Kabanata 11

401K 23.3K 23.6K
                                    

Kabanata 11

Sorry


Nalibang talaga ako sa pagpapakitang gilas ng mga kandidata. Pati na rin siyempre sa mga manonood. Pakiramdam ko tuwang tuwa sila rito kahit simple lang ang produksiyon. It's fascinating.

Patapos na ang pageant nang napansin kong seryoso na masyado si Uriel at hindi niya na ako binabalikan ng tingin sa kung nasaan ako. Kanina pa naman iyong nangyari at ilan na ang nagpresinta pero ganoon pa rin siya.

Hindi malayo ang scores ng mga kandidata. Pero nang in-announce ang nanalo, hindi na ako nagtaka. Nag-iisa sa lahat ang gumawa ng acting kaya lamang na lamang siya sa mga audience. Everyone rooted for her that it didn't shock me that she was favored as the best talent among them.

Tumayo na ako at pumalakpak pagkatapos ianunsiyo. Tinawag ang mga judge para sa pictorials samantalang nag diwang ang audience. Ang iba nga lang sa kanila'y nagsiuwian na. May staff naman na lumapit sa akin.

"Sa hall po may dinner na nakahanda. Puwede na po kayong mauna, Miss," ang staff.

"Thank you!"

"Ihahatid na po kita," anito.

Nilingon ko si Uriel na abala pa sa pagpipicture kasama ang kandidatang nanalo. Tumango ako sa staff. Gutom na rin ako at hindi na masamang mauna.

The food in the province is also different from the usual food we serve back in Manila. Pamilyar din ako sa mga pagkain dito dahil ganito rin naman sa Romblon. At minsan din, naghahanda ng ganito sa bahay kapag gusto ko.

I picked up some pieces of lumpia and put it on my plate. Naroon na talaga ako at nagsimula na rin namang kumain ang iba kaya nakihalo na.

Maganda rin palang sumali sa mga ganito. Hindi ako gaanong kilala at nagbabatian ang mga politicians at staff na naroon samantalang tahimik naman akong pumupulot ng pagkain.

"Hindi na," I heard from outside.

Tanaw pa ang labas at nakita kong papunta na ang mga candidates sa kung nasaan kami. Si Uriel ang tumanggi sa imbitasyon ng nanalong kandidata at ng organizer.

"Ah nandoon po si Miss Cian sa loob, kumakain na."

He glanced at the hall in front. Nagtama agad ang tingin namin habang nasa harap ako ng hapag at namumulot ng cupcakes. I waved at him kahit na nakatingin na naman siya sa akin.

Sa huli, wala siyang nagawa kundi sumama sa nagyaya. Tapos na akong kumuha ng pagkain kaya naghanap na ako ng lamesang bakante. Nakahanap naman agad ako. Naupo ako roon samantalang kadarating lang ni Uriel sa lugar.

He was immediately led to a presidential table, kung nasaan ang ilang politician. Luminga-linga siya hinahanap ako at nang mahanap niya ako, kumaway lang ulit ako at nagpatuloy sa pag kain.

He looked too serious when he sat on that table. Nagkakatuwaan ang mga kasama niya at may sariling pagkain sa lamesa. Nakita kong naghiyawan ang ibang naroon nang naupo ang nanalong kandidata malapit kay Uriel. He looked uncomfortable but he managed to smile at the politicians with him.

Kalaunan nga lang, tumayo siya. Kumunot ang noo ko habang kumakain lalo na nang nakitang palapit siya sa akin.

"Umalis na tayo," he said coldly.

"Kumakain pa ako. Kumain ka muna doon. Gutom na ako, e!"

"Mr. Mercadejas," tawag ng isang staff. "Picture daw po kayo na Governor."

Nagkatinginan kami ni Uriel. I nodded at him to encourage him to go. May pagkain pa sa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita.

"Doon ka na sa lamesa namin," aniya.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now