Chapter 13

12 3 0
                                    

Chapter 13

Nathalie's POV

I'm in cultivation for the new skill that I have to learn para mas maging malakas. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kapangyarihan kong malayang gumagalaw sa loob ko. Nararamdaman ko rin ang paghaplos ng hangin sa paligid ko mas gumaan ang pakiramdam ko at mas naging kalmada ng biglang may malakas na pag pitik mula sa dib-dib ko. Nawala ako sa concentration at naramdaman ang isang pamilyar na kapangyarihan.

"Gregorio?" sambit ko. Gregorio ang tunay na pangalan ni Gboy na pinangalan ng ina namin galing sa pangalan ng ninuno naming si Gregorino na isa sa pinaka malakas na continental fighter sa kasaysayan.

Tumakbo ako patungo sa pinanggalingan ng kapangyarihan. Pilit paring sumisikip ang dib-dib ko. Alam ko na nararamdaman din ng iba ang malakas na kapangyarihang ito.

'Malayu pa ba ako? Saan na ba sya? Kapatid ko!'

"Gregorio!" sigaw ko na umalingaw-ngaw sa buong paligid.

'Ate? Tulong, tulongan mo ko.' boses na naririnig ko mula sa isip ko.

"Nasaan ka Gregorio!" sigaw ko pa.

"Nathalie dito" tawag sa akin ni Zen. Kasunod nya ay si Aira at si Ryle.

Sinundan ko sya at mas binilisan ko pa ang takbo. Huminto si Zen at ang iba pa. Nakatingala sila na para bang nagugulat sa nakikita.

Si Gboy ay nakaupong nakalutang sa gitna ng patag  na nababalutan ng malalaking ugat na kusang gumagalaw at parang may buhay.

'Guys tulong!' sambit ng boses na nasa isip ko.

"Guys? Narinig nyo yun? Humihingi ng tulong si Gboy" sabi ni Ryle.

"Gregorio kumalma ka lang"

'Ate tulongan mo ko natatakot ako.' sabi ng boses sa isip ko.

"Nakakapag-usap si Gboy gamit ang isipan?" sabi ni Zen habang pilit pinapaniwalaan ang nakikita.

Lumapit si Aira sa mga gumagalaw na ugat na halos kasing laki ng apat na taong pinagdidikit dikit. Hahawakan nya sana ang ugat pero mabilis itong umatake kay Aira. Nakaiwas si Aira at maraming alikabok mula sa debries ng pag atake ang makikita.

"Gregorio paparating na ako" tumalon ako ng mataas.

Dalawang mga malalaking ugat ang pilit hinaharangan ako sa pag lapit ko sa kapatid ko ngunit nag pakawala lang ako ng mga wind  blades para maputol ang mga ito.

Isa-isa itong napuputol pero mabilis rin itong nag regenerate at muling aatake. Pinilit kong lumapit pero habang dumidikit ang distansya ko kay Gregorio mas dumarami ang mga ugat na pumipigil sa akin. Inatake ko ang mga ito habang nakalipad parin sa ere.

"Wind slash" sigaw ko at lumabas ang isang mataas at malapad na linya ng hangin at tumama ito sa nagkukumpulang mga ugat. Sa ibaba nitoy nakita ko ang nakaupo lang na si Gregorio pero di ito gumagalaw.

Biglang may sumulpot na ugat sa gilid ko habang papalapit ako kay Gregorio at natamaan ako. Tumilapon ako at pinilit na mabalanse ang katawan ngunit napakalakas nang pagkakatapon ko.

"Nathalie!" sigaw ni Ryle at may biglang sumulpot na batong nakalutang sa likod ko at ginamit ko itong apakan.

Tumalon ako pabalik, madaming mga bato ang isa-isang lumulutang sa ere at ginamit ko para makapatong at mas mapabilis ang galaw ko. I dashed to Gregorio at madami nanamang ugat ang sumalubong sa akin.

'I won't be tricked with the same style again'

Inisip kong mag teleport agad-agad sa likod ni Gregorio habang papalapit. Malapit na ang malakas na paghampas ng ugat papunta sa akin ngunit hindi ako makapag teleport. Medyo nagvavanish na ang katawan ko pateleport pero di ko makompleto ang teleportation. Nasaharapan ko na ang ugat at pilit iniiwasan pero huli na ang lahat at natamaan na ako.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon