WARNING: Mature content. Read at your own risk.
Erielle's POV
Pagkapasok ko sa loob ng mansyon ay agad na sinalubong ako ng beso ni Tita Amea. Halatang kagagaling niya lang sa kusina dahil nakasuot pa ang apron sa kaniya. She is wearing a bloody red dress inside. Namataan ko naman si Tito Cylan na pababa ng hagdan, naka-navy blue na polo.
"Good evening po, Tita, Tito," I said softly and flashed a small smile.
I got shocked when Tita slapped my shoulder a little. "Stop calling me tita, Erielle, anak. You should be calling me mommy from now on. I'm also your mother now, hija."
"So am I. Magtatampo ako kung hindi mo ako tatawagin na daddy," ani ng ginoo nang makalapit na sa amin.
I was about to talk back when an arm snakes around my waist. I know it's Crius.
After we kissed, nauna na akong naglakad papasok ng bahay nila. Nahihiya kasi ako!
I turned my gaze on to him. He was smiling for ear to ear. Hindi naman halata na sobrang saya niya, ha! I bet halos mapunit na ang labi niya sa sobrang pagngiti.
Psh!
"Mom, 'di pa po ba tapos ang niluluto ninyo? Ayokong nagugutom ang asawa ko," Crius teased.
Sa inis ko ay nakurot ko ito sa beywang.
"Aw..." mahinang daing niya, iniiwasang marinig ng mga magulang. "Aggressive," he whispered on my ear.
"Nah. Actually, kanina pa ako tapos. I am just waiting for the both of you to came along. Let's go na," inaya na kami ng mommy niya sa dinning area.
Naabutan namin ang mga kasambahay na nag-aayos sa hapag. Crius pulled a chair for me. Aba, nasobrahan yata sa pagka-gentleman ang isang 'to. Siya na rin kasi ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Thanks," mahinang sabi ko.
"Mukhang maayos na kayo," pansin sa amin ni daddy Cylan. "That's good. Mag-asawa kayo, hindi magkaaway," he then joked.
Tipid na ngumiti lang ako bago nagpatuloy sa kinakain. Nanatiling tahimik lang ako sa upuan ko habang nag-uusap sila tungkol sa business. I don't know a thing, so I better shut up.
Ilang saglit pa ay natahimik na sila at natuon na sa pagkain ang atensyon. Malapit na akong matapos sa ginagawa nang muling magsalita si mommy Amea.
"Tumatanda na kami ng daddy ninyo. When are you going to give us a grandchild? Gusto ko na ulit mag-alaga ng babies," his mom said which made me almost choked myself!
Ano raw, babies? Ang dami naman yata niyon?! Okay na ang isa lang. Or, pwede na rin ang dalawa.
"Mom, that can wait," it was Crius who answered.
"But I can't wait!"
Natawa ako sa inasal ng ina niya. She looked like a kid who didn't get what she wants.
"Amea, 'wag mo silang madaliin. Tama si Crius, that can wait. Tsaka, when you wait for the perfect timing, magandang blessings ang ibibigay ng Diyos," singit ni Tito. "Hayaan mo na sila, darating din tayo ro'n..."
Tama!
Natapos ang dinner na nagtatalo pa ang mag-asawa tungkol sa pagkakaroon ng apo. Bakit 'di na lang kasi sila ang gumawa, 'di ba? Parang gano'n naman kadali 'yon? Mahirap kayang magbitbit ng malaking t'yan!
Nang maubos ang naka-serve na desert ay nagpaalam na kaming uuwi. Gabi na rin kasi at kapag lumalim pa iyon ay maipit pa kami sa traffic.
Pagkarating namin sa bahay, dumiretso agad ako para mag-shower. Pagkatapos ko ay agad din na sumunod si Crius. Katatapos ko lang i-blow dry ang buhok ko at naglalagay na ako ng lotion ngayon nang lumabas mula sa banyo si Crius.

YOU ARE READING
Blazing Algid Affection
Любовные романы[COMPLETED] Erielle Alyna de Loire is the only heiress of her parents' company, but due to lack of interest on handling one, she has to marry her ex-lover, Crius.