Kabanata 17

381K 20.9K 48.1K
                                    

Kabanata 17

Friends


I guess we can be friends.

Bago ang nangyari noon, umayos na ang relasyon namin. We were still fighting over petty things but we talk about it and make up eventually. Malas lang at kung kailan umayos na ang relasyon namin, saka pa nangyari iyon.

"Mr. Mercadejas, pasensiya na po. Ayos lang po ba ang rooms na ito?" ang receptionist na ngiting ngiti.

Mukhang madalas siya rito dahil simula sa guard at pati rito sa tanggappan, kilala siya. Kung sa bagay, malapit nga lang ito sa kung saan ako nasiraan. At siguro malapit lang sa mansiyon ng mga Ocampo.

The resort isn't high-end. It was a normal and humble resort. Hindi kalayuan sa tanggapan ay mga gawa sa rattan na upuan at lamesa, at nakikinita ko na ang counter ng siguro'y cafe o restaurant nito.

Tanaw din ang dagat sa malayo. Kahel na ang langit at kaunti na lang lulubog na ang araw. Tanaw iyon galing sa reception area pa lang. I also noticed that the sand is on the lighter side, on it are the different colors of flags as the resort's decoration.

"Wala po kasing ibang available, Sir."

"That's alright," sagot niya at may pinirmahan na siya roon.

Tahimik akong sumunod sa kanya habang pinagmamasdan ang resort. Hindi ito kalakihan. Nakahilera ang mabibilang lang na mga rooms na katapat ay ang dagat.

"Dito ka," ani Uriel habang binubuksan ang kuwarto.

He opened it. Tama lang naman. Simpleng kuwarto na may kurtina at aircon. May double bed at bathroom, simpleng tukador at cabinet.

"Okay."

He puts my duffel bag on a table. Siya na rin ang nag on sa mga ilaw at aircon.

"Magpapaayos ako ng dinner natin. Magpahinga ka muna. Inaayos na rin ang pag-aalis sa sasakyan mo roon."

"Okay."

He nodded and waited a bit before he started walking towards the door. Sinarado niya ang pintuan.

I sighed and sat on the bed. Matagal bago ako natauhan. I charged my now battery empty phone and decided to freshen up and change my clothes. Dalawa lang ang dala ko. Pantulog at ang pamalit na damit. Hindi ko naman kasi inaasahan na mangyayari ito. It's just an emergency kit.

I took a bath. Nagpalit na rin ng damit na pantulog. I strictly brought pajamas instead of my usual night gown dahil mas convenient kapag unplanned trips. Mabuti na lang at lalabas pa naman ako para kumain ng dinner.

I went out. Uriel didn't tell me anything about dinner but I guess it was too early to talk about it a while ago. Pagkalabas ko ay narinig ko agad ang hagikhik ng mga babae.

Nilingon ko ang kaliwang pasilyo at nakitang topless si Uriel at basang basa!

Kaharap niya ay dalawang babaeng may cover up man, kita pa rin ang mga makulay na two piece! Uriel is smirking at them.

"Bakit hindi?" tanong ng isang babae.

"Mamaya pa ako mag di-dinner. At may kasama ako, nakapag-order na ako para sa amin."

Nagtaas ako ng kilay. I went out to check for dinner. Mukhang nag-order na siya para sa amin kaya maghihintay na lang ako.

"Sinong kasama mo? Girlfriend mo?"

Tinalikuran ko iyon at unti-unting naglakad. Nakatalikod si Uriel sa akin, mukhaang galing sila sa dagat at kasama niya ba ang dalawang iyon na naligo?

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now