Chapter 16

72 30 0
                                    

Erielle's POV

"Where do you want to go next, princess?" Malambing ang tinig ni Styx habang kausap ang anak ko.

Past lunch na. Sobrang tirik na ang araw kaya't nagdesisyon kami na pumanhik na pabalik sa sasakyan. Kahit anong ayos ang gawin namin sa malaking payong ay nasisinagan at nasisinagan lang kami ng araw. Masyadong mainit, mahapdi ang bawat dampi nito sa balat.

Buhat ni Styx si Tale sa kaniyang balikat. Nasa kamay nito ang payong at sa kabila naman ay ang picnic basket habang naglalakad kami pabalik sa kotse. I offered him a help but he refused to let me hold the umbrella for us.

"Mommy..." tawag ni Tale.

"Yes?" I looked up on her.

Nakalabi ito, halatang nagpapacute. Whenever her expression is like that, she always wants something. She knew that I couldn't say no whenever she uses that cutie card. Such a baby trick!

"Can we drop off into your house? I want to see it po kasi. Please, Mommy..." she puppy eyed.

My lips parted for a second. I don't know what to react! I was amused. Ang dami naming pwedeng sunod na puntahan, bakit iyon pa? It's just a simple request from my daughter but so much of what if's already filled my mind.

Paano kung makita o makasalubong namin si Crius do'n? What if he asks about Tale? Ano ang gagawin ko?! What will I tell him?

"Mommy... please?"

I closed my eyes for a moment. Nang magmulat ako ay kay Styx ako agad na sumulyap. Even him was shocked.

Marahan niyang ibinaba ang hawak sa magkabilang kamay bago isinunod na ibinaba ang anak ko mula sa balikat niya. He squatted in front of her for them to meet their gazes. Inayos niya ang bahagyang nilipad at nagulong buhok ng bata.

"Dada..." Tale pleaded.

Mas lalo pa nitong pinahalata ang paghaba ng nguso. She blinked twice and attached her palms together. Sa itsura niyang ito ay halata sa kaniya na nagpapaawa para matugunan ang gusto.

I mentally shook my head. Kung sana ay alam lang ng anak ko kung gaano ako katutol sa gusto niya.

"Dada?" she chased the sight of Styx who's now looking intently at me.

His eyes were questioning. Tila ba sa tingin niya idinadaan ang nais itanong ng bibig though I got what he wanted to tell. Am I going to be fine with it? I don't know! Even I were asking myself the same thing, too!

"I am not in the position to decide, princess. Ask your mom."

Agad na lumapit sa akin si Tale. She held my both hands and shook it a little. Tila nag-aaya, desidido na makumbinsi ako.

I bow down and looked at her. Sa mga mata niya ay nakikita ko ang malalim na mata ng ama niya. Those blue eyes! Wala siyang ibang nakuha kay Crius. Tanging ang mga asul na mata lang nito. At first look at Tale, you could see a photo copy of me, but if you look at her ocean blue eyes, you will notice the resemblance between them, Tale and Crius.

"Mommy, sige na po, please?" aya niya pa.

Naipilig ko ang ulo ko sa narinig. Kinapa ko sa dulo ng isip ko kung bakit kami narito. Why did we flew home? Lot of questions clouded my head but I still ended up in an only one answer.

It's because of Tale. I am her mother and it's my responsibility to fulfill her happiness.

Marupok ako. Ang anak ko ang siyang sukdulan nito.

"We will, anak." I softly carress her cheek before guiding her inside the car.

Pagkasara ko ng pinto ng backseat ay siyang pagbaba rin ni Styx sa pinto ng back compartment. Nakapamulsa ito habang naglalakad palapit sa akin.

Blazing Algid Affection Where stories live. Discover now