Chapter 14

70 40 0
                                    

Erielle’s POV

“Elle!”

Agad na kumaripas ng lakad patungo sa pwesto ko si Styx nang mamataan niya ang pag-upo ko sa hospital bed. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang mailipat ako sa pribadong kwarto na ‘to tulad ng nais ko. Iba ang amoy sa E. R. Mas mapabubuti ang kalagayan ko kung narito ako.

Sinalubong ko ang namumungay na mata niya habang inaalalayan niya ako sa pag-upo. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala at pagtatangis dahil sa pighati. Matigas ang ekspresyon ng mukha niya, halata sa ayos ng panga niya na bahagyang umiigting. Siguro’y nakarating na sa kanila ang balitang wala na ang bata sa sinapupunan ko.

Marahan niyang hinila ang silya sa tabi ng kama at saka naupo roon. Tumikhim siya sandali saka inabot ang kamay ko at hinaplos iyon nang napakarahan.

Ang lamya ng paghawak niya sa akin. Ingat na ingat. Ayaw na dagdagan pa ang sakit na dinanas ko para sa araw na ‘to.

“Kamusta?” alangan niyang tanong sa akin nang muli niya akong tinitigan sa aking mga mata.

Tipid akong ngumiti sa kaniya bago umiling. Kahit sa sarili ko ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Muli ba akong magluluksa dahil isa na namang parte ko ang nawala? But there’s no use. It wouldn't bring back what’s gone.

“Bakit ako ang pinatawag mo rito? Dapat ay si Crius…” agad niyang tinikom ang bibig at nag-iwas ng tingin.

Tingin ko ay naramdaman niya na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yon. Bagay na kabilang si Crius.

Muling bumukas ang bibig niya pero isinara niya rin ito kaagad. Alam kong may gusto siyang sabihin pero umatras siya sa paggawa, tila ba may iniiwasang masabi.

“Si… Giezhel?” mahinang tanong ko.

“Ah, inasikaso ‘yong tungkol sa blood transfusion mo.”

Tipid akong tumango sa kaniya at nagbaba ng tingin sa sinapupunan ko.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa akin. I can’t believe the things had happened. Until now, I’m still asking myself… why? Do I deserve it?

Knowing the truth that my husband impregnate Nathaly makes my heart broke into million of pieces. It’s like my heart sunk and I couldn’t lift myself up because the scars it caused was too deep, it's pulling me down. This is too much. I can’t help but drown myself in tears.

Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa sobrang pag-iyak. Nagising lang ako nang maramdaman ang pagkagutom. I blinked twice, adjusting my sight from the light.

“Y–You need anything?”

Parang nahigit ang hininga ko nang marinig ang katagang ‘yon. Ang malalim niyang boses. Agad ay nakalimutan kong nagugutom ako.

“What are you doing here?” may diin sa bawat salitang ani ko.

I don’t need him. Higit sa lahat, hindi siya ang kailangan ko. I don’t want to see him. Ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit na dinanas ko sa kaniya.

“Gusto kong masiguro na ayos ka—”

“Sa ginawa mo ba… sa tingin mo… maayos ako?”

Nagbaba siya ng tingin saka unti-unting umiling. I saw how he swallowed hard as I looked at him intently.

Muli siyang nag-angat ng tingin at sinubukang abutin ang kamay ko.

“I’m sorry…” paos na aniya.

“I don’t need it. Kailanman ay hindi nakatulong ang salitang ‘yan para sa kahit anong sakit. Hindi iyan gamot na ipaiinom mo sa 'kin para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.” Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Pilit kong inaalis ang hawak niya sa kamay ko pero ‘di ko magawa. Masyado siyang malakas. Ayaw niya akong bitawan.

Blazing Algid Affection Where stories live. Discover now