Chapter 19

14 1 0
                                    


Chapter 19

Aira's POV

Di na namin natulongan ang lalaking ipinadala ng kaharian para ipaabot ang balita. Isa iyon sa mga mensahero ng kaharian na lahat sila ay sinanay para mahasa ang bilis simula pa ng kabataan.

Tumatakbo kami at patalon-talon sa mga sanga ng puno ng kagubatan. Nauna sa harap si Nathalie na seryoso ang mukha sa huli naman ay si Ryle na sinusubukang makahabol. Sumapit na ang gabi at wala itong planong tumigil.

"Magpahinga muna tayo, mas dilikado kapag nagpatuloy pa tayu sa gitna ng dilim" sabi ni Zen habang nakasunod sa akin. Tumalon ito sa baba at pati narin si Ryle ngunit nagpatuloy parin si Nathalie at sininyasan ako ni Zen na pigilan ito.

Mas binilisan ko pa ang talon at takbo ko at inabot ko ang kamay ni Nathalie. Napigilan ko ang pag takbo nya at pilit tinatanggal ang kamay ko sa pagkahawak ngunit di nya inihaharap ang mukha nya.

Hinila ko pa sya ng mas malakas at pinilit tignan ang mukha nya. Napalingon sya at nakita ko ang pagpatak ng luha nya.

"Kailangan kong iligtas ang kapatid ko" sabi nya habang pilit tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Aira, Kailangan kong mailigtas kapatid ko. Bitiwan mo na ako" dagdag nya habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha nito.

Niyakap ko si Nathalie habang tinutulak nya ako palayu pero nanghihina ang buong katawan nito.

"Nathalie, kailangan mong maging malakas at mag tiwala sa kapatid mo. May plano ang kapatid mo, hindi yun magiging masaya kapag nakita kang ganyan" sabi ko kay Nathalie sinandal ko ang mukha nya sa dib-dib ko.

Bumalik kami kung nasaan sila ni Zen napansin ko na hindi sila nagsiga ng kahoy dahil siguro para hindi malaman ng mga halimaw kung nasaan kami lalong-lalo na malapit na kami sa Red Zone. Nasa paanan na kami ng bulubundukin kung na nagpapakitang nasa boundary na kami.

Hindi ko mapinta ang mukha ni Ryle habang nakikita nya si Nathalie na nasa pinaka mahinang parte ng buhay nito. Tahimik lang ang lahat pero sinira ni Zen ang katahimikan ng inilabas nya ang mga bagay na ilang araw nya nang ginagawa.

"Ryle" sambit ni Zen kay Ryle at inihagis ang isang makinang na bakal papunta rito. Nasalo ni Ryle pero maramdaman mong nabigatan ito sa hawak nya.

"Para saan ito?" tanong ni Ryle habang iniobserbahan ang bracelet na bakal na hawak-hawak nya. Umupo rin ng maayus si Nathalie na kaninay nakasandal sa balikat ko.

 Umupo rin ng maayus si Nathalie na kaninay nakasandal sa balikat ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gawa yan sa balat ng Winter wyvern at buto ng Ursa. Pinagsama ko at inahalo sa pinakamatigas na metal sa kasaysayan, ang Titanium" sabi ni Zen.

"Suotin mo sa may pulso mo at isipin mo ang mga bagay na gusto mong magawa gamit ang metal na iyan. Kahit anong bagay pero dedepende parin ito sa laki ng bagay na gusto mo. Pwede mo ring maibalot ang buong katawan mo gamit nyan." dag-dag ni Zen.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon