Chapter 16

13 2 0
                                    

Chapter 16

Zen's POV

"Winter Wyvern, Legendary Red Core Monster!" sabi ni Aira

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Winter Wyvern, Legendary Red Core Monster!" sabi ni Aira. Napapaatras kami habang papalapag ang malaking maladragong halimaw.

Kailangan kong makaisip ng plano. Hindi na namin ito matatakbohan, kailangang lumaban.

"Gboy! Mind link!" sigaw ko habang humahakbang papaatras. "Gboy!" tawag ko ulit sa kanya dahil nanigas si Gboy na nakatulala sa malaking halimaw na lumilipad.

"Gbooooy!" sigaw ko ulit at gumalaw na ito pero di pa ginamit ang kapangyarihan nya.

"Aira! Cover the support!" tawag ko kay Aira habang sya rin ay namamangha sa nakikita. Tumalon sya at hinawakan ang damit ni Gboy at tumakbo sa ilalim ng mga puno.

"Tank Ryle, maghanda! Cover me!" inihanda ko ang sarili kong gawang dalawang rocket launchers. Pinwesto ko ito sa harapan at ipinasok ang  magkabilang braso ko sa loob nito para ma activate ang pag atake. I focused on the target that is currently dashing towards us.

Nagpakawala ng sunod-sunod na ice blast ang wyvern. Malalaking bloke ng yelo tumatama sa amin dito sa baba. Si Nathalie naman ay pilit iniiwasan ang mga ito habang inaakay ang sugatang lalaking nakita namin kanina. Si Ryle naman ay hinaharangan ang mga blokeng pumapatama sa akin gamit ang mala pader na bakal na kanyang hinugot.

"Target locked! Fire!" sigaw ko ng natapos ang pag atake ng wyvern. Two black rockets launched towards the head of the wyvern. Malakas na pag sabog ang nangyari. Napuno ng maitim na usok ang paligid ng wyvern. Ilang sandali lang malakas na ingay ang narinig sa buong paligid. Nagmula ito sa wyvern, sumigaw ito habang unti-unting lumalabas ang ulo nito sa nakabalot na usok.

Dalawa pang magkasunod na pag atake ang ginawa ko ngunit sa pagakakataong ito pilit pinatamaan ng wyvern ang mga rocket na papalapit ngunit na control ko ang mga ito at ipinatama sa may batok ng wyvern.

Apat na magkasunod na pag sabog ang nangyari pero patuloy parin ang wyvern sa pag lapit sa amin. Napakalaki nito alam naming hindi na ito mapipigilan na lumapag sa mismong kinatatayuan namin kaya umilag kaming lahat at lumayo dito.

"Parang mamamatay na tayo sa unang laban natin!" sigaw ni Ryle habang tumatalon paatras papalayo sa wyvern.

Napakalaki nito na para bang mas malaki pa ang mga paa nito kesa sa bahay ko. Sa paglapag ng wyvern malakas na hangin ang nagpalipad sa amin. Sinira ng wyvern ang lahat ng puno sa paligid nya at bumuga ng malamig na hangin. Lahat ng natatamaan nito ay nagiging yelo.

"Mind link!" sigaw ni Gboy at biglang naging ginto ang kulay ng bilog nito sa mata. Lumapag kami sa isang patag na lupa habang nakikitang nag wawawala parin ang wyvern.

'Pasensya na' sabi ni Gboy gamit ang mind link.

'Magical spell enhancer!' sigaw ni Gboy at bigla naming naramdaman lahat ang biglaang pag lakas ng enerhiya namin.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon