Epilogue

76 23 0
                                    

Crius' POV

"Mommy, ayaw ko nga po!"

That was the third time I have told my mother those words. Kanina pa ako nito pinipilit na sumama sa kaniya sa isang event na 'di ko naman alam kung ano.

Anong gagawin ko ro'n? I'm sure it will be boring as hell. Walang chicks!

"Crius, anak, wala namang masama kung sasama ka sa 'kin. Ano bang sinisigaw mo riyan? I'm your mother! 'Wag mo akong pakitaan ng gan'yang attitude dahil hindi ako natutuwa." I heard my mom talk from the outside of my room.

I heave a sigh and open the door. "Mommy, please, ayaw ko nga pong sumama." I said and this time with a manner.

"Hindi, sasama ka because I say so. Here," she handed me a gray tuxedo. "Wear it. And get down at exact 6 PM. 'Pag wala ka sa living area ng gan'yang oras, ako mismo ang kakaladkad sa 'yo." Bahagya akong natawa sa tinuran nito. "I'm serious, Crius." Pinanlakihan ako nito ng mga mata.

Hell, no!


I don't have a fucking choice but to come or come. And I blame Dad for it. Bakit kasi na-timing pa na nasa business trip siya? I shouldn't be in this state right now. Siya dapat ang sasama kay Mommy at hindi ako.

Alas-singko y media pa lang pero halos gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko at matulog nang maaga. Ayaw kong sumama pero ayaw ko naman na magpakaladkad kay Mommy.

Walang gana akong nag-ayos. Ni hindi ako nag-abala na ayusin ang buhok ko. I don't even pay time to fix my tie. Para saan pa? It's just a waste of time, because no sexy ladies will join that freaking event!

Bumaba na ako bago pa rumatrat ang bibig ni Mommy. Baka sa sermon kami mapunta at hindi sa event na sinasabi niya.

Buong biyahe ay nasa labas ng bintana lang ang atensyon ko habang walang humpay na inaabisuhan ako ng ina sa mga dapat kong gawin. Gusto ko na nga sanang ilagay ang headphone ko para hindi ko na marinig ang paulit-ulit na sinasabi nito pero kabastusan kung gagawin ko 'yon.

"Be kind, hijo. Bumati ka at ngumiti-"

Tumagilid ako ng upo at hinarap ito. "Alam ko na po, My. Rest your.." tinikom ko ang bibig ko, telling her to save her saliva for later. "Sasabak pa po 'yan sa matinding usapan kapag kasama ninyo na po ang mga amiga ninyo," I joked.

"Ikaw na bata ka!" Walang pakundangang inikot nito ang tenga ko.

"Aww. I'm just joking, mother. Ba't naman po ang seryoso ninyo?"

Hindi ito umimik. She get her purse and took out something from it. Pinahid nito sa labi ang bagay na kinuha.

Girls and their things.

Minutes later, our car stopped. Ibinaba ko ang bintana sa tabi ko at sinipat ang lugar. It's a luxury hotel. Sa labas pa lang ay kita mo na ang isinisigaw nitong karangyaan. Well, I don't care. I'm not fond of this after all.

"Dito na, mommy?" I asked for assurance.

"Yes. That's why I'm re-doing my face." ani Mommy.

"Your beautiful enough, mom. Tama na po 'yan at pumasok na po tayo sa loob para makauwi rin agad." Lumabas ako ng sasakyan para umikot at pagbuksan ito ng pinto.

Blazing Algid Affection Where stories live. Discover now