Chapter VI: 7:09 PM

235 22 10
                                    

*Hazel's POV*

Hinawakan niya ang mukha ko at pinatingin sa kanya. Unti-unti niyang inilalapit ang kanyang labi sa akin, ngunit may nararamdaman akong takot sa kanyang ginagawa. Natatakot ako kasi may nararamdaman na ako sa kanya.

Inilapat niya ang kanyang mga labi sa aking labi. Hindi ko pinigilan si Markus sa kanyang ginawa, hinayaan ko lang. Pumikit ako habang magkalapat ang aming mga labi. Biglang nagring yung cellphone at pareho kaming nabigla.

"Anak, asan ka na?" biglng text ni papa na hinahanap na ako sa bahay ni papa kaya tumawag ito kaya nagpaalam na uuwi na ako.

"Sorry, Hazel," tugon ni Markus habang unti-unting binibitawan ng mga kamay niya ang mukha ko.

Tumayo ako at dire-diretsong lumabas ng kanilang bahay.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Hindi ako mapakali sa ginawa ni Markus.

"Sh*t! Nakakahiya yung ginawa koo!" tugon ko habang kinikilig na inaalala ang mga halik ni Markus.

"Hazel! Ano ba 'yan at sumisigaw ka? Ayos ka lang ba?" sigaw ni Mama na nabigla sa pagsigaw ko.

Hindi naman ako sumagot. Kinuha ko ang gamit ko para maligo, dumiretso agad ako sa CR. Nawawala ako sa sarili ko habang inaalala ko ang mga nangyari, hindi ako mapakali. Pagkatapos kong maligo dumiretso ako kwarto, at biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hazel, sorry sa ginawa ko," nagbublush habang binabasa ko ang mga text niya.

Hindi ko ito nireplyan dahil nahihiya ako at diretso na sa higaan para matulog.

*KINABUKASAN*

Galit na galit na naman ang panot naming professor sa English dahil sa hindi na naman nakikinig ang kanyang mga estudyante. Ako naman ito nakatulala sa hangin dahil iniisip pa rin ang paghalik sa akin ni Markus.

"Ayan! Diyan ka magaling Angelo, sa pakikipaglandian, hindi mo ba nakikita na nasa paaralan kayo? May nagtuturo sa harap niyo oh! Kung ayaw niyong makinig, libre lang lumabas!" at ito na naman si Sir, napakabitter na naman sa mga naglalandian, porket walang jowa. Hays.

Umuusok na naman ang ulo ni Sir Cruz dahil kay Angelo. Si Angelo ang kaklase kong parang walang pakialam sa pag-aaral, hindi nakikinig at mahilig makipaglandian sa mga kaklase naming babae. Pakboi for short. Eews!

"Sir, si Angelo po yung lumapit sa akin, nakikinig po ako sa klase niyo." depensa ni Ezra sa kanyang sarili habang patuloy na dumudikit sa kanya si Angelo.

Si Ezra naman yung pinakamatalino sa aming klase, matagal nang sinusubukan ni Angelo landiin ito, pero palagi itong basted.

"ANGELO!!!! BUMALIK KA NA NGA SA UPUAN MO! NAKIKITA MONG NAGTUTURO SI SIR OH!" galit na galit na pinagsasabihan ni Ezra si Angelo.

Agad naman bumalik si Angelo sa kanyang upuan dahil na rin sa napakalakas na sigaw ni Ezra.

"Napakasimple lang ng tanong ko hindi niyo pa masagot! Nakikinig ba kayo sa tinuturo ko?" nag-uusok na ang ilong si sir sa sobrang galit.

"What are the parts of speech? College na kayo oh! Elementary pa lang itinuro na yan sa inyo!" paulit-ulit na tanong si Sir na kanina pa hindi pinapansin ng buong klase dahil may kanya-kanya itong mundo.

As usual, si Grace palagi yung nagrerecite sa klase. Siya yung nakasagot sa tanong ni Sir. Siya yung pinakamatalino eh. Pero bilib pa rin naman ako sa kanya kasi palagi niya akong pinapakopya. Hehe.

Hindi pa rin ako aware kung ano na ang nangyayari sa klase kasi nasa ibang lugar pa rin ang aking isipan. Pabalik balik sa aking imahinasyon ang paghalik sa akin ni Markus. Hindi ko alam kung anong meron sa halik niya at hindi ko ito makalimutan.

Love Against TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon