Chapter 2

31 3 1
                                    

Author's Note:

Enjoy reading!!!♡♡♡

Zen's POV

'Eto nanaman, bogbog nanaman ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Eto nanaman, bogbog nanaman ako.'
Yan ang iniisip ko habang tinatagyakan ng mga batang hindi ko naman kilala.

"Yan, tadyakan nyo pa! Weak! Batang weak! Sinumpa ka kaya ka weak" sigaw ng isang batang parang masaya na nasasaktan ako.

Pinilit kong tumayo, pero patuloy parin ang pag sipa nila sa akin kaya nadapa ulit ako. Di ko napigilan sarili ko, nag ipon ako ng enerhiya sa kamay at inisip kong kontrolin ang lupa.

Naramdaman nilang lalaban ako kaya tinigil nila ang pag sipa at medyo napaatras habang inaabangan ang gagawin ko.
Nanlilisik ang mata ko, lumabas rin ang kapangyarihan ng apoy, tubig, kidlat at hangin. Nakikita ko ang ibat ibang kulay na umiikot sa mga palad ko.

"Aaaaahhh" sigaw ko habang tumatakbo pasulong sa kalaban.
Binato ko ang kapangyarihan ko, una apoy, sunod kidlat, tubig, hangin at lupa. Ramdam ko ang pagka ubos ng lakas ko sa pag atakeng iyon.

Ngunit, ang apoy na ginawa ko, wala pang isang metro patungo sa kalaban ay naging usok na parang buga ng sigarilyo.

Ang kidlat naman ay parang spark lang na galing sa nag kikiskisang bakal.

Ang tubig na parang tubig galing sa gripo na umaagos mula sa kamay ko pabagsak sa lupa.

Hangin na parang binugahan lang ng hininga ang kalaban.

Pero ang lupa, ang lupa na alam kong malakas ako... sa pagka bilang ko, dalawampo, dalawampong bato ang nakontrol ko ngunit kasing laki lang ng maliliit na barya na parang inihagis ko lang sa kalaban.

'Di nila iniwasan nakakapanghina ng loob... Ano ba to!' iniisip ko habang nanginginig ang labi na pilit ngumingiti at tinititigan ang sariling mga palad.

"Hahahahahaha, weak! Mahina, lampa! Batang sinumpa! Hahahahah" tawa at halakhak ng limang batang bumogbog saakin.

"Ano yun? Magaling ka palang mag patawa! Ahhahahahah... gamitin mo nalang ang kapangyarihan mo para maging komedyante! Hahaha" insulto ng isang bata na parang kasing edad ko lang.

"Bugbugin sya!" sigaw ng kanilang leader. Habang di ako mapalagay. Tinitignan ko pabalik-balik ang sarili kong kamay at ang mga mukha ng mga batang papunta saakin.

"Waaaaaahh tuloooong! Tataaaaaang!" sigaw ko habang tumatakbo at hinahabol ng mga bata.

Nakapikit na akong tumatakbo mairaos ko lang ang katawan kong nanghihina ng biglang na untog ako sa isang matigas na bagay.

Nahilo ako at dinilat ang mata at tyaka ko nakita kung sino ang nabangga kong parang kasing tigas ng pader.

Nakita ko si Tatang Simon, napangiti ako ng bahagya habang lumalabo ang paningin. Sa pagpikit ko di ko maiwasang maisip ang mukha ni Tatang na kumukunot na ang nuo. Galit nanaman yun, sana mawalan ako ng malay at di na magising. Nakakatakot si Tatang.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon