Chapter 17

67 24 0
                                    

Erielle’s POV

“Three years old pa lang pala ako? I thought I am already four? Nag-birthday ako last week. Was it all just a dream?” I secretly smile when I heard my daughter muttered.

Kanina ko pa ito nahuhuling nagbibilang mula sa mga daliri niya. Talagang iniintindi niya kung talaga bang tatlong taon pa lang siya kahit na nag-apat na. Pareho sila ng tatay niya, nagpaniwala sa chika ni Styx. Though, I doubt it if Crius really believed on it.

Malapit na kami sa bahay. Mula nang talikuran namin si Crius at iwan ito sa pwesto namin kanina ay tuloy-tuloy ang naging lakad namin.

“Eat,” Styx ordered on Tale.

Inabot niya sa anak ko ang isang stick ng isaw. Tale immediately get it. Kumagat siya ng kaunti at saka pinag-aralan ang lasa.

“Ano po ulit ang tawag dito, Dada?” aniya sa pagitan nang pagnguya.

“Isaw.”

“Hmm. I thought it’s a worm,” she giggles.

I almost spit out the barbeque I was gnawing. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng ipaghalintulad ay iyon pa?

Kadiri ka, anak!

“Silly,” Styx chuckles bago bahagyang ginulo ang buhok ng anak ko. “It’s a chicken's intestine, Tale,” paliwanag niya sa bata.

“Oh! So it means po na may poop ito?” she took a bite again. “Mukha naman pong wala,” inosenteng aniya saka kami tinapunan ng tingin.

“Of course, wala na. Ano ka ba naman, Tale,” I pinched her thin nose.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at nanatili muna sa garden. Tiyak na nasa loob pa si Giezhel, abala at hinahanda ang dinner para mamaya.

Nang maubos namin ang pagkain ay nag-aya si Tale na magswimming. Payag naman ako, ang kaso lang ay wala kaming dala na damit pamalit.

“Next time, okay?”

“Okay, mommy,” ngumiti siya sa akin at muling umupo sa gilid ng pool para ibabad ang mga paa.

I went back on the bench and sat beside Styx. Kabababa lang nito sa telepono, mukhang katatapos lang ng isang usapan. Tumikhim ako bago magsimula sa pananalita.

“Business?”

He glanced at me and gently shook his head. “Sina Mommy, nangangamusta at saka nagtanong na rin sa ilang files ng kompaniya.”

“Hmm. Is that so?”

“Oo! Wala naman akong babae—joke!” Agad na lumipad ang kamao ko sa dibdib niya.

Talagang may kakapalan ang mukha ng isang ‘to! Anong akala niya? Na may gusto ako sa kaniya? Hell, no! Mag-snow muna sa bansa bago iyon.

“You’re always hurting me! When will you learn to love me, huh, Elle?!” Umakto siyang nasaktan. Tila ba nakatikim ng isang pagka-disgusto mula sa natitipuhan.

“Aba’t!” My hand raised again, ready to hit him.

“Sweet!” Tale giggles.

I immediately turned my gaze to my daughter. Malawak ang buka ng labi nito, ngiting-ngiti sa amin.

“Dada, ‘di ba po you told me that when your partner is always hurting you it means that he or she loves you so much? You both are always having a cat fights, I can say that you really love each other, huh?” she crossed her arms acrossed her chest.

She's talking too much. Mukha siyang matanda kung umasta, e, ang liit pa naman!

“Masyado kang maraming sinasabi, Tale. Let’s go inside, dumidilim na and I am sure na handa ang dinner for tonight.”

Blazing Algid Affection Where stories live. Discover now