Chapter XI: History Repeats Itself

177 13 2
                                    

KINABUKASAN, nagising ako sa sobrang lakas ng tugtog sa bahay.

"Grabeng trip na naman ng mokong na yun ah," lakas mang trip ni Markus everytime na ginigising ako sa bahay.

Sobra pa akong inaantok dahil medyo late na ako natulog dahil sa nangyari kagabi.

Tumayo ako na nanlilisik ang mga mata na parang gustong pumatay ng taong mahilig mangtrip haha.

"MARKUS! NATUTULOG PA YUNG TAO OH!" sigaw ko sa sala pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko.

"Ay tao ka pala? Haha," sagot naman ni mama na nag eenjoy sa pagsasayaw habang naglalampaso sa bahay na sinasabayan ang bawat beat ng tugtog.

Wow ha! Galing pa talaga sa nanay ko ang mga salitang yun, ensheket Ma! Hahaha.

"Akala ko si Markus," sagot ko kay mama na nagtataka.

"Wala pa si Markus, bakit may lakad ba kayong dalawa?" tanong ni mama habang naglalampaso at patuloy sa pagsasayaw.

"Wala naman po," simpleng sagot ko sa kanya.

"Oh sige, nakahanda na ang almusal dyan. Kumain ka na," tugon ni mama.

"Ma, pakihinaan nga ang tugtog. Sobrang lakas eh, para kang nasa sayawan eh haha," tugon ko sa kanya na natatawa dahil patuloy pa rin siya sa pagsayaw.

Ang sama ng tingin sa akin ni mama habang binababaan ang volume ng tugtog hahaha.

"Tulog pa ba si Papa, Ma?" tanong ko kay mama habang hinahanda ko ang almusal ko sa mesa.

"Ay naku! Paniguradong may hangover yun, grabe ba naman makipag inuman, parang mauubusan ng alak sa tindahan eh," sagot niya na napaupo bigla siguro dahil sa sobrang paglalampaso tapos sabayan pa ng pagsasayaw.

"Hayaan mo na Ma, minsan lang naman uminom yun eh, tsaka birthday rin naman ni Markus eh," sabi ko kay mama habang patuloy na inaayos ang mesa para mag-almusal.

"Nag-almusal na po ba kayo, Ma?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang isang pirasong pandesal.

"Mamaya na ako, sabay na kami ng papa mo," sagot niya na tatayo ulit para maglampaso.

"Sige po. Mauna na po ako mag-almusal Ma, medyo 'di ko na rin kaya ang gutom eh," sabi ko sa kanya habang punong-puno ang bibig ko ng pagkain. Sorry matakaw talaga ako eh. Hahaha.

Habang nag-aalmusal ako, kinuha ko ang phone ko para itext si Markus.

"Good morning, Markus. :)" with matching smiley pa 'yan hehe.

Pinagpatuloy ko ang pag-aalmusal ko habang hinihintay ang reply ni Markus at busy pa rin si mama sa paglalampaso.

Ilang minuto pa ang nakalipas hanggang matapos na ako sa pag-aalmusal ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula kay Markus.

"MR. MARKUS RIVERA! BUSY KA?" tinext ko siya ulit na nakauppercase na lahat ng letters.

Himalang hindi nagreply ang mokong na yun ah. Baka busy nga.

Hinayaan ko muna. Magtetext naman yun agad kung walang ginagawa eh.

"Ma, pupunta muna ako kina Andrea, itatanong ko kung kailan kami mag-eenroll sa susunod na semester."

Hindi ako pinansin ni Mama dahil busy sa pagsayaw habang patuloy sa paglalampaso. Dancing lampaso queen ang peg ni Mama hahaha.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa kwarto at dumiretso sa banyo para maligo at pagkatapos ay dumiretso na ako sa bahay nila Andrea.

Pagpasok ko, nakita ko si Tita na may ginagawang mga papeles sa kanilang sala.

"Good morning po, Tita. Andito po si Andrea?"

Love Against TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon