Chapter 17

9 2 0
                                    

Chapter 17

Aira's POV

Narinig ko ang boses ni Zen na bumubulong sa akin.

"Napindot ko na pisngi mo ulit. Pero di ko masagot kung bakit pangit ako sa paningin mo" bulong nya sa akin. Wait? Sabihin nyong panaginip lang ito please! Naramdaman ko ulit yung pag sundot nya ng daliri nya sa pisngi ko.

Sh*t! Di ito panaginip. Ibig sabihin ba nun narinig nya yung sinabi ko nong lasing ako?

Mhai Ghhaaaad!

Nagpanggap parin akong natutulog ng naramdamang umalis na si Zen. Gusto kong magwala pero di pwede nariyan lang sya sa tabi. Di ako gumalaw at nagbilang ako ng 1-100 para mawala sa isip ko ang lahat ng ito.

Nagbilang ako ng nagbilang pero pumapasok parin sa isip ko ang kahihiyang iyon. Bigla kong napatadyak ang binti ko. Alam kong napalingon si Zen kaya nilubos-lubos ko na ang pag galaw ko at tumagilid ako. Pinilit ko paring ipikit ang mga mata ko at halos itago ko na ang mukha ko sa kumot.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko wala namang masyadong gumagalaw. Binuksan ko ang mata ko at nabigla ako sa nakita ko. Si Nathalie na kaharap sa akin, seryoso lang ang mukha nito. Nagtitigan kami ng ilang sigundo at kumindat sya at bumulong. "Kita ko yun"

"Eeehhhhhh!" di ko napigilan ang sarili ko at napa-upo ako.

Naramdaman ko ang isang kamay na biglang humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay si Zen nakaupo na medyo nakaluhod.

"Okay kalang?" tanong nya at inayos ang buhok ko na tumatakip na sa kaliwang mata ko.

"O-okay lang ako" sagot ko. Bat ang lakas ng tibok ng puso ko? Inayos ko ang suot ko at pinilit maging kalmado. Pinilit kong tumayo at sadyang tinignan si Nathalie na kaninay gising ngayon ay nakapikit na.

"Gusto mo kong samahan?" sabi ni Zen. Di ako sumagot pero hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan papunta sa inuupuan nya kanina. Di ako komontra at hinayaan ko syang hawakan ang kamay ko at alalayan paupo.

Di na sya nagsalita pang ulit. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinuhulma ang mga bagay-bagay galing sa wyvren na nakalaban namin. Nakatingin lang ako sa ginagawa nya habang akap-akap ko ang binti ko at pinapatong ko ang pisngi ko sa mga tuhod ko. Naramdaman ko ulit ang antok at pinikit ko ulit ang mga mata ko.

************

Gboy's POV

Unti-unti kong dinidilat ang mata ko at bumungad sa akin ang liwanag ng papataas na araw. Medyo madilim pa ang paligid. I streched my body at may natamaan ako sa paanan ko.

Bumangon ako at umupo, nakita ko si Master Zen na natutulog at natamaan ko ang nakatuwid nyang kaliwang paa. Nakasandal sya sa ilalim ng puno habang katabi nya si Aira na natutulog rin at nakapatong ang ulo sa balikat ni Zen.

'Nakakasira naman ng mood.' Tumayo ako at nakita sina ate at Ryle na nag hahanda ng agahan.

'Naku naman, makaalis nga muna masakit sa mata eh'

"Ate, maglalakad-lakad muna ako dyan sa tabi magpapalabas lang ng sama ng loob" pamamaalam ko kay ate.

Naririnig ko naman ang boses ni Aira na galit na galit habang papalayo ako sa kanila.

Maynakita ako maliit na ilog sa gitna ng kagubatan at ginawa itong pagkakataon para makaligo. Naligo ako at inenjoy ang medyo mainit na tubig ng ilog na mabilis ang agos. Nang natapos akong maligo napansin ko ang isang kahoy na lumulutang kasabay ng pag agos ng ilog.

Nakasabit dito ay isang babae ginamit ko agad ang kapangyarihan ko at inutusan ang mga ugat na dalhin sya sa akin.

Tumatakbo ako pabalik sa grupo ko habang bit-bit ang isang babaeng halos mawalan na ng pulso. Di ko alam anong pakiramdam ko kinakabahan ako at nanghihina ang tuhod ko.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon