Chapter 1

246 51 32
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2020 Ablncbea

All Rights Reserved. Not allowed to be used or adapted in any way without the permission of the author.

-------------------------

Erielle's POV

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawang bungad sa akin ng pinsan ko.

Nagdiretso lang ako ng lakad papasok sa opisina niya na parang pag-aari ko ito.

"I ran," walang ganang tugon ko rito.

Binaba ko ang aking clutch bag sa may coffee table sa gitna ng opisina niya bago nagtungo sa banyo para maghilamos. I bet I looks like a mess right now!

Mabilis akong nagbasa ng mukha at saka kumuha ng tissue para pamunas.

Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nagtitipa ng kung ano sa laptop niya habang dumadakot ng cookies. Lumapit ako at kumuha ng ilang piraso nito bago umupo sa couch.

"Why did you ran?" Pang-uusisa niya habang nakatuon pa rin ang buong atensyon sa ginagawa.

"Wala lang." I said in a flat tone, I crossed my legs.

"So, bored ka kaya naisipan mong tumakbo," tatango-tangong aniya. "Minsan talaga, Elle, ‘di ko alam kung anong takbo ng isip mo. Abnormal ka ba?" Bumaling siya sa gawi ko.

"Of course not! Ang ganda ko para maging abnormal," taas-noong sagot ko sa kaniya. Umirap pa ako rito bago tumayo at kumuha ng bottled water sa fridge.

"Hey!" mabilis na awat niya. "Ginagawa mong cafeteria ‘yong office ko," tumayo siya sa kinauupuan at tinungo ang gawi ko. "Shoo, go away! Mauubos ang stocks ko because of you," aniya habang itinutulak ako palabas. "Oh!" hagis niya pa sa bag ko.

I rolled my eyes again. "Ang pangit mo!" sigaw ko bago nagpunta sa sariling opisina.

Pabagsak akong umupo sa swivel chair. I feel so tired. Marahan kong minamasahe ang batok ko nang mag-ring ang aking telepono.

"What do you want!?" Singal ko rito, 'di man lang naglaan ng oras para tignan kung sino ang tumatawag.

"Anong what do you want?! Baka gusto mong tadyakan kitang bata ka?" Sagot sa kabilang linya.

Patay. I'm so dead.

"Hehe." I faked a laugh. "Mom, ikaw pala," takot na sabi ko. This is what I've got for not checking who the caller is. "What's the matter po?" I ask politely afterwards.

Saglit na natahimik sa kabilang linya. Then, i heard my mother sighed.

"I'm just checking you out." tila wala lang na aniya.

She isn't like this. Whenever she'd call me, it's something big. She wouldn't give me a ring if she only wanted to know how am I doing. Whether I am good or bad. Nah.

"Mom, I'm not a kid who will do some stupid things," I pouted. "What is it, really?" I ask for the second time around.

I know her very well. Hindi siya tatawag para kumustahin ako. Again, she is not like that.

"On our favorite restaurant, seven PM," she then finally spill the beans. "And please, don't be late. Bye!" dagdag pa niya bago pinatay ang tawag kahit 'di pa ako nakakatugon.

Blazing Algid Affection Where stories live. Discover now