Erielle's POV
"Are you really sure about this? We're not forcing you, anak. Pwede namang 'di na lang ituloy," mom softly said.
Marahang umiling ako rito.
I already told them about my decision. Wala namang sinabi si daddy. Nanatili lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko.
"It's okay, mom," ngumiti ako rito at hinaplos ang kamay niyang nakahawak sa akin.
She approached to hug me and caressed my hair softly just like what she always does.
Lumapit din si Daddy para dumalo sa yakap. "Dapat kasama ako," anito. Sabay namin siyang tinawanan ni mommy at saka isinama sa yakap.
Daddy is sweet as always. Sa kanila ni mommy, siya ang mas malambing. I remember when I was in my first day back in my junior high school. He literally cried me goodbye the moment they sent me off. Aniya ay baka pagkauwi ay may boyfriend na 'ko!
I was like, seriously, dad?!
Sa bahay na ako kumain ng lunch. Uuwi na dapat ako ng 4 PM pero pinigilan ako ni mommy. She said na rito raw kasi magdi-dinner sina Crius and we are going to do some discussion about our upcoming wedding.
Six in the evening nang nasa bahay na sila. Mommy and daddy gave them a warm welcome. Habang ako ay naiilang na bumeso sa mag-asawang Trivino at the same time hindi makatingin sa anak nila.
The dinner is fine. Tahimik lang kaming kumakain. Then one of them started to talk about the upcoming event. Nakikinig lang ako sa mga ito, as well as Crius.
Nagpapalitan ng ideya si mommy at tita Amea. It's like, they like this and that. They want it to be like that.
Akala ko ay sila na ang magpaplanong dalawa. Nagulat ako nang tanungin nila ang gusto namin ni Crius.
"Kung ano po ang gusto ng bride," sagot ni Crius na napatingin sa akin.
Nag-iwas ako rito at tumingin sa mga ginang.
"Ayos na po ako kahit na simple lang," magalang na tugon ko.
Umiling si Tita.
"No, make it grand. 'Di naman problema ang pera, willing kaming gumastos," aniya na tinanguan ni mommy. Siyang-siya sa pagpaplano.
Sa kanila rin pala ang desisyon sa huli. Edi sana 'di na lang sila nagtanong, 'di ba?
"What about a beach wedding? That would be really romantic!" masiglang suhestiyon ni mommy.
I almost rolled my eyes. Romantic my ass! Mabuti sana kung talagang mahal namin ang isa't isa.
Napa-palakpak naman si Tita. "Great idea!" pagsang-ayon nito.
Sumimsim lang ako sa juice ko at nanahimik na lang, 'di na nagsalita. Hinayaan ko na lang sila sa gusto nilang mangyari. Tutal sila lang din naman ang may gusto, sila na lang din ang magplano.
I am not doing this for myself. Maybe a part of it because it's kind of about my future but, really, the main reason why I agreed on this is because I love my parents.
Alas-nuwebe na ng gabi nang umalis ang mga bisita. Tinamad na akong mag-drive pauwi kaya rito na lang muna ako matutulog sa bahay.
Bago matapos ang dinner ay ayos na ang lahat ng kailangan para sa kasal. Kung magplano kasi sila kanina ay parang noong nakaraang buwan pa natapos ang preparation.
Sa susunod na araw ay pupunta ako sa designer ni mommy para magpagawa ng gown. Sunod naman ay sa catering ng reception para sa food tasting and other details about it.

YOU ARE READING
Blazing Algid Affection
Romance[COMPLETED] Erielle Alyna de Loire is the only heiress of her parents' company, but due to lack of interest on handling one, she has to marry her ex-lover, Crius.