Chapter X: Marcus' Birthday

185 16 2
                                    

"Anak, hindi pa kami tapos dito sa bahay, text nalang kita mamaya,"

text sa akin ni mama habang nasa bahay kami ni Markus dahil birthday niya. Parang simpleng araw lang sa aming dalawa, walang handaan, hindi kami pumasyal, nasa bahay lang kami nila, at nagmomovie marathon lang at ngayon ang pinapanood namin ay 'Five Feet Apart'. Walang kaalam-alam si Markus na may hinandang sorpresa sina mama sa bahay, may konting handang prinepare sila.

Kitang-kita ko kay Markus ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha nito mula sa kanyang mga mata habang nakasandal sa balikat ko habang pinapanood ang masakit na ending scene ng palabas. Kumuha ako ng tissue na nakalagay sa mesa para punahasan ang mga luha ni Markus.

"Uy! Birthday na birthday mo bakit ka naiyak dyan?" tanong ko kay Markus habang pinupunasan ko ang mga luha nito.

Hindi naman sumagot ang iyaking mokong.

Pagkatapos ng palabas ay agad itong dumiretso sa CR para maghilamos dahil namamaga ang mga mata nito sa palabas na yun. Di ako naiyak dahil hindi ako masyadong nakafocus dahil katext ko si mama haha. Pero sa totoo lang, iyakin din talaga ako sa mga napapanood ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Anak, ready na ang lahat," pagkabasa ko ng text ni mama ay naghanda na ako.

"Markus, punta muna tayo sa bahay nakalimutan ko charger ko eh," habang nagpupunas ng mukha si Markus.

"Sige, sandali lang." sagot niya na parang humihikbi pa ito.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa motor niya. Yakap-yakap ko siya habang nagdadrive siya papunta sa amin.

"Markus, total birthday mo naman ngayon, anong gusto mo? Hehe," tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya.

"Ikaw. Ay sorry nadulas hahaha," tugon niya sabayan ng napakalakas na tawa nito.

Wow ha, may pahugot pa itong mokong na 'to, kailan pa kaya ito natuto? Haha.

Kinurot ko ng mahina sa tagiliran si Markus dahil sa sinabi niya.

"Umayos ka ng sagot diyan kung hindi! Hahaha," sabi ko sa kanya habang natatawa sa kanyang sinabi.

"Pero seryoso nga Hazel. Makasama lang kita ngayon sa birthday ko, okay na ako doon. Wala akong ibang hiling kundi ikaw lang," habang napunta sa seryosohang usapan.

"Paano kung mawala ako sa tabi mo, Hazel? Hahanapin mo pa rin ba ako?" seryosong tanong sa akin ni Markus na nakakapagtaka.

"Bakit ka naman mawawala?" seryosong tanong ko naman kay Markus.

"Bakit, iiwan mo ba ako?" tanong ko sa kanya na may pagtataka.

*Hindi ah, naalala mo ba nung pauwi na tayo? Habang nasa eroplano tayo non at natutulog ka sa balikat ko, nangako ako nun na hindi kita iiwan, ilalaban kita kahit kanino man at papakasalan kita. Mahal na mahal kita, Hazel," mga salita mula sa bibig niya na nagpalakas ng loob ko at nagpaluha sa mga mata ko.

Narinig ko lahat ng mga sinabi niya, biglang nagpop up sa utak ko yung sinabi niyang kahit oras pa ang kalaban. Paano niya nasabi yun? Aalis ba siya ng bansa? Iiwan niya ba ako dito? Pupunta ba siya sa bansa na magkaibang oras dito sa Pilipinas? Hindi ko maintindihan.

Hindi ko na nasagot ang sinabi ni Markus dahil nakarating na kami agad sa bahay. Sobrang dilim ng bahay na parang walang tao. Pero sa totoo lang nakahanda silang lahat sa loob.

"Markus, pakibukas nga ng pinto," pasimpleng binigay ko ang susi para siya ang magbukas ng pinto.

Ilang sandali pa pagkabukas niya ay nagsigawan ang mga tao sa bahay.

Love Against TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon