Erielle's POV
Maaga kaming umalis ni Crius sa rest house nila, nagkaroon kasi ng biglaang conference meeting sa company kaya agad kaming tumulak pauwi.
Kanina pa siya tinatawagan ng secretary niya kaya mas lalo kaming nagmadali. Good thing, maaga pa kaya naman wala pang traffic. Pagkauwi namin ay dumiretso agad siya sa kwarto namin para maligo at magbihis. After niya, humalik lang siya sa pisngi ko at nagpaalam na na aalis.
Minutes after Crius had left, tumawag sa akin si Giezhel, nag-aayang lumabas. Mabuti na lang! Kung hindi, mabubulok lang ako sa bahay maghapon.
Pagkapatay ng tawag mula kay Giezhel, I took a bath and wore a simple black dress and red high heels. Naglagay lang ako ng light make-up para magkaroon naman ng volume ang mukha ko kahit paano. After that, I'm ready to go.
"What took you so long?" bungad sa akin ng yamot ko nang pinsan.
"Traffic," ani ko habang inaayos ang pagkakasukbit ng YSL bag sa aking balikat.
"Ang tagal mo. Ang init kaya rito," reklamo niya pa habang ginagawang pamaypay ang magkabilang kamay.
I rolled my eyes. "And who told you na rito ka sa labas maghintay? Duh! Pwede ka naman sa loob na ng mall para air-conditioned. Then you text me your location na lang sana. Edi hindi ka sana nainitan, 'di ba?"
"Ah, oo nga, ano? 'Di ko 'yon naisip, ah!" she said and even scratched her head.
She told me na ako ang abnormal, siya naman yata, e.
We went inside and entered a Japanese Restaurant to eat breakfast. Kahit siya pala ay hindi pa rin kumain. Pagkatapos, we go shopping. She bought new clothes and designer shoes. Luma na raw kasi 'yung mga damit niya and out of trend na raw. Balak niya na i-donate na lang ang mga 'luma' sa mga charity para hindi naman masayang lalo at branded ang mga ito.
Habang ako, nagtingin lang ng bags and perfumes. I don't feel like buying new clothes. Baka pag bumili pa ako ay mawalan ng space ang closet namin for Crius.
It's almost 12 noon nang maisipan namin na kumain ng lunch. Then after that, we planned na manood kami ng sine. We chose some romantic-comedy movie, para less drama.
Kasi if we picked romance, maiiyak lang ako and I don't like that. Nakakahiya, ang daming tao rito tapos iiyak ako? Hagulgol pa naman ako. Also, we're not into action or thriller at lalo na ang horror. Hell, no!
I was waiting for Giezhel na bumibili ng popcorn and drinks namin nang may dumaang family sa harapan ko. The man was carrying their child on his left arm, and ang right naman nito ay nasa beywang ng asawa niya. Bahagya pa silang tumawa kasi may sinabi na joke iyong bata.
I find them cute. What a happy family they are! I suddenly hope that someday, gan'yan din kami kasaya ni Crius, with our child.
"You're weird " Nakabalik na pala si Giezhel. Inabot niya sa akin ang pagkain ko. "You're smiling like an idiot, mag-isa ka lang naman. May sapak ka na ba?"
I shook my head, a little bit smiling.
"Tara na, baka start na." With that, hinila ko na siya papasok ng cinema.
Pagpasok namin sa loob ay marami nang tao ang nakaupo. And I was right, medyo start na nga dahil ipinapakita na 'yong production. Nakayuko kaming naglakad patungo sa seat namin, paying respect for those who were already watching and intently looking at the black screen.
Everytime na kikiligin ako sa scene, hinahampas ko si Giezhel. Kawawa nga siya, e. Namumula na ang kaniyang braso nang dahil sa akin. Tapos kapag natatawa naman ako, napapa-halakhak ako sa tuwa. Laughter calms me down.

YOU ARE READING
Blazing Algid Affection
Romance[COMPLETED] Erielle Alyna de Loire is the only heiress of her parents' company, but due to lack of interest on handling one, she has to marry her ex-lover, Crius.