Erielle’s POV
“Wala siya within a month? Kung gan’on, sino ang kasama mo rito? Paano ka? Delikado na mag-isa ka lalo na’t buntis ka pa.”
Sunod-sunod ang naging tanong ni Styx nang makapasok kami sa bahay at nang sinabi ko sa kaniya na isang buwan na mawawala si Crius.
“Nah. Don’t worry about that. Dito naman muna si Giezhel, siya ang kasama ko.”
“Ah, then tell her about your pregnancy. Baka ma-weirdohan sa iyo ‘yon. Isipin pa niya na may saltik ‘yang ilong mo. Grabe ang pang-amoy! You asked me to change my clothes because I smelled so bad. E, hindi naman ako mabaho. Kabibili ko nga lang ng pabango ko na ‘yon, e.” Sumandal siya sa armrest ng sofa at humalukipkip.
“Yeah, I will tell her. Not now, but soon. Pero mabaho ka pa rin. Ano bang pabango ‘yang ibinibida mo? Baka bili mo lang sa divi ‘yon, e,” umirap ako.
“Excuse me?” he said in a girly tone.
“Daan na,” pilyo akong ngumiti at minuwestra pa ang daanan.
“Epal nito.” Umabot siya ng crackers sa bowl na nasa ibabaw ng center table. “Tom Ford’s Noir de Noir lang naman ang perfume ko. Try mo humanap noon sa divi, sana may makita ka,” ngumuya siya.
“Wala akong pake kahit mamahalin pa iyang pabango mo, mabaho pa rin. Daig pa ang amoy ng ‘di naligo!” Kumuha rin ako ng pagkain.
Kita ko ang mabilisang paglunok niya. “Alam mo—”
I cut him. “Hindi pa,” a small smile formed onto my lips. “Sasabihin mo pa lang, e.” Nagkibit-balikat ako saka isinubo ang ilang crackers mula sa kamay ko.
“So annoying, Elle!” he mocked.
I reach the bowl of crackers again. “Baho mo,” dumila ako bago sumubo ng isa pa.
“Sarap alisin niyang ilong mo, alam mo ‘yon?”
“Hindi. Ikaw lang naman may gusto. Masamang tao!” I laughed so hard while walking towards the kitchen to get us something to drink.
“Kung ‘di ka lang buntis, naku!” Dinig kong sigaw niya habang naglalakad ako pabalik sa living room.
“Oh, ano? What are you going to do with me, huh? Kalalaking tao papatol sa babae, barbie ka?”
Pabalang kong inabot sa kaniya ang baso kaya naman bahagya siyang natapunan ng laman niyon.
Buti nga!
“Shit, Elle! Malamig.”
He jumped out of shock. Hinawakan niya ang hem ng polo shirt niya na natapunan saka pinunasan. Mabuti na lang at kulay itim ‘to kaya naman hindi halata ang kulay ng orange juice.
Instead of saying sorry, I bursted into a laugher. Styx gave me a death glare but hell, it doesn’t even bother me! What’s happening with me? I am being so weird because of my pregnancy hormones.
“I’m home, Elle! I bought us fo—od…”
Sabay kaming nagbalin ng tingin sa front door ni Styx nang pumasok si Giezhel sa bahay na todo ang energy pero nang makita kami sa sofa ay natigilan siya.
“Styx! What are you doing here? Don’t tell me sumasalisi ka kay Crius? Don’t you dare! Ako na ang nagsasabi,” nameywang siya sa harap namin.
“Ang dumi mo mag-isip. May pera ka naman, maghire ka kaya ng janitor, baka sakaling malinisan,” I playfully rolled my eyes before I averted my eyes on the paper bag she’s holding. “Pagkain ba ‘yan? Akin na lang.”
YOU ARE READING
Blazing Algid Affection
Romance[COMPLETED] Erielle Alyna de Loire is the only heiress of her parents' company, but due to lack of interest on handling one, she has to marry her ex-lover, Crius.
