Chapter 4

16 4 0
                                    

Tatang Simon's POV

Di ko lubos maisip na makikita ko ang sarili ko sa batang ito. Normal lang sya na bata, wala akong nakikitang espesyal sa kanya maliban nga lang sa limang elementong nasa kanya.

Ang kaalaman ko sa Dating mundo ang naging sandata ko kung bakit ako na bubuhay ngayon.

'Hahaist' lalo lang akong tatanda kapag naaalala ko ang nakaraan.

Nakapikit ako habang nakahiga sa ilalim ng punong kahoy ng may biglang nag disturbo sa aking pagpapahinga, may kung anong malagkit na tubig ang dumaloy sa nuo ko.

"Zen! Nag papahinga ako mag dahan dahan ka dyan!" sigaw ko.

"Sorry tatang, may sinusbukan lang po" pagpapasensya ni Zen.
Napalingon ako sa kanya.

Napansin ko lumalaki na pala si Zen, maliit na ang mga damit na sinusuot nito. Dalawang taon na pala ang lumipas noong unang tinuroan ko sya.

Mas mahirap ang napagdaanan ng batang ito kumpara sa akin. Nagagawa nya ng kontrolin ng mabuti ang mga elementong nasa sa kanya. Alam kong di na lalakas pa ang mga kapangyarihan nito na kagaya ng mga ibang uni-elemental na tao na kayang sumira ng bundok sa isang wagaway lang ng kamay.

Pero, kung pag kontrol lang sa kahit katiting na parti ng kapangyarihan, alam kong lalamang si Zen.

Tapos ko na syang turuan ng pag kontrol ng kapangyarihan. Kasalukuyan sya ngayong nag sasanay na e dissect o tatadtarin ang components ng mga elemento pati narin ang katangian, klasipikasyon at mga pwedeng pag gamitan nito.

Nilapitan ko si Zen, seryoso syang nag babasa ng libro na hawak sa kaliwang kamay, habang ang kabilang kamay ay naghahalo sa tubig at ibang uri ng malapulbos na lupa.

"Zen? Ano yan?" tanong ko.

"Ahh ito tang? Nag hahalo ako ng Thallium na mineral galing sa lupa at tubig para makabuo ng solution na pwedeng maka patay ng tao"

Lumingon sya at ngumiti.

"LASON kumbaga" dagdag nya habang nararamdaman ko ulit yung tubig na nasa nuo ko na pinunasan ko gamit ang kamay..............

Napaisip ako saglit.........

"Anak ng butiki ka Zeeen!, gusto mo na ba akong patayin?"

Sigaw ko sabay abot sa baso ng mixture. Ngunit mabilis si Zen, nagulat ako sa bilis nya.

"Tatang di ko yun sinasadya!"

Sigaw nya habang naka ngiting tumalon paatras mula sa akin.

'Halatang sinadya nga ng batang ito, TAE kang bata ka!'  takbo ng isip ko.

Galit ako na medyo natatawa dahil sa nakakatuwang itsura ng butiking ito. Pilit ko syang hinuhuli gamit ang earth element. Mga batong lumalabas sa lupa na huhuli kay Zen pero mabilis nga talaga sya.

Naka ngising patalon-talon si Zen na pilit iniiwasan ang mga atake ko. Tinapon ni Zen ang baso na may laman ng kanyang hinahalo at nag patuloy sa pag ilag. Nakangiti lang sya na parang nakikipaglaro lang.

Ginamit ko ang hangin, umihip ang hangin na parang normal lang kaya binaliwala ni Zen at patuloy paring umiilag.

"Tatang? Tumatanda kana, you're too slow!" sigaw nya.

Sa muling pag gamit ko sa hangin sinabayan ko ito ng buhangin at alam kong di nya mapapansin ito, kaya....

"Tataaaaang! Ang daya mo"

sigaw ng butiking nahuli ko, habang nakapikit at pilit tinatanggal ang buhangin na nasa mata.

Pilit din nyang inaalis ang mga bato pero di ko hinahayaan.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon