Chapter 22

16 0 0
                                    

Chapter 22

"Absolute Zero, Queen's Touch!" sigaw ni Aira tapos binalot ng puting hamog ang braso at kamay nya. Sa likod nya ay nakadampi ang palad ni Nathalie at bigla silang dalawa naglaho sa harap ng demonyo.

Nag yelo ang iba't ibang bahagi ng parte ng katawan ng heganteng demonyo at nag taka ito. Iginalaw ng hegante ang katawan nya ngunit nahihirapan sya at ramdam nya rin ang panunuot ng lamig sa katawan nito.

"Demon Princess, multi-clones" bulong ni Nathalie at biglang sumulpot mula sa likoran nya ang isang dosenang clones nya. Bigla itong naglaho at pumwesto sa parte kung saan nag yelo ang bahagi ng katawan ng heganteng demonyo at sabay sumigaw.

"Judgement Claw!" sabay-sabay nawasak ang yelong bumabalot sa katawan ng heganteng demonyo pati narin ang kaliskis at ibang parte ng laman nito.

"Graaaaaaaaaahhhh!" sigaw ng hegante sabay ang pag talsik ng kulay ube na mga dugo nito. Gumalaw parin ang hegante at pilit lumalaban pero sunod-sunod ang pag atake ng dalawa. Nayayanig ang katawan ng hegante sa bawat suntok at sipa ni Aira na kasabay ang pagkabalot ng parteng nasuntuk ng yelo. Kasunod naman ang mahahapdi at mabibilos na paghiwa ni Nathalie na syang nagwawasak sa yelong ibinalot ni Aira at ang resulta nitoy pagtuklap ng kaliskis at pag talsik ng mga dugo nito.

Halatang di na alam ng heganteng demonyo ang gagawin at di nya masabayan ang bilis ng dalawa kaya umikot sya na para matamaan sina Aira at Nathalie ng buntot nito kasabay ang pag hampas ng kamay, ngunit napahinto ito ng naramdamang maypumipigil sa pag galaw nya.

Salikoran ng heganteng demonyo ay nakahawak si Ryle sa buntot nito at pilit nililimitahan ang galaw ng kalaban. Ngunit napakalas ng kalaban at nakaya nitong patalsikin si Ryle. Nakontrol naman ni Ryle ang katawan nya at nakapag landing ng maayus. Tinanggal nya ang nakabalot na balote sa katawan at ginawa nya itong javelin.

Dalawang matutulis na bakal ang hawak-hawak ni Ryle sa magkabilang kamay at sabay nya itong binitawan. Derederetso ang paglipad ng matutulis na bakal at humarurot papunta sa dib-dib ng hegante.

Nakita naman nina Nathalie at Aira ang opportunidad na tulongan ang pag atake ni Ryle.

Mula sa malayo ay ipinasa ni Aira ang ilang persento ng lakas nya sa isa sa matutulis na metal na pinakawalan ni Ryle. Nagkulay asul ang metal at mas lumaki dahil nababalutan na ito ng yelo.

Ang isang matulis na metal naman ay mas tumulin ang takbo kasabay nito ang pagbilis ng pag ikot na nakagawa na nga ng ipo-ipo matapos pasahan ng ilang persentong kapangyarihan ni Nathalie.

"Enhance! 50% power Enhance!" sigaw ng isang lalaki. Napalingon sina Ryle, Nathalie at Aira sa likod at nakita ang pagliwanag ng palad ni Gboy katabi nya ay si Zen na nakapwesto at nakahawak sa isang malaking makenaryang baril.

"Team! I Cover!" sigaw ni Zen sabay pakawala sa isang malakas na enerhiya mula sa malaking makenaryang baril na hawak at pag ilaw ng suot nyang sing-sing.

Mabilis na binitbit at hinila ni Nathalie sina Ryle at Aira papalayo dahil ramdam nya ang malakas na pag atake ni Zen na maaring makasakit sa kanila kung malapitan man ito.

Isang malakas at nakakabinging tunog ng kidlat ang narinig ng lahat ng pakawalan ni Zen ang pag atake. Natilapon naman si Gboy na kanina'y nakatayu sa gilid ni Zen dahil sa lakas nito. Nagkaroon ng malaking tipak sa lupang kinatatayuan ni Zen at nagwala ang malakas na hangin kasabay ang pag labas ng asul at makapal na kidlat sa dulo ng kanyang makenaryang baril.

*************

"Bawal pumasok sa lugar nato" boses ng lalaki na halos nagpayanig sa buong kwarto dahil sa lalim at laki ng boses nito.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon