Araw-araw akong hatid sundo ni Markus tuwing papasok kami. Hanggang sa umabot kami ng ilang buwan. Mas naging matatag ang aming relasyon, maraming pagsubok ang dumaan pero mas lalong pinalakas ang aming relasyon dahil dun.
"Happy 7th monthsary, Hazel!" sinorpresa ako ni Markus pagpasok ko ng bahay, galing kaming mall at nanood ng sine, sobrang nakasimangot ako dahil akala ko ay nakalimutan na niya dahil sa gabi na, at wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanya. Kasabwat pala sina mama at papa sa sorpresa. May mga nakahandang pagkain sa mesa at syempre ang paborito naming chickenjoy.
Inirapan ko kunwari si Markus dahil sa ginawa niya pero ilang saglit lang ay nakangiti ako na lumapit sa kanya.
"Alam mo ikaw, palagi kang ganyan! Nakakainis ka,"
"Ito namang sina mama't papa, sinuportahan pa talaga si Markus sa pagsorpresa. Kanina pa kaya ako naiinis, tapos tanong ng tanong kung bakit 'di pa rin ako binabati ni Markus, tapos isa pala kayo sa mga kasabawat," naiinis na kinikilig kong tugon sa kanila.
"Tinulungan lang namin 'nak si Markus, dahil humingi ng tulong hahaha. Sorry, anak. Haha," sagot ni mama na natatawa sa nagging reaksyon ko.
Lumapit ako kay Markus at niyakap siya.
"Thank you, Markus," tugon ko na parang naiinis pa rin.
"Sana all talaga ano, Hazel," singit naman ni Andrea sa akin na parang naiinggit sa nakikita niya.
"Maghanap ka na rin kasi, Andrea. Haha," pabiro ko kay Andrea habang yakap-yakap si Markus.
"Ay naku, tara na kumain na tayo dahil gutom na ako," sagot sa akin ni Andrea na hindi lang pinansin ang sinabi ko.
"Good evening po, tito at tita," sabay mano ni Andrea kina mama at papa.
"Oh tara na, kain na tayo at tama na yang yakapan dahil nilalanggam na tayo oh hahaha," patawa talaga 'tong si mama.
Habang kumakain kaming lahat ay may binigay sa akin si Markus.
Pagbukas ko isang plane ticket papuntang Palawan.
"Ihanda mo mga gamit mo ngayon, bukas na alis natin. Nakapagpaalam na ako kina tito. Pumayag na sila. Hehe," walang pakundangan niyang tugon sa akin.
Medyo napatigil ako doon sa nangyari. Bigla ko lang naalala ang memories ko with Kristoff sa Palawan.
Kinuha ko ang ticket at tumayo. Lumapit ako kay Markus at niyakap ito.
"Thank you. I love you," sabi ko sa kanya na parang naiiyak.
Ngumiti lang ito.
"I love you too," sagot niya sa akin na halata sa kanyang mga mata na gusting sabihin sa akin na mahal na mahal niya ako.
Masasabi ko talagang napakswerte ko kay Markus. Wala akong ibang masabi kundi ang mahal na mahal ko ang lalaking ito.
Nasa eroplano palang medyo natatakot na ako dahil sigurado akong makikita ko na ulit ang lugar kung saan naging masaya kami dati ni Kristoff.
Pagkalapag ng eroplano ay dumiretso na kami sa hotel kung saan kami mag-i-stay. Halata sa sarili ko na medyo may tensyon sa akin. Tinanong ako ni Markus habang inaayos ang gamit ko.
"Hazel, okay ka lang ba?" pagtataka niyang tanong sa akin.
"Oo, okay lang ako. 'Wag mo 'kong intindihin," sagot ko sa kanya na parang hindi mapakali.
"Gutom ka na ba? Pwede tayong umorder ng pagkain, gusto mo Jollibee?" tanong niya sa akin ng nakangiti.
Hindi ako sumagot kaya nilapitan niya ako at niyakap.
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Romansa"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel