Chapter 23

5 0 0
                                    

Aira's POV

Para akong lumilipad pabagsak mula sa isang mataas na lugar. Nakikita ko ang puting bilog na buwan sa kalangitan at ang nagkukumpulang makikinang na bituin sa paligid nito pati na ang maninipis na ulap na nagmimistulang unan sa himapapawid.

......

'Teka!'

"Waaaahhhhhhh!" sigaw ko habang nahuhulog sa bunganga ng isang malalim na butas sa lupa.

Sa paligid ko ay ang mga kasama ko. Si Gboy na kalmadong nakatayo na umiilaw ang isang katabi. Katabi nya ay ang walang malay na si Ryle. Pag lingon ko naman sa kabila habang patuloy na bumabagsak ay si Nathalie at Zen na wala ring malay. Napansin ko rin si Leira na bumabagsak kasama namin. Napakalalim ng butas na di ko na alam kung ilang sigundo na akong bumabagsak.

Ginamit ko ang natitirang kapangyarihan ko para gumawa ng malambot na snow habang bumabagsak kami.

Gumulong-gulong ang mga katawan ng mga kasama ko ng umabot na kami sa pinakailalim ng butas ng masalo kami ng naka inclined na malalambot na snow. Pinipigilan ko ang pag gulong ng mga katawan nila para di magkaruon pa ng ibang injuries. Hinaharangan ko ang mga ito gamit ang katawan ko tyaka ko unting unting hinihila.

Nanghihina parin ang katawan ko dahil sa mga nangyari. Naliliwanagan pa ang paligid dahil sa ilaw na nanggagaling kay Gboy kaya pinilit kung tumayo at pinagpatuloy ang paghila sa mga katawan ng walang malay kong kasama at maiayus man lang ang paghiga.

"Aira? Pasensya na sa inyo" boses ni Gboy bago nawalan ng malay.

Dumilim ang paligid dahil nawala ang liwanag na inilalabas ni Gboy at biglang may pumasok sa isip ko.

********

Nagawa naming itumba ang heganteng demonyo na halos ikamatay naming lahat.

Naalala ko pa na pilit akong tumatayo habang hinihila kami ni Zen at Gboy papunta sa kanila.

Napansin ko na lumilindol ang lupa na parang sunod-sunod na yapak ng maraming kalaban. Paglingon ko ay ang daan-daang halimaw na tumatakbo papunta sa amin.

"Gboy! Gawin mo na ang teleportation!" sigaw ni Zen.

"Master Zen! Di tayo makakateleport, nasa iyo ang kapiraso ng  hikaw. Babalik rin tayo dito!" sagot ni Gboy.

"Wala sa akin! Kaya gawin mo na!" utos ni Zen.

Naalala ko ang hikaw na sinasabi nila ay ang bagay na itinapon ni Zen nung parang napasok kami sa isang array na nag teleport sa amin sa harap ng devil's gate.

Sinimulan na ni Gboy ang pag teleport at patuloy parin ang pagtakbo ng mga halimaw papunta sa amin.

"Gboy....~~" bulong ko habang nag aalala narin na maabutan kami ng kalaban at sinubukan na ni Gboy na magteleport.

"Master Zen! Di ko magawa! Naubos na ang lakas ko!" sigaw ni Gboy sabay ubo na may kasamang dugo.

Idinampi ni Zen ang kamay nya kay Gboy at umilaw ulit ang sing-sing ni Zen tyaka umilaw ang hikaw na suot ni Gboy. Naramdaman ko rin ang pag dampi ng isang kamay ni Zen sa may braso ko at naibalot ang katawan ko ng init ng preskong kapangyarihan. Napalingon ako sa mukha ni Zen. Nakita ko ang nanghihina nyang mga mata at ang paninigas ng dugo nya sa may kilay at tenga.

"Ikaw na ang bahala sa amin Aira"

Tapos nawalan na ako ulit ng malay na halos magkasabay pumikit ang mga mata namin ni Zen.

********

'Ahuuuuhh'

Halos nahihirapan na akong huminga, iwinagayway ko ang kamay ko sa paligid para makakapit lang sa dingding o sa isang bato dahil halos di na ako makahinga at natutumba na.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon