"Hazel, ako na maghahatid sayo." offer sa akin ni Kristoff habang tinatayo ako sa upuan para iuwi dahil sa sobrang kalasingan. Nahihirapan akong tumayo dahil sa sobrang kalasingan. Sinusubukan akong itayo ni Andrea pero inaalis ko ang mga kamay nito.
"Tulungan na kita, Hazel." sambit ni Hazel.
"Putang ina! Bitawan niyo akong lahat! Kaya ko 'to!" pasigaw kong tugon sa kanilang lahat.
"Hazel! Ano bang nangyayari sa'yo? Lalaki lang yun! Andito pa kaming mga kaibigan mo oh!" pasigaw na sagot sa akin ni Andrea.
Naupo ako dahil sa sinabi niya, biglang tumulo ang mga luha ko. Napakasakit. Sobrang sakit. Ang bigat sa dibdib, sobrang bigat.
"Wag mong sasabihin yan, Andrea! Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Mahal na mahal ko si Markus! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko dahil magkaiba tayo!"
tuloy tuloy ang mga luha ko sa pagtulo habang sinasambit ko ang mga salitang iyon.
"Sabihin niyo sa akin please. I-explain niyo sa akin. Anong ang mga rason bakit kami nagkaganito? Sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko alam ang rason bakit ganito! Bakit bigla niya akong iniwan!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobra akong nasasaktan sa ginawa ni Markus. Walang sinabing rason bakit ganun nalang.
Bigla akong niyakap ni Andrea na umiiyak na rin.
"Ang hirap, Andrea. Matatanggap ko naman kung may iba na eh, pero bakit biglang ganun? Hindi manlang nagpaalam... Iniwan niya ako sa ere, Andrea. Paano ko ba matatanggap ang lahat? Paano ako gigising sa katotohanan, na dati mahal na mahal niya ako, pero ngayon wala na... Wala nang kami."
"Ano ba ang mali kong ginawa? Minahal ko lang siya. May mali ba doon? Bakit di niya sabihin sa akin kung may nagawa man akong mali o kung nasakatan ko siya?"
Sobra akong napahagulhol ng iyak, hindi ko na napigilan.
"Mabubuhay ako na maraming tanong... Mga tanong na siya lang ang makakasagot."
Ito ang mga huli kong naalala pagkagising ko ngayon umaga na masakit ang ulo at may hangover.
Tumayo ako at dumiretso sa CR. Nag-ayos ng sarili, pumunta sa mesa at umupo para mag-almusal. Sinabayan ako ni mama sa pag almusal.
"Naparami ka ata kagabi, Anak." tugon sa akin ni mama habang humihigop ng sabay na kanyang niluto. Siguro alam niya na uminom kaya nagluto ng may sabaw para sa hangover ko.
"Sorry, Ma." mahinhin kong tugon sa kanya.
"Anak, alam ko naman ang pinagdadaanan mo. Alam kong masakit. Pwede mo akong kausapin." habang hawak-hawak ang isa kong kamay.
Biglang tumulo ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin kay mama. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang mga kamay.
"Ma, ang daming tanong, at si Markus lang ang makakasagot. Anong nangyari sa aming dalawa? May iba na ba siya kaya niya ako iniwan? May mali ba sa akin kaya siya biglang nawala? Kung hindi ba si Kristoff ang may ari ng kwintas, babalik ba siya? Binigay ko ang lahat, di pa ba sapat yun Ma? Dapat na ba akong bumitaw Ma? Sa mga pangako niya nalang kasi ako kumakapit eh. Ang daming tanong, Ma. "
Biglang tumayo si Mama at niyakap ako sa likod. Hinagkan ko rin ang mga kamay niya habang yakap yakap ako.
"Anak, alam mo lahat ng tanong ay may sagot. Siguro hindi pa natin alam sa ngayon kung ano ang sagot, pero darating at darating ang panahon ay masasagot ang mga tanong sa sarili mo. At alam kong may mga rason si Markus kung bakit niya ginawa yun. Kilala ko ang batang yun, ayaw ka niyang nakikitang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Roman d'amour"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel