Chapter 8

16 3 0
                                    

Chapter 8

"Nandito si First Lieutenant Aira Bueva para ediscuss ang guidelines ng Continental Fight at iba pang bagay na kailangan nyong malaman patungkol dito" sabi ng teacher habang nakatingin kay Aira na nasa dulo ng itablado naka upo.

Medyo namumula ang mga pisngi nito na pinipilit maging kalmado kahit pa pinag uusapan sya ng mga tao patungkol sa isang tao na galit na galit sya.

Pumunta sya sa podium kong saan nag sasalita ang teacher kanina. Pinatong nya ang kanyang mga siko dito habang sa harap nya ay isang guide tungkol sa sasabihin.

"Greetings to everyone, i would like to ask everybody's attentions to focus on the things that I'm about to tell. Alam natin na kada sampong taon, the Devil's door would re-open. Demons and beast  may rampage again throughout the whole continent. Every kingdom has their own way of protecting their land. But, groups of talented people must be selected to be the frontliners. These frontliners are the one who will going to face the waves of beast  and demons from the mouth of the gate. This is to lessen the risk of them to rampage in our small villages that has poor defenses." tumigil muna si Aira yumuko at huminga ng malalim. Meroon syang naalala mula sa nakaraan nya. Tumingin ulit sya sa madaming taong na nasa harap nya na naghihintay sa pagpapatuloy nito.

"The continent has 5 kingdoms: Tina, Peita, Kein, Alaba and Shou. It's almost 10 years from the last opening of the Devil's Gate. It is also almost 10 years ago that the Kingdom of Shou vanished in the continent because of this waves of demons and was the 1st time that the king of evil makes his appearance. The Devil king's named is Idlim, he can control human minds to be on his side and has a tremendous power and strength. For this reason, an additional part of the contest will change the Continental Fight's guidelines." tumigil muna si Aira at tiningnan ang papel na nasa harap nya.

"Anyone can join the contest, you just have to group yourselves into 5 members with  a team leader. The group should just have to collect 50 white monster's crystal cores, 20 yellow crystal cores and  5 red crystal cores. All of the groups will be dispatched to the the forest sorrounding the devil's gate. Many monsters are there, hiding and waiting to  launch their attacks. Namataan din ng intels na may roon naring small waves ng demons and monsters ang lumalabas mula sa Devil's gates as a sign na malapit na ang muling pag bukas nito. Ang puting crystal cores ay makukuha mula sa mahihinang uri ng mga monsters. Ang mga monsters na ito ay hindi nag iisip at may mahihinang pangangatawan at kapangyarihan. Yellow crystal cores naman ay sa malalakas na mga monsters at medyo matalino rin. Habang ang red core crystals ay makukuha mula sa mga demons na subra ang lakas at maysariling pag-iisip na katulad ng tao. Ang karamihan sa kanila ay nakakapag salita rin katulad natin." napatigil si Aira ng nagsimulang mag ingay at mag bulongan ang lahat dahil sa mga narinig ng mga ito mula kay Aira.

"Eheem, ipagpapatuloy ko. Anim na buwan mula ngayon ang nakatakdang panahon para bumukas ulit ang Devil's gate. Ang lahat ng sasali ay kailangang maka collect sa lahat ng mga kristal na ito dalawang buwan mula ngayon. Ang hindi makakakompleto ay mawawala na sa kompetisyon. Ang makakakompleto naman ay magpapatuloy sa kompetisyon kong saan maglalaban-laban ang bawat grupo at ang isang grupong matitira ay ang mag rerepresenta sa kaharian natin para sa malaking intablado… sa Continental Fight, kong saan mag lalaban laban ang pinaka malalakas na grupo sa bawat kaharian. Hindi ito para pakitang gilas lang. Ang mananalo ay syang mag poprotekta sa buong kontinente at makikipag laban sa Hari ng dilim na si Idlim habang ang iba ay nakikipag laban sa mga alagad nito. Tayong lahat parin ay makikipag laban manalo o matalo sa paliksahan. Ang makapasa sa 1st phase ng kompetisyon ay ang magiging isa sa mga frontliners kung saan haharapin nila ang mga kalaban sa pagkalabas palang ng mga ito. Alam ko… mahirap to, pwede kang mamatay." nilibot ni Aira ng tingin ang paligid.

"Marahil naiisip nyong bakit kailangan pa ng paligsahan kong ang lahat rin naman ay dedepensa at makikipaglaban din sa pagbubukas ng Devil's gate. Kung lahat rin naman tayo ay pwedeng mamatay. Mga kaibigan at kapatid,  ang paliksahang ito ay isang magandang systema para ma organize at mabalanse ang pag gamit ng sandatahang lakas at mas malaman ang kakayahan at kapasidad ng bawat isa. May matatanggap rin na mga rewards and positions on the kingdom pagkatapos ng digmaan ang mga frontliners ng digmaan. Panahon rin natin to para maghigante sa hari ng kadiliman. Kung ayaw nyong mag buwis ng buhay para sa bayan at sa mga minamahal sa buhay, pwes mag tago kayo simula ngayon. Kung mahal mo ang mundong ito kung mahal mo ang mga tao dito, then use love to protect them. For God's love is power and He… He made us from love, so we are His power!" pagtapos ni Aira sa kanyang pagsasalita. Nagsi tayuan naman ang mga tao at nag hihiyawan, sumisigaw na "para sa bayan! Para sa mundo!".

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon