Chapter 18

66 23 0
                                    

Erielle’s POV

My lips parted when I heard those words from him. What? Why? It’s confusing the hell out of me!

I looked on Styx who’s standing next to me. His brows were formed in line. But soon a smirk slowly showed up on his lips. Really? Bakit mukhang natutuwa pa siya? What the hell is going on?

“You’re mine, Elle…” ulit pa ni Crius bago lumayo sa akin. Mayabang siyang nakangiti sa harap ko, nakapamulsa at matamang tinititigan ako.

“No!” sigaw ko.

“Yes!”

“I’ll file again, and this time, you’ll sign it!” buwelta ko.

“No!” he whine.

“Yes, Crius! Now, give me the files. Gusto ko nang umalis.” Muli ay inilahad ko ang kamay ko sa ere, hinihintay na iabot niya ang folders.

“Gan’yan mo ba talaga ka-gustong makawala sa akin? Why, Elle?” There’s a hit of bitterness on his voice. But who cares? Not me.

Styx cleared his throat. “Ah… sa labas muna ako, I think you guys need to talk about it in private. Excuse me,” aniya at diretsong lumabas. Hindi ko na siya napigilan dahil agad niyang naisara ang pinto.

Si Styx na nga lang ang kakampi ko, iniwan pa ako! Bagsak ang balikat na humarap ako pabalik kay Crius.

He immediately held my hand. “I’m a good man now, Elle. Sa loob ng mga nagdaang panahon naayos ko na ang sarili ko. I can now give my whole trust to someone I love without any hesitations. Sa 'yo, Elle. Kaya ko nang magtiwala ng walang pagdududa! Elle, ano pa? Tell me, ‘wag ka lang ulit mawala. Parang awa mo na, bumalik na tayo sa dati—”

I raised my right hand. “Stop! Just give me the damn papers!”

“No! I won’t stop until you get back on me.” Napahilamos siya ng mukha saka sinabunutan ang buhok, gulong-gulo.

“Give me the papers…”

“Tell me, Elle, what else do I need to do? I can father your child. Kahit hindi ako ang ama, magpapaka-ama ako sa kaniya. Ano pa? I won’t doubt you this time, makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo, sa 'yo lang ako maniniwala. Pangako—”

“Crius, stop, please,” putol ko sa kaniya. “Give me the papers…”

Ayaw ko nang marinig pa ang mga sasabihin niya. Mahina ako pag dating sa kaniya. Baka ‘pag tumagal ay ako pa mismo ang magmakaawa para magkabalikan kami.

No! Hindi pwede. My sacrifices would be useless if ever. Paano ang anak nila ni Nathaly ‘pag nagkataon? Hindi ko kakayanin ang mararamdaman ng bata sakaling malayo siya sa ama niya. Kasama niya ito mula nang una, mahirap para rito ang magkahiwalay sila!

Si Tale, ayos lang. Walang problema. Si Styx ang kilala niyang ama. Lumaki siya nang wala si Crius sa tabi namin kaya ayos lang. Kaya namin kahit wala siya.

“No, Elle! Bumalik ka na e, ‘wag ka nang umalis…” Saglit na natigilan ako nang lumuhod ito sa harap ko, hawak pa rin nang mahigpit ang parehong mga kamay ko. “Please, come back now, baby…”

I can feel his tears on my hands. Umaalog na rin nang marahas ang balikat niya dahil sa pag-iyak.

“H–Hindi ako bumalik para s–sa 'yo…” I whispered and I almost choked on my own voice.

“Then make me your reason to stay! Bumalik ka na sa 'kin, please? Let’s start a new, forget about the past and let's make new memories together. I’m begging you, please stay with me…”

“H–Hindi pwede, Crius…” muntikan pa akong pumiyok!

“Bakit hindi?! Elle, it’s confusing, enlighten me!” his voice thundered.

Blazing Algid Affection Where stories live. Discover now