubo ng bahay."

I sighed and nodded again, very attentive.

"Kaya sa susunod, hayaan mo na ang mga sirang tubo, hija. Ang tubero na ang bahala at baka mas lalo pang masira."

"Sana naman hindi ko nasira lalo iyon."

Pagkatapos mag breakfast, narinig kong magtatrabaho si Uriel. At dahil wala naman talaga akong schedule sa araw na iyon, naisipan ko ring pumunta sa study para tingnan ang mga brushes at mag isip ng puwedeng ipintura.

Kapapasok ko pa lang sa study, nagkatinginan kami ni Uriel. He looks busy with some phone calls and the papers he's reading. Nag-angat nga lang siya ng tingin at tinanaw akong pumunta sa sofa, malapit sa easel.

Kauupo ko pa lang nang may kumatok. Nakatingin ako sa pintuan at nakita ko si Senyora Domitilla. I glanced at Uriel who now put his phone down.

"Pupunta ngayon ang organizer ng pageant at mga candidates, hijo. Samahan mo akong humarap at ikaw naman ang magiging judge sa preliminaries."

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now