*Third Person's POV*
Bumalik sa realidad si Hazel sa kanyang imahinasyong hinalikan siya ng lalaki nang biglang matabig ng batang tumatakbo ang inorder na pagkain ng lalaki. Huminto ang bata at humingi ng paumanhin. Lumapit naman ang magulang nito, at nag-offer na babayaran nalang ang natapong pagkain ng kanyang anak.
"Pasensya na kayo sa anak ko ha. Naistorbo pa tuloy ang date niyong dalawa. Mag oorder nalang ako ng bago. Pasensya na kayo" pagmamakaawang tugon ng ina ng batang nakatabig sa pagkain.
"Ah, okay lang po ma'am. Kami na po mag-oorder, hindi naman po sinasadya ng anak niyo ang nangyari" naawkward na sagot ng lalaki sa babae.
"Atsaka po ma'am, hindi po kami magdadate, magkaibigan lang po kami." pahabol ng lalaki na may pekeng ngiti.
"Ah, ganun ba. Pasensya na kayo dalawa ha, bagay na bagay kasi kayong dalawa, parehong gwapo't maganda eh. Pasensya na ulit na sa nagawa ng anak ko." Nahihiyang sagot at ngiti ng babae.
Halata sa mukha ni Hazel na medyo kinilig ito sa sinabi ng babae. Kaya umorder na ulit ang lalaki. At pagkatapos umupo na ang dalawa.
"Hi, i.i...i... I'm Hazel." nauutal na pagbati ni Hazel na halatang nahihiya
"Anong nangyayari sa'yo? Hehe" tanong ng lalaki habang nakangiti
"Wala hehe. Ano ulit pangalan mo?" tanong ni Hazel habang inaayos ang sarili para hindi mahalatang kinakabahan ito.
"Ako nga pala si Ma--" napahinto sa pagsalita ang lalaki ng biglang mahulog ang kutsara na hawak ni Hazel.
"Okay ka lang ba talaga?" medyo natatawang tanong sa kanya ng lalaki.
"Oo, okay lang" sagot ni Hazel na parang hindi mapakali habang kinukuha ang nahulog na kutsara
"Markus Rivera pala. Ako yung nakapulot sa ID mo" sagot ni Markus sabay abot ng kanyang kamay para makipagkamay kay Hazel.
"Hi, Hazel Manansala. May ari ng ID. hehe" sagot ni Hazel na halatang nahihiya
Pagkabigay ni Markus ng ID kay Hazel ay biglang pinatugtog sa loob ng Jollibee ang kantang Perfect ni Ed Sheeran na nagdagdag ng kilig kay Hazel.
"Ano pala ang nangyari sa jeep bakit umiiyak ka at nagmamadali kang bumaba? Kung okay lang itanong" tanong na may pagtataka ni Markus.
"Ah, yun ba, wala yun. May emergency lang na nangyari kanina." Pasimpleng sagot ni Hazel habang sa loob ay kinikilig na dahil sa itsura ng lalaki at sinabayan pa ng tugtog.
"Ah, okay sige. Tara kain na tayo." pag-imbita ni Markus kay Hazel na sinabayan ng magagandang ngiti
"Okay sige. Tamang-tama favorite ko yung chickenjoy. Thank you pala ha" sagot ni Hazel na halatang sabik ng kumain dahil sa paborito nitong pagkain.
"Uy, parehas pala tayo ng favorite. Dito ako palaging napunta kapag nagugutom ako eh" nakatawang tugon ni Markus dahil parehas sila ng favorite ni Hazel
"Ako naman kapag may problema ako, dito ako pumupunta para magpakalma. Chickenjoy lang nila ang nagpapakalma sa akin hehe" sagot ni Hazel habang hinihiwalay ang balat mula sa manok.
"By the way, saan ka nga pala nag-aaral?" tanong ni Markus na nagsisimula na ring kumain.
"Malapit lang, sa St. John University" sagot ni Hazel habang sinasawsaw ang balat sa gravy sauce na inihiwalay niya sa manok.
"Ikaw? Saan ka nag-aaral?" tanong naman ni Hazel habang sumusubo ng kanin.
"Malapit lang din, diyan lang sa St. Mary College" sagot ni Markus na patuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Roman d'amour"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel