Chapter 3

27 3 0
                                    

Zen's POV

Nag aral akong mabuti, di man sa magandang paaralan kundi sa ilalim ng mahigpit na pag tuturo sa akin ni Tatang Simon.

Sabi ni tatang di ako makakagawa ng malakas na pag atake. Maliliit na pag kontrol lang ng mga elemento ang kaya ko.

"Zen! Hindi tayo kailanman magiging mas malakas kumpara sa mga uni-elemental patungkol sa kapangyarihan. Pero kapag ginamit natin ang kahinaan natin bilang lakas... mapapabago natin ang ikot ng mundo" senserong tugon ni tatang habang gumagawa ng hugis ng kabayo gamit ang isang magandang uri ng bato habang pinapanuod ko sya.

Tinitigan ko ang aking mga palad 'magiging malakas nga ba talaga ako' tiningnan ko si tatang. Sya ang inspirasyon ko, sya ang pinaka malakas na taong nakilala ko maliban sa mga magulang ko.

Tinignan ako ni tatang and he extended his arm at ginulo yung buhok ko.

"Maliit man nakakapuwing din"

***********

Di pa lumalabas ang haring araw nagising na ako. Ilang mga turo narin ang nasaisipan ko na patuloy kong sinusubukan.

Nagkakaroon ng apoy dahil sa enerhiya na naging fuel at ang nakapalibot na oxygen. Kong kaya kong kontrolin ang hangin makokontrol ko rin ang lakas ng apoy. Kailangan ko lang pag aralan ang mga maliliit na kinabubuoan ng mga bagay-bagay. Hinanap ko ang oxygen sa hangin at iba-iba ang kulay ang mga nakikita kong enerhiya na nagmumula sa hangin.

Gumawa ako ng malaking apoy sa abot ng aking makakaya. I extended my arm forward at sabay ipon sa hangin sa paligid ng apoy at tinira ko pasulong.

Isang tuwid na naglalagablab na apoy ang nagawa ko. Makikita ko rin ang punong pinatamaan ko na sunog at nangingitim ang parte ng pinatamaan. Napaka saya ko na nun, yun na ata ang pinakamalakas na pag atakeng nagawa ko simula ng tinuruan ako ni tatang.

Sumilip narin si haring araw, isa na namang araw ng paglalakbay. Nakasakay ako sa isang karwahi habang kinokontrol ang tubig kong saan kaylangan kung gumawa ng hugis ng kabayo.

Hindi lang ako basta bastang nakasakay sa karwahi, nakatali din ang kamay ko sa likod pati ang mga paa at sa dulo ako ng karwahi ipinatong ni tatang.

"Ayusin mo yan, dapat wala pang bente minuto may maipapakita kana sa akin kong hindi kapa tapos sa loob ng dalawampong minuto itutulak kita dyan" demand ng tatang kong mukhang unggoy na makapal ang balbas.

Mas mahirap gumawa ng hugis mula sa tubig yung parteng nahulma na ay kinakailangan pang ma maintain habang nag huhulma pa sa kabilang parte. Mas mahirap pa ito kaysa sa pag ukit mula sa bato.

Balut na ng pawis ang mukha ko 'walang awa kang matanda ka, bata lang ako! Gagawin ko parin naman ito kahit hindi pwersahan eh! Bakit kailangan pang nakatali.' pag rereklamo ko habang unti-unti nang dumadausdos ang pwet ko sa kinauupoan.

"Dalawang minuto!" sigaw ni tatang.

"Oo teka lang malapit na! Si tatang naman talaga oh!" sagot ko. Pwet nalang at buntot ng kabayo ang kaylangan kong magawa ng biglang huminto ang karwahi at umalog yung inuupoan kasabay ang pagkahulog ko mula sa sasakyan.

"Tatang naman ang dayaaaaa! Di pa tapos ang dalawampong minu..." napatigil ako ng makita ko si tatang na bumaba at tumakbo patungo sa gilid ng daan.

Isang babae ang hinahabol ng mga naka unipormeng apat na lalaki.

"Tanda! Wag kang makialam dito! Mga sundalo kami ng kaharian ng Pieta, makasalan ang babaeng yan kailangan naming dalhin pabalik sa kaharian!" sigaw ng isang sundalo.

Lumapit kay Tatang ang babae habang umiiyak at pilit ipinahihiwatig na mali ang sinasabi nila.

Patalon-talon akong lumapit kay tatang. Nahihirapan ako sa mga tali ko sa katawan.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon