Chapter II: 6:03 A.M.

412 36 14
                                        

"Hazel, gumising ka na at malalate ka na naman sa school." habang ginigising ako ni Mama na sobrang himbing sa pagkakatulog dahil napuyat ako sa pakikipagchat kay Kristoff. Nagbalik ang aming komunikasyon simula nung magkita kami noong bagong taon sa bahay ni Andrea. Gustung-gusto ni Kristoff makipagbalikan sa akin, subalit hindi pa ito ang tamang panahon para kami ay magkabalikan dahil masakit pa ang ginawang panloloko ni sa akin ni Kristoff.

Bumangon ako sa pagkakatulog na may masungit na muka at dumiretso agad sa CR para maghilamos.

"Nakaready na ang almusal mo anak at ang gamit mo sa school. Nasa bag mo na rin ang iyong baon." Tugon sa akin ni Mama habang inaayos ang mesa.

Kumain lang ako ng isang pirasong pandesal at uminom ng kaunting gatas at bumalik sa CR para maligo. At pagkalabas ko ay dumiretso sa aking kwarto na nakatapis lang. Nagbihis ako uniporme pang-iskwela. Pagkatapos na pagkatapos ay dumiretso agad ako palabas ng bahay at naglakad papuntang terminal ng jeep.

Habang ako'y naglalakad ay tila dinig na dinig ko ang bulungan sa aking likuran, at pagkalingon ko ay nakita ko ang magbabarkadang nagsusungit sa akin palagi pwera nalang kay Vin. Rinig na rinig ko sa likod ko na ako ang pinag-uusapan ng tatlong maarte pero 'di gaano kagandahang magbabarkada na sina Cy, Amelet at Verjie.

Si Cy ay isang sigang may pagkaboyish na babae at galit sa akin dahil s naging girlfriend dati ni Kristoff na gustung-gusto naman ng kanyang kaibigang bakla na si Verjie. Ews!

Si Vin naman ay isang gwapong lalaki at torpe na may gusto sa akin (inamin niya sa akin last year) subalit hindi pa rin maamin ang nararamdaman.

Si Amelet naman ay isang babaeng sobrang ingay at may pagkasuplada dahil sa matataas nitong kilay, galit na galit rin sa akin dahil kay Verjie.

Si Verjel a.k.a. Verjie naman ay isang supladang bakla na patay na patay kay Kristoff at galit na galit sa akin.

"At papasok kaya itong anak ni Aling Ferlyn sa school or magbabarkada lang naman sa labas. Sayang ang pera, Girl!" pagtataray ni Verjie sa akin habang inunahan ko sa paglalakad.

Hindi ko naman ito pinansin dahil matagal na itong may galit sa akin simula nung naging kami ni Kristoff kaya hinayaan ko ang mga yun.

Habang malapit na ako sa terminal ay may humintong motor malapit sa akin na may lalaking nakaunipormeng pang eskwela na nakahelmet na black na bigla tinanggal ang helmet at nagulat ako dahil si Kristoff ito. Kitang-kita ng magbabarkada si Kristoff na huminto malapit sa akin at nanggalaiti ang mga ito ng makitang pinapasakay ako sa motor nito. Pero nag-aalinlangan ako sa pagsakay kay Kristoff, pero sa ilang beses na pagpupumilit sa akin ay sumakay na rin ako

Nakarating na kaming dalawa sa school, pinauna ko na si Kristoff dahil alam niyang late na ito sa klase. Hindi pa man nakakapasok sa gate ng school ay hinablot ako ni Cy palayo kasama ang magbabarkada at bigla akong sinapak ni Verjie.

"Ang landi mo talaga, Girl! 'diba hiwalay na kayo? Bakit ka pa ba nakikipaglandian sa kanya?" tugon sa akin ni Verjie habang nanlilisik an mga mata na parang gusto akong patayin sa sobrang galit nito

Biglang inawat ni Vin si Verjie na sasapakin pa sana ako. Umalis ako sa lugar na walang kahit na isang salita pero kitang kita sa sarili ko ang galit sa ginawa ni Verjie.

"Saan kayo, guys?" chat ko sa groupchat naming mababarkada habang tuloy-tuloy sa pagtulo ng aking mga luha.

Lahat ng nasa grouphat ay sineen ang aking chat.

"Same spot," reply ni Andrea sa aking tanong.

Nagmamadali akong pumunta sa tinatambayan naming. Pagkarating ko nakita kong yoyosi ang lahat.

Love Against TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon