Chapter XII: I'll Never Go

177 11 5
                                        

KUMATOK ako ng paulit-ulit sa bahay ni Markus pero walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang door knob at nabigla ako kasi bukas ito.

Nagtinginan kaming dalawa ni Andrea.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nagulat ako sa nakita ko sa sala kaya nahulog ang hawak-hawak kong cellphone.

May dalawang taong nakahiga. Isang babae at isang lalaki. Parehong nakakumot ang dalawa na parang nakahubad pareho. At ang lalaki ay si Markus kaya nabigla ako sa nakita ko.

Hindi ako makapaniwala na mauulit yung ganitong pagkakataon. Hindi ko mawari na kayang gawin ito ni Markus sa akin. Niloko ako ni Markus tulad kong paano ako niloko ni Kristoff.

"Hoy, Hazel!"

"Hoy!"

"Hazel!"

Palakas ng palakas na boses ang naririnig ko sa mula sa likod. Mga boses na mula kay Andrea.

"Hoy!"

Bumalik ako sa realidad sa lakas ng sinabi ni Andrea.

Advance na naman ang isip ko, naalala ko lang ulit ang ginawa ni Kristoff, akala ko na gagawin rin sa akin ni Markus.

"Kumatok ka na! Kanina ka pa nakatayo diyan eh," sigaw ni Andrea sa akin na parang nagagalit na.

Kumatok ako ng tatlong beses.

Hinintay namin na may sumagot sa loob.

Kumatok ulit ako ng tatlong beses, pero wala pa ring sumasagot.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko siya.

Nagriring lang ito, pero hindi sumasagot.

Inulit ko hanggang pang apat na dial sa number niya pero bigo pa rin ako, walang sumasagot.

Dahil na rin sa tumatagal na kami sa labas ng bahay ni Markus at sobrang bored na naming dalawa ay napagpasyahan naming dumiretso nalang ng mall.

Hindi ko maisip ang dahilan kung bakit hindi nagpaparamdam si Markus. Prank ba ito? Pero hindi naman mahilig mangprank ang mokong na yun eh. O baka isusurprise ako? Pero sa anong okasyon o dahilan? Tsk. O baka dahil dun sa nalaman niyang si Kristoff ang tumulong sa akin nung mawalan ako ng malay, at si Kristoff ang may-ari ng kwintas?

Sumakay kami ng taxi at dumiretso sa SM. Habang naglalakad kami papasok ng mall ay kinuha ko ang cellphone ko at dinial ulit ang number ni Markus, pero wala talagang sumasagot.

"Markus, nasaan ka ba? Pumunta ako sa inyo pero nakasarado ang pinto at walang sumasagot. Nag-aalala na ako." text ko kay Markus na may pag-aalala.

Habang naglalakad kami sa loob ay nakita ko si Kristoff at papalapit ito sa amin.

Ano kaya ang ginagawa ng gagong ito?

"Hi, Hazel. I just wanted to say sorry for what happened last night," malumanay na tugon ni Kristoff habang nakatingin sa mga mata ko. Sobra akong naiinis sa hayop na 'to.

"Andrea, tara kain tayo sa Jollibee? Treat ko dahil sa pagsama mo sa akin kina Markus," hindi ko pinansin si Kristoff kaya inaya ko si Andrea para mawala presensya ni Kristoff sa amin. Buti nalang at sumang-ayon si Andrea agad.

"Pwede ba akong sumama?" biglang sambit ni Kristoff habang naglalakad na kami paalis ni Andrea. Biglang tinignan ko siya na may masungit na mukha.

"Oo naman, sige sige," nabigla ako sa sinabi ni Andrea kaya napalingon ako sa kanya.

Tinignan ko si Andrea na parang sinasabing bakit namin isasama si Kristoff?

Biglang nilingon ni Andrea si Kristoff ng nakangiti.

Love Against TimeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon