Chapter 18

10 2 0
                                    

Chapter 18

Aira's POV

Matapos naming kolektahin ang mga cores sa paligid nagpatuloy kami agad sa paglalakad. Meron paring mga monsters na sumusulpot pero madali lang namin itong napapatay. Unti-unti narin naging komportable si Leira sa grupo at pati narin si Gboy. Nahihiya parin ito pero sa ngayon ay nakakausap narin ito ng mas matino.

Binaybay namin ang loob ng kagubatan, nag-iba kami ng rota taliwas sa nakalagay sa mapa. Nagkaka-usap narin sina Gboy at Leira pero heto namang si Ryle harap-harapan ang kutya.

Si Zen naman ay seryoso lang na nag lalakad parang walang paki sa nangyayari sa paligid. Nakatitig lang ako kay Zen mula sa likod ng bigla itong napatigil. Lumindol ang lupa kasunod nito ang ingay ng yapak ng isang tumatakbong nilalang. Papalapit ng papalapit ang mga yapak nito sa amin. We gathered as close as we can habang si Ryle naman ay pumaharap.

Isang heganteng uso ang bumugad sa harapan namin na nagwawala. Pinaghahampas at binabali nito ang mga punong nakaharang dito at tyaka umugong ito ng malakas.

 Pinaghahampas at binabali nito ang mga punong nakaharang dito at tyaka umugong ito ng malakas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"N-Nanghihina ang tuhod ko" sabi ni Leira. Para kaming naubusan ng lakas noong narinig ang sigaw ng heganteng uso.

"De-buff ang sigaw na iyon. Ursa, Ursa ang pangalan ng Red core beast na iyan" sabi ni Zen habang nakatingala sa mukha ng ursa na patuloy parin ang pag-sigaw.

"Gboy, Enhance! Prepare for Plan D! Ryle, defense mode!" sigaw ni Zen at sumunod agad ang lahat.

Nawala ang panghihina ng mga tuhod ko ng nag buff na si Gboy ng 'enhance'. Nagpalabas naman si Ryle ng metal na hugis kalahating bilog at nag transform narin ako.

Sumugod ang uso na may matataas na kuku at biglang umilaw ang mata. Anim na magkakasunod-sunod na pag atake gamit ang mga mulalapad na kamay at matutulis na kuku ang ginawa ng uso. Halos di ko masundan ang bilis ng mga kamay nito na tumatama sa bakal ng pangharang ni Ryle na mabilisan namang nayupi at nasira. Nawala naman ang pulang ilaw sa mata nito pagkatapos ng ika-anim na atake.

"Atras muna!" sigaw ni Zen na hindi inaasahan ang bilis at lakas ng uso. Hinila ni Zen si Ryle na tumutulo ang dugo sa gilid ng mga labi nito.

Pero sa hindi inaasahan sa pag atras nami mala isang dosenang demonyong uso ang naka-abang sa amin sa likod ngunit mas maliit ito.

"Kainis! Nathalie! Leira! Focus sa mas maliit. Aira sa Ursa back-up si Ryle. Gboy! Ilabas muna bata mo! Support kina Nathalie." utos ni Zen habang inilalabas ang isang malaking baril.

"Bilis!" dag-dag nito at pinapaputokan ang ursa sa mukha at malakas na pag sabog ang nagawa nito.

********

3rd Person's POV

Limang halimaw na halaman ang inilabas ni Gboy, si Nathalie naman ay ginamit na agad ang Clone at sabay umatake. Inihahanda naman ni Leira ang kanyang spell at pinakawalan ito sa iba pang mga uso sa paligid.

Rage of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon