Chapter 12

15 3 0
                                    

Chapter 12

Zen's POV

Malalim na ang gabi, kakatapos lang naming kumain. Simula ng dumating kami nag simula na silang mag training. Hinayaan ko silang gawin ang gusto nilang training at ibang executions ng skills nila upang  malaman ko kung anong pundasyon ng kapangyarihan sila nakatuon.

Si Aira ay nakatuon sa halos lahat ng basic foundation ng kapangyarihan nya sa physical strength, agility, mental focus and magic power. Si Ryle ay sa strength din at may roong malakas na magical power pero di pa nya ito nakokontrol ng maayos. Si Nathalie ay sa mental focus at subrang taas ng status ng agility, habang si Gboy ay nasa extreme mental ability, kasi nagbabasa lang ito ng libro.

Tumawag ako ng meeting sa kanila isang oras matapos ang dinner. Si Ryle ay nasa labas at nag titraining parin sinusubukan ang limitasyon ng laki ng bato na kaya nyang maiangat. Si Gboy rin ay nagbabasa parin ng libro, sa totoo lang ang isa sa pinakamagandang training ko ay ang pag babasa ng libro kung saan libo-libong ideas ang nakukuha ko. Yung dalawa namang babae ay nagkekwentuhan sa labas patungkol sa mga 'weird' na bagay.

Nagtipon-tipon na ang lahat sa mesa and then we started the meeting.

"Here's the plan, may dalawang buwan tayo para makompleto ang mga crystal kagaya ng sinabi ni Aira sa seminar. Hahatiin natin ito, ang unang buwan ay ang special training ng bawat isa and to stablish solid teamworks. The training will be monitored under me." sabi ko para simulan ang mas malalim pang usapan.

"Hindi ba tayo magkukulang ng panahon sa ganyan?" tanong ni Ryle. Kusa namang sumagot si Gboy.

"I think no. If we attack directly to the Red Zone where the red crystal core monsters are ay makakaya nating maipon agad ang mga crystal. Basi sa nalaman ko ang bundok at mga kagubatan na pumapalibot sa Devil's Gate ay sigurado ng pinapamugaran na ng mga monsters ngayon at nahahati ang area sa white zone, yellow zone at red zone" at inayos ni Gboy ang kanyang eyeglasses.

"Tama si Gboy, taon-taon may mga sudden malfunction or weak time ang seal na nasa Devil's gate na nagiging dahilan para makalabas ang ibang monsters. Hindi agad umaatake ito naghihintay lang sila sa paligid ng Devil's Gate para maging bantay." pag sang-ayun ko kay Gboy.

Kinuha ko ang panulat at isang papel. Gumuhit ako ng malaking bilog at dinagdagan ko pa ito ng isa pang bilog na mas maliit sa loob nito at isa pang bilog sa loob ng mas maliit na bilog. Sa gitna naman ay sinulatan ko ng salitang 'Gate'.

"The outer part of the area is the white zone, while the inner part is the yellow zone and the remaining area which is the core is called the red zone kung saan nandoon rin ang devil's gate. Sa white zone ay puno ng mga kagubatan mahihina lang ang mga monsters at halos wala kang makikitang yellow core monsters doon. Ang boundary ng white zone and yellow zone ay isang malalim na bangin na gawa ng mga tao ilang dekada na ang nakalipas para di lumagpas papunta sa yellow zone ang mga taong naliligaw sa kagubatan. Sa yellow zone na area ay marami paring white cored monsters dahil itong mga white core monsters ay ginagawang alipin ng mga yellow core monsters. Kaya kong mangungulikta tayo ng white cores mabilis tayong makakaipon kong doon tayo pupunta. Pero mas mabuti paring dumeretso tayo sa red zone, mas malaki ang risk na pwede tayong mamatay doon pero yun ang pinaka mabilis na paraan para mangolekta sa lahat ng crystals. Ang red core monsters ay may nakabantay na yellow core doon at ang red core monsters din ang nakapag susumon ng white core crystal monsters kaya ito ang masasabi kong mabilis na paraan. Ang boundary ng red at yellow zone ay ang mga bulubunduking nakapalibot sa devil's gate. Sa likod ng mga bulubunduking ito ay ang patag na lugar sa harap ng devil's gate. Ang tawag sa lugar na ito ay ang devil's battle field." pagpapatuloy ko at nakikiramdam sa mga reaksyon nila.

"It is too risky, alam ko. Pero mas risky kapag hindi tayo naglaan ng oras para sa training. Sa red zone din naman ang punta natin dahil sa dami ng mga teams na kasali sa patimpalak at sa limang kaharian din na may kanya-kanyang academy na nagpapatupad din sa ganitong phase sa laro sigurado akong mauubusan tayo ng red core monsters na nasa yellow zone at yellow core monsters na nasa white zone. So this is the best plan that I  would suggest." sabi ko sa kanila.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon