Chapter 7

108 44 11
                                    

Erielle's POV

Iyong mga plano sana namin na gawin sa buong pag-i-stay namin dito resort ay hindi na namin nagawa dahil sa lintek na buwanang dalaw na ito! We're suppose to be enjoying the beach and some water activities, but I was not really feeling good. I was too lazy to move.

Ang nangyari tuloy ay sa hotel lang kami the whole day, lagi kaming nagpapahatid ng food. Minsan nga ay siya na rin ang nagpapaligo sa akin. Hiyang-hiya na ako sa kaniya! Dapat relax siya, pero hindi dahil inaasikaso niya ako.

"I'm sorry. This is not our plan," paiyak na ako. Dahil sa period ko ay nagiging emotional ako.

Narinig ko lang ang buntong-hininga niya at hindi man lang nag-abalang magsalita, nagkunwari lang siya na busy siya sa pagligpit ng kinainan namin. In short, ayaw niya akong pansinin!

Pumasok siya sa banyo pagkatapos, siguro para maligo. I pouted my lips before reaching on my phone at the side table. I browsed on my news feed, checking what is happening to my dear friends.

Through their social media accounts, I find out that they are both somewhere, enjoying their ass out. Si Giezhel ay nasa Japan for a modeling ramp, habang si Styx naman ay nasa out of town ulit for a business purposes.

Sana all, nakagagala.

Ako kasi ay na-stuck na sa hotel room namin. Gising. Kain. Tulog. Repeat. Ganiyan ang naging lagay ko imbes na nagtatampisaw ako sa tubig-alat. It's so boring! But well, good thing happens during bad times at iyon ay ang pauwi na kami tomorrow, meaning, hindi na ako susulyap sa may balkonahe para tanawin ang mga tao sa pagligo, hindi na ako maiinggit sa kasiyahan nila. Because we'll be back home, where I am belong.

I swear that next time talaga aayain ko na bumalik muli kami ni Crius dito, and when that time comes, I'll make sure na sulit ang bawat minuto, walang tapon.

Ibinaba ko na ang phone ko nang makaramdam ako ng antok, pero bago ako tuluyang mapapikit, nakita ko na lumabas na si Crius sa banyo. Thanks God. Akala ko inagos na ito sa drainage, e. Ang tagal niya sa loob.

I felt him kissed me on my forehead before I dozed on sleep.

The next morning, naabutan ko ang asawa ko na inilalagay ang mga gamit namin sa loob ng maleta. Naka-jeans lang siya at walang damit pang-itaas, medyo basa pa ang buhok, siguro katatapos niya lang na maligo.

"Morning," bati ko pero tinitigan niya lang ako saglit at nagpatuloy sa pag-aayos.

Ano bang problema nito? Kahapon pa siya, ah.

I rolled my eyes as I enter the bathroom. Padabog ko rin na isinara ang pinto para naman malaman niya na 'di na ako natutuwa sa cold treatment niya sa akin. Sa loob ay naghilamos ako at nagmumog bago lumabas.

Wala na siya pero nando'n pa iyong mga maleta namin kaya panatag pa ako na hindi niya ako iniwan kahit pa ramdam kong may tampo siya. I just shrugged before walking towards the coffee table. May breakfast sa ibabaw nito kaya naupo na ako at nagsimulang kumain. Why not? Gutom na ako, e.

It felt like I didn't eat for days. Wala pang limang minuto ay naubos ko na agad iyong meal so I decided na maligo na para pagbalik ni Crius, ayos na ako.

Almost 20 minutes din yata ako na nagbabad sa bathtub bago lumabas nang naka-roba. I was busy choosing on what to wear when I heard Crius talking to someone over the phone as he close the door of our hotel room.

"What?! No. Pauwi na rin naman ako. Yes, just wait for me. Okay?" aniya bago ibinaba ang telepono.

He's kinda pissed again. May problema kaya?

I shook the question out of my head. For sure it's about business, I'm out. Nagbihis na lang ako at nag-ayos.

Buong biyahe namin, wala talagang nagsasalita. Naiiyak na ako sa treatment niya sa akin, ha! Wala naman akong matandaan na ginawa ko na ikinagalit niya. Such a pussy! Immature! Kapag talaga ako ang bumawi, patay 'to sa akin.

Blazing Algid Affection Where stories live. Discover now