Erielle's POV
I'm wearing my peach bathrobe as I walked down the staircase of our mansion.
Abala ang lahat sa kani-kaniyang gawain. Ang iba ay natataranta pa at 'di na alam kung ano ang dapat na unahing gawin. Napaka-busy ng buong bahay.
"Anak, dapat nag-stay ka lang do'n sa kwarto mo. Anytime soon ay darating na ang make-up artist na mag-aayos sa iyo." maging si mommy ay natataranta na rin.
Today is the big day for them. Ngayon ang araw ng kasal. Well, maybe it's a big day for me also, since I am the bride.
Past lunch pa lang. 5 PM pa ang start nito pero ewan ko ba kung bakit sobrang nagmamadali ang lahat. E, ano kung late akong dumating sa venue? Huli naman talaga ang bride, 'di ba?
As if 'di matutuloy 'yon.
How I wish na hindi na nga lang matuloy talaga. Pero, wala nang atrasan 'to. It's rain or shine, itutuloy pa rin kahit anong mangyari.
I was hoping and thinking that someone would kidnap me for ransom while I'm on my way to the venue. Maybe in that way, the wedding won't happen anymore.
Though inside me, I don't want that to happen. No freaking way! Sa isipin pa lang ay nababaliw na ako.
Paano kung hindi ako pakainin no'ng mga nanguha sa akin? Mababaliw ako sa gutom! Papayat ako. Buto't balat na lang ang matitira sa akin kung ganoon.
Sayang ang ganda!
"You better go upstairs." tulak sa akin ni Mommy pabalik sa itaas. Napakamot na lang ako sa ulo bago umakyat pabalik.
I fish on my phone to get rid of the boredom. I browsed online to see what's trending and so on just to end up reading greetings from my friends and acquaintances.
Busy ako sa pagpapasalamat sa mga bumabati ng 'best wishes' and 'congratulations' sa IG nang may kumatok sa pinto.
"Pasok," sabi ko bago tumayo at inayos ang robang suot.
Pumasok ang tatlong tao. Isang bakla at ang dalawang babae na nakasunod dito bitbit ang make up kit at ang gown ko. Looking at them, tingin ko ay sila na ang tinutukoy ni mom.
"Paki-lagay na lang po sa kama ko," magalang na sabi ko sa babae na 'di alam kung saan ilalapag ang gown na hawak.
Humarap naman sa akin 'yong bakla. Iginiya ako nito paupo sa harap ng vanity mirror.
“Ako po ang mag-aayos sa iyo, Miss.” aniya na at tinanguan ko lang ito.
Hinanda naman ng isa pang babae ang mga kailangan sa gagawin na pag-aayos. Naglagay sila ng head dress sa buhok ko para hindi maging sagabal sa pagmi-make up sa akin ang ilang takas na buhok. Habang abala ang bakla sa mukha ko, sinimulan naman ng babae ang paggawa sa buhok ko. Ang babae na kaninang may buhat sa gown ko ay nagpaalam para manguha ng inumin sa baba sakaling mauhaw kami.
Higit isang oras ang itinagal ng pag-aayos nila sa akin. Ngayon ay tinutulungan nila ako para suotin ang gown nang pumasok ang mga magulang ko mula sa pinto.
"My princess will be married soon," dad dramatically said.
I teased to roll my eyes ngunit sa huli ay nginitian ko ito.
"Dahil po sa inyo," I joked though stating a fact.
I heard him laughed same as my mother. Lumapit si mommy at inayos ang tiara sa ulo ko gayon din ang belo. Humawak siya sa balikat ko saka marahang pinisil iyon. Nakita kong naiiyak siya kaya naman ngumiti ako rito.
"Mommy naman. Ikakasal lang po ako, hindi ako mawawala sa inyo."
Umiling siya. "'Di na lang kami ang magiging pamilya mo, soon you'll be having your own." yumakap ako rito.

YOU ARE READING
Blazing Algid Affection
Romance[COMPLETED] Erielle Alyna de Loire is the only heiress of her parents' company, but due to lack of interest on handling one, she has to marry her ex-lover, Crius.