Chapter 20

22 1 0
                                    

Chapter 20

3rd Person's POV

"Nathalie!" sigaw ni Zen habang patuloy ang pag-aatake ng taong lobo na hinaharangan ni Ryle.

"Ryle! Atras!" sigaw ni Zen.

"Hahaha! Natatakot kayu?" sabi ng taong lobo habang tumatalon paatras si Ryle..

Humabol ang taong lobo pero inatake ito ni Zen ng limang magkakasunod na pagsabog. Napalingon sa likod si Ryle at nakita si Aira na nakikipag laban sa halimaw na Night stalker at nakahandusay sa lupa si Nathalie.

Tinititigan nya si Nathalie habang papalapit sya rito. Nakapikit na ang mata ni Nathalie at parang walang malay. May galos rin ang mukha nito at may dumadaloy na dugo sa nuo.

"Na-Nathalie!" sigaw ni Ryle habang tumatakbo. Ilang metro pa ang layu nya kay Nathalie kaya mas binilisan nya ang pag takbo. Wala na syang naririnig na ingay mula sa paligid kundi ang mabilis na tibok lang ng puso nya.

"Aaaaaahhhhhhh!" malakas na sigaw ni Ryle habang patuloy na tumatakbo. Unti-unting bumibigat ang katawan nito nahalos nalilibing na ang paa nya sa bawat yapak sa lupa. Nawala sa braso nya ang kalasag na kanina pang bit-bit ngunit unti-unti namang bumabalot sa katawan nya ang metal na bracelet mula sa braso nya papunta sa dib-dib at paa hanggang matakpan na ang buong katawan nito ng metal.

"Armored Knight!" sigaw ni Ryle habang balot na balot ang katawan nya ng armor.

Hindi nya nilapitan si Nathalie bagkos dinaganan nya ang halimaw na tinawag nilang Night Stalker

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi nya nilapitan si Nathalie bagkos dinaganan nya ang halimaw na tinawag nilang Night Stalker. Kumpyansang-kumpyansa lang ang halimaw na hindi sya makakaramdam ng sakit kapag natamaan sya ni Ryle pero hindi nyana inakala ang susunod na nangyari. Nalibing ang mukha nito sa sahig ng tamaan ito ng isang malakas na suntok ng nakabaloteng si Ryle. Inapakan pa ni Ryle ang ulo ng halimaw at mas nailibing pa ang ulo nito sa sahig.

Napaatras naman si Aira dahil sa gulat at sa lakas ng suntok na binitiwan ni Ryle. Napatingin sya sa kalmadong si Ryle na nakatayo na noong una ay hindi nya alam kong sino ngunit ramdam nyang si Ryle talaga yun.

"Bantayan mo si Nathalie" sabi ni Ryle. Napatunayan nga ni Aira na si Ryle talaga yun tyaka tumakbo papalapit kay Nathalie.

Binuhat nya ito para lumayo sa lugar na pinaglalabanan nila Ryle at ng Night Stalker.

"Nathalie? Gising, Nathalie?" sambit ni Aira kay Nathalie habang nakasandal ang ulo nito sa braso ni Aira.

Unti-unti namang idinidilat ni Nathalie ang mga mata nya at nagsalita.

"Di ko maigalaw katawan ko" sabay tulo ng luha nito.

"Magpahinga ka muna Nathalie, mawawala din ang pamamanhid mo mamaya. Iiwan muna kita tutulongan ko sila" sabi ni Aira at ibinaba si Nathalie mula sa kanyang braso at dahan-dahang nyang inalis ang kamay nya kay Nathalie. Tumakbo sya at pinuntahan si Zen na mas nahihirapan sa pakikipag laban.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon