Erielle’s POV
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit. Bakit nawala sina Daddy at Mommy sa akin? Naging mabuti naman akong anak, mapagmahal, at masunurin. Ni minsan nga ay hindi ko sila binigyan ng sakit ng ulo. Pero bakit gano’n? Kinuha na agad sa akin ang mga taong importante sa buhay ko, mga taong nagpakilala sa akin ng mundo.
Bakit?!
Napaka-daya ng mundo! Porke ba masyado kaming masaya paghihiwalayin na? ‘Di naman yata tama iyon. ‘Di pa ako handa, hindi ko pa kaya ang wala sila.
“Elle...”
Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. It was my husband. Kita sa mga mata nito ang labis na pag-aalala para sa lagay ko.
“Eat now, please. ‘Di gusto nina Mama ang ginagawa mo sa sarili mo. Sa tingin mo ba ay magiging masaya at payapa sila kung nakikita nila na nagiging pabaya ka?” napailing ito, ‘di sang-ayon sa sariling sinabi. “Magkakasakit ka niyan.”
“B-bakit?” tumulo na ang kanina pang namumuong luha sa sulok ng mga mata ko. “‘Di ko pa kaya, Crius... I wish I could live with them ten times the years we’ve spent together. Napaka-unfair, e. Ang daya ni Lord,” suminghot ako.
Umupo siya sa kama, katabi ko. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko bago ako hinila para yakapin. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago umusal ng mga salita.
“Kahit gaano kasakit o ano pa man, ‘wag mong kuwestiyunin ang plano ni Lord. Gano’n talaga, e. ‘Pag oras mo, oras mo. Just trust Him, may dahilan siya. And I am sure na mas maganda ang plano niya para sa 'yo, maniwala ka lang, Elle,” he said and kissed me on my hair.
Humigpit ang yakap ko sa kaniya. Sobra ang pasalamat ko dahil nandito siya kasama ko para harapin at damayan ako sa lupit ng mundo.
“Thank you…” bulong ko sa dibdib niya.
“Hmm…” tanging iyon lang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya.
Ilang minuto pa kami sa ganoong ayos bago kami nakarinig ng tunog mula sa doorbell ng bahay.
“Ako na. Kumain ka na r’yan.” Humalik muli siya sa noo ko bago tumalikod at naglakad patungo sa pinto.
Nakasulyap lang ako sa malapad niyang likod hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa tanaw ko. Agad akong bumaling sa kaninang pagkain na dala niya na nakapatong sa side table.
Tama siya, hindi gugustuhin ng mga magulang ko na makita ako sa ganitong sitwasyon. Pagagalitan lang ako ni Mommy kapag nakita niya na pumapayat ako. Si Daddy naman ay sigurado ako na aasarin akong pangit dahil sa pag-iyak ko.
I smiled sadly. I miss them, so much. Gusto ko muling mayakap sila habang sinasabi kung gaano ko sila kamahal. Gusto ko muling marinig ang mga tawa nila kapag nag-jo-joke ako nang puno ng kakornihan. Sana… sana maulit muli.
Pinahid ko ang medyo tuyo nang luha sa magkabilang pisngi ko bago sinimulan ang pag kain.
Paano na lang ako kung wala si Crius? ‘Di ko naman pwedeng abalahin si Giezhel dahil marami rin itong tinatrabaho. Ayaw kong maging abala sa kaniya.
Kabababa ko lang ng basong ininuman ko sa side table nang magbukas ang pinto ng kwarto namin. Malapad ang ngiti na bumungad sa akin ang kanina lang na iniisip ko.
“Giezhel!”
Napatalon ako mula sa kinauupuan at naka-ngiting sinalubong siya ng yakap na akala mo kanina ay ‘di umiiyak sa lungkot.
“Nandito ka! Wala kang gawain sa opisina?”
She shook her head softly. “Tinapos ko na kahapon,” she gave me a small smile. “Gusto kitang makasama,” she said as she put her right hand over my shoulder. “Kumusta?”
![](https://img.wattpad.com/cover/221714403-288-k489019.jpg)
YOU ARE READING
Blazing Algid Affection
Romansa[COMPLETED] Erielle Alyna de Loire is the only heiress of her parents' company, but due to lack of interest on handling one, she has to marry her ex-lover, Crius.